Kabanata XXVII PART 1 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. ACE AIDEN PAKIRAMDAM ko ay kailangan ko siyang protektahan at kailangan ko rin siyang tanggapin. Burado na ang lahat ng aking agam-agam sa lahat ng bagay. Hindi na ako dinadalaw ng panaginip ng nakaraan mula nang makilala ko siya. Wala na sa akin ang kagustuhan kong maghiganti at gumamit pa ng inosente upang makamit ang isang bagay na matagal ko nang gustong makamit. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya nang malaman niyang hindi siya anak ng kaniyang mga itinuturing na mga magulang. Mas lalo akong