Kabanata IV

2569 Words
Kabanata IV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA WALA AKONG NAGAWA nang tuluyan na siyang nakapasok sa aking inuupahan na kwarto. Ayon sa kaniya ay hindi pa raw siya naghahapunan kaya't ipagluto ko raw siya ng makakain. Aba, at napakaswerte naman niyang nilalang na mag-demand sa akin na magluto para sa kaniya. Galing ako sa work ko at dama ko na rin ang pagod. Sa labas na nga rin ako kumain dahil hindi ko na talaga kayang magluto ng aking hapunan sapagkat pagod na ako at wala na akong kakayahang kumilos pa. Gusto ko na lamang ay mag-aral at mahiga na upang makapagpahinga na ako. Ngunit heto at mayroon akong hindi katanggap-tanggap na bisita. Dumeretso siya sa kusina at para bang feel at home siyang umupo sa tapat ng aking mesa. "Magluto ka na. Hindi ba't sinabi kong nagugutom ako," sabi pa niya saka binuksan ang beer gamit ang takip ng isa pa. "Pwede ba kung wala kang magawa sa buhay mo ay huwag kang nang-iistorbo. Mayroon kang sariling inuupahan at hindi ko obligasyon na ipagluto ka ng iyong hapunan," sinermonan ko siya sa kanyang kinauupuan. Natawa lang siya at saka sumandal sa upuan niya. Ngumuso siya at saka itinuro ang nakatakip ng pagkain sa mesa. "Anong laman niyan?" Tanong niya. "Lumang pagkain iyan," sagot ko. "Nasaan ang bago?" Tanong niya. "Pwede ba, huwag mong hintayin na tumawag ako ng barangay para ipadampot ka dito," pagbabanta ko. "Okay lang, ayaw na rin nila akong pakialaman dahil sawa na sila sa akin," sabi pa niya. Umuusok na ang ilong ka dahil sa inis. Anong trip ba ang ginagawa niya? Nagtungo akong muli sa pintuan at saka ako nagbukas niyon. "Bukas na po ang pintuan, lumabas ka na," sabi ko. Tumayo siya at akala ko ay lalabas na ngunit heto at nagmasid masid pa sa loob. Napabuntong hininga ako. Isinara ko na lamang ang pintuan at saka ako nagtungo sa kinaroroonan ng stocks ko. Naglabas ako ng noodles at saka naglagay ng kaserola sa stove. "Pagkaluto nito ay kumain ka na at umalis ka na kaagad," sabi ko pa habang nagbubukas ng stove. Hindi siya sumagot. Napalingon ako at saka ko siya nakitang nagbubuklat ng mga libro ko na nasa mesa pa. "Huwag kang makialam diyan. Pumasok ka na nga dito tapos nakikialam ka pa," sita ko sa kaniya. "Nagdadala ka rin ba ng lalaki dito?" Tanong niya. Nabigla ako sa tanong niya sa akin. "Ano kamo?" Tanong ko. "Bingi ka?" Aniya. Inirapan ko siya. "Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" Tanong niya. "Pwede ba, huwag ka nang makialam sa buhay ko," naiinis na talaga ako. "Wala ka ngang boyfriend. Galit ka sa mundo eh. Wala ka kasing sapat na dilig," sabi pa niya saka naglakad patungo sa kwarto ko. "Hoy, over trespassing ka na!" Sigaw ko. Magbingi-bingihan na siya sa akin. Hininaan ko ang apoy at saka ako sumunod sa kaniya sa loob. Hinila ko ang damit niya at saka siya inilabas sa kwarto. "Easy, easy. Hindi naman ako magnanakaw," napapangiti pa siya. Nakakainis talaga. Istorbo. "Ano bang problema mo? Ito na nga oh, ipinagluluto na kita. Tapos nakikialam ka pa ng mga gamit, tapos ngayon pumapasok ka sa kwarto ko. Sobra na iyan," napataas na ang boses ko. Ngumiti lang siya saka naupo muli sa upuan sa tapat ng mesa. "Okay. Mauupo na. Noodles lang ang ipapakain mo sa akin?" Tanong niya. "Hindi ako mayaman para ipaghain ka ng masarap," sabi ko saka tumalikod at inilagay ang noodles sa kaserola. "Kahit naman wala kang pera, kaya mo akong pakainin ng masarap," sabad niya. Ano na naman ang gusto niyang palabasin? Hindi na ako umimik pa. Nang maluto na ang noodles ay isinalin ko iyon sa tason at saka dinala sa kaniya. "Oh hayan, pakibilisan at nang makaalis ka na," sabi ko pa. "Hindi pa ako nakakasubo, pinapaalis mo na ako," aniya. "Hala, sige na. Dalian mo. Mag-aaral pa ako," sikmat ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at saka kumain. "Wala kang kanin?" Tanong niya. "Wala," sabi ko. Nakatayo lang ako sa tabi ng lababo habang binabantayan siya. "Anong laman nito?" Tanong niyang muli sa nakatakip na pagkain. Hindi ako sumagot dahil binuksan niya na iyon. "Wow, tuyo. May kanin pala dito," sabi pa niya. "Luma na iyan. Kanina pang umaga," sabi ko. Wala siyang narinig. Imbes ay kinain niya na iyon. Patay gutom ang lalaking ito. "Ang bait mo palang kapit-bahay," sabi pa niya. Hindi pa rin ako umiimik. "Sa susunod, kakain ako ulit dito," sabi niya pa. "Hindi na pwede," sabi ko. "Walang hindi pwede," aniya. Hindi na ako nakipagtalo pa. "Anong pangalan mo at ilang taon ka na?" Tanong niya saka tumingin sa akin. "Wala ka na doon," sagot ko. "Ang ganda naman ng pangalan mo. Unique. 'Wala ka na doon." Natatawa niyang wika. "Pakibilisan na lang po, dahil mag-aaral pa po ako! Pwede po?" Sabi ko pa sa pinakasarkastikong paraan. "Pwede ka namang mag-aral lang diyan Miss Wala ka Na Doon," wika niya. "Kasi nga po, hindi po ako nakaka focus kapag nandito ka, po!" "Dahil sa kapogian ko?" Aniya saka ngumiti at tumingin sa akin. "Luh, kung iyan lang ang basehan ng kapogian, ay hindi na sisikat si Captain America," sabi ko sa kaniya. "Sino iyon?" Tanong niya. "Wala ka na doon," umirap pa akong muli. Hindi na rin siya nagsalita pa. Nang matapos na siya ay nag-demand pa siya ng tubig. "Tubig nga Miss Wala Ka Na Doon," aniya at prenteng umupo sa upuan. Kahit na inis na inis ako, para lang mawala na siya sa aking paningin ay binigyan ko na siya ng maiinom. "O heto," sabi ko pa. Nang abutin niya iyon ay hinawakan pa niya ang mga daliri ko at tumitig sa aking mga mata. "Eeewww! Ano ba?" Reklamo ko. Napapangiti siyang uminom ng tubig. "Isa pa nga," aniya saka inabot sa akin ang baso. Inis na inis akong nagsalin muli ng isang basong tubig at saka muling inabot sa kaniya. "Tapos ka na ba? Pwede ka nang umalis," sabi ko at saka nagligpit. "Ako na ito," aniya saka inagaw sa akin ang mga pinagkainan niya. "Ako na at nang makaalis ka na," sabi ko pa at akmang aagawin sa kaniya ang mga iyon. "Ako na. Naboboring ako, gusto ko ng mayroong ginagawa," sabi niya saka matagumpay na nakuha sa akin ang mga hugasin. "Kung naboboring ka, huwag kang namemerhuwisyo. Kaya't umalis ka na," sabi ko at itinulak siya. "Oops. Pananyansing na iyan," sabi pa niya nang makahawak ako sa braso niya. "Ang feeling!" Umirap akong muli. Nagtungo siya sa mesa at kinuha ang beer saka inabot sa akin ang isa. "Oh uminom ka at nang makatulog ka ng maayos," sabi niya saka ipinahawak ang isang beer sa akin. "Hindi ako umiinom," sagot ko. "Subukan mo lang. Kahit kalahati lang. Sabay pa tayo," aniya. Naiinis na talaga ako. At siguro kung gagawin ko ito ay aalis na siya. Kaya naman walang sabi sabi ay tinungga ko ang beer at nakakalahati ako. Medyo mapakla iyon kaya naman pinunasan ko kaagad ang mga labi ko at saka inabot sa kaniya ang bote. "Wow. Lakas!" Na-amazed siya sa ginawa ko. "Umalis ka na," itinulak ko na siya palabas. "Saglit lang," aniya. "Thank you sa pang-iistorbo ha?" Sabi ko pa. "You're welcome," sagot niya. Tuluyan ko nang naisara ang pintuan at ngayon ay napasandal ako sa likod niyon. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko sa sarili ko. Nakadama ako ng kakaiba sa katawan ko at agad akong tumakbo sa kusina upang uminom ng tubig upang matanggal ang lasa ng beer sa akin. Hindi ako umiinom kaya naman hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito sa akin. Minadali kong hugasan ang pinggan na pinagkainan niya at saka ako nagtungo kaagad sa kwarto upang mag-focus na sa aking pag-aaral. Ngunit kauupo ko pa lang sa aking upuan doon ay bumabagsak na ang mga talukap ng mga mata ko. Dios ko, hindi ito maaari. Pinilit kong buksan ang mga mata ko ngunit wala talaga akong magawa dahil nagsasara na iyon at ayaw na akong panatilihin na gising. Iyon siguro ang epekto ng beer sa akin. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mga pisngi ko dahil sa beer na iyon kaya't agad akong nagtungo sa harap ng salamin upang tingnan ang aking hitsura. Nagulat ako dahil sobrang namumula na ako. "Gosh. Ano ba ito?" Naiistress na ako sa pagtatanong sa sarili ko. Kaya't upang maging okay na ang lahat ay nagdecide na akong matulog. Alas dyes naman ang klase ko bukas kaya't mayroon pa akong oras upang mag-aral. Agad agad ko na ring nakuha ang tulog ko. Wala na akong maramdaman kaya't sa palagay ko ay pinatulog na ako ng ininom kong beer dahil sa kagagawan ng lalaking iyon. Nakakastress siya maging kapit-bahay. Hahay nako. NAGISING AKO dahil sa pag-meow ni Monina sa aking ulunan. "Uuuhhhmmmm!" Umunat ako at bumaliktad ng higa. "Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko. Kinapa ko ang eyeglasses ko sa aking tabi at saka iyon isinuot. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at napabangon akong bigla nang dahil sa pagkabigla. "Dios ko po!" Napabalikwas ako ng tayo nang malamang alas nuwebe trenta na ng umaga. Alas diyes ang pasok ko at 30 minutes na lang para maligo at para masakay papunta sa school. Hindi ako pwedeng ma-late dahil magpapaquiz ang aming teacher ngayon. Ito na siguro ang pinakamabilis kong ligo sa buong buhay ko dahil wala na akong time para magtagal pa sa aking preparasyon. Kaya naman pagkaligo ko ay agad na akong nagbihis at saka ako nag-prepare para sa sarili ko. Ang mga gamit ko ay inilagay ko na sa bag ko. Pagtakbo akong lumabas at nagsara ng pintuan at saka ako tumingin sa aking relo. "Dios ko, 9:52 na ng umaga," sabi ko pa. Gulo gulo ang buhok kong tumakbo pababa ng boarding house at saka ako nakaalala na naiwan pala sa kusina ang isang libro ko. "Tsk, kung minamalas ka nga naman oh," sabi ko pa. Patakbo kong tinungo ang aking silid at saka iyon binuksan. Naiiyak na ako dahil ayaw kong mabagsak at makaliban sa klase ni Prof. Dimayuga na kilala dahil sa kaniyang pagbabagsak ng mga mag-aaral. Ngayon ay wala na akong choice. Kaninang naliligo ako ay naisip kong istorbohin ang kapit-bahay ko na ihatid ako sa school. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito kaya't siya rin dapat ang gumawa ng paraan para hindi ako ma-late. Pagkakuha ko ng libro ay agad na akong lumabas at saka ako kumatok ng malakas na malakas sa kaniyang pintuan. "Hoy, lumabas ka diyan!" Sigaw ko. Panay ang katok ko ngunit wala pa ring sumasagot. "Hooyyy, lalaki, lumabas ka diyan!" Sigaw ko. Nagbukas siya ng kaniyang pintuan at nakita kong nagtataas pa lang siya ng zipper ng kaniyang pantalon at pupungas pungas na lumabas. "Bakit ba?" Sigaw niya sa akin. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagising ng tanghali. Ngayon, late na ako, ikaw rin ang gagawa ng paraan para makapasok ako, kaya't idrive mo ako papuntang school. Ngayon na!" Sabi ko na punong puno ng confidence at demand. Ganon din naman ang ginawa niya sa akin kagabi kaya't hindi na ako nahihiyang gawin iyon sa kaniya. "Anong oras na ba?" Wala sa mood niyang tanong. Napatingin ako sa katawan niyang mabalahibo. Saglit na nahinto ang pagtibok ng puso ko dahil sa magandang hulma ng kaniyang katawan. Sa libro ko lang nababasa ang mga ganitong hitsura at hindi ko inaasahan na makakakita ako sa personal ng ganito. "Okay na ba? Na-check mo na ba ng mabuti ang katawan ko? So pwede mo nang sabihin sa akin kung anong oras na?" Tanong niya. Napukaw ako sa kaniyang sinabi at ngayon ay napatingin ako sa oras. "Gosh. Pwedeng i-drive mo ako going to San Lorenzo University in 5 minutes?" Tanong ko. "Wait for me!" Aniya. Pumasok na siya at nang lumabas siya ay nakasuot na siya ng puting t-shirt at halatang bagong toothbrush siya dahil basa ang kaniyang labi at namumula iyon. "Tara!" Hinila niya ang kamay ko at halos hindi ako makahabol sa kaniya dahil ang lalaki ng hakbang niya samantalang ako ay maiiksi lang. "Isuot mo ito," utos niya sa akin. Ipinasuot niya sa akin ang isang helmet na tila hindi pa nagagamit at nagsuot naman siya ng kaniya. Katulad kagabi ay hindi ko maabot ang kaniyang motor kaya't ipinatagilid niya ang kaniyang motor. Nang makasakay na ako ay nagsalita siyang muli. "Kapit," aniya. Kumapit ako sa kaniya at doon ko nadama ang katigasan ng kaniyang abs. Hulmado iyon at tila ba batak siya sa trabaho. Tumatagos sa suot niyang plain white shirt ang init ng kaniyang katawan at hindi maiwasan ng kamay ko na hindi mapaso sa init niyang dala. Ngunit hindi iyon ang dapat kong isipin dahil male-late na talaga ako at hindi ako pwedeng hindi mag-attend sa quiz. Panay ang dasal ko na sana ay ingatan kami sa pagmamadali ko at sana ay wala pa siya sa classroom. Ngayon ay hindi ko alam kung anong oras na dahil nasa loob na ng bag ko ang aking cellphone. "Wala na bang mas ibibilis pa?" Tanong ko Hindi siya kumibo, imbes ay mas lalo niyang pinaharurot at pinasingit sa kung saan saan. Mukha namang kabisado niya an daan kaya't nagtiwala na lang ako sa kaniyang pagmamaneho. "Tama ba ang daan?" Sigaw ko at nang marinig niya. Hindi siya umiimik kaya't hinayaan ko na siya. Hanggang sa makita ko ang nalalapit naming pagdating. Sa kabilang way pala siya dumaan. Mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko dahil ngayon ay napapalapit na kami. Ilang floors pa ang aakyatin ko para marating ang aming classroom. Hanggang sa makarating na kami sa gate at agad-agad akong bumaba. "Hoy, yung helmet!" Sigaw niya sa akin. Nasa ulo ka pa pala ang helmet kaya naman patakbo akong bumalik at saka iyon tinanggal. Sa kasamaang palad ay ang hirap pala tanggalin. Tinulungan niya ako at saka ako napatitig sa kaniyang mukha. Mas gwapo pala siya sa malapitan. Kahit nakasuot siya ng helmet ay nakikita ko pa rin ang kaniyang mga mata. Nakakabighani rin ang tila ba bagong ahit niyang bigote. Umiiwas ako ng tingin dahil napapatingin din talaga siya sa aking mga mata. At hindi ako makakaligtas sa mga mata na iyon. "Salamat!" Sabi ko at saka tumalikod at patakbong umakyat sa mataas na hagdan ng school. Paakyat pa lang ako sa ikalimang baitang nang makarinig ako ng sigaw mula sa aking likuran. Tili iyon ng isang babae. Napalingon ako nang makita kong pagbubugbugin ng lalaking kapit-bahay ko ang isang estudyante. "Manyak ka! Bobosohan mo pa siya ha? Hayop ka!" Galit na galit siya. Hindi ko akalaing ganito ang kaniyang hitsura habang nagagalit. Tila ba ibang tao siya. Sino ang bobosohan? Hawak hawak niya ang helmet na tila ipinamalo niya sa lalaki. "Ikaw,babae. Mag-iingat ka nga. At anong tinatayo-tayo mo diyan? Hinatid kita para hindi ka ma-late. Huwag ka nang makialam dito," sigaw niya sa akin saka ako pinagtinginan ng mga tao. Ako ba ang binosohan? Pagtatapos ng Ika-Apat na Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD