Kabanata XXI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA "BAKIT MO KASI AKO IPINASALI?" "Hindi nga ako komportable na ako lang mag-isa. Dapat magkasama tayo." Nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad kami pauwi ng bahay. "Manonood naman ako eh. Hindi naman ako aalis, hindi rin naman kita pagtatawanan," naiinis kong wika. First time kong sasali ng mga ganitong pageant at kahit sa sitio lang naman magaganap ang bagay na ito ay nahihiya talaga ako. "Basta," aniya. Wala na akong kibo. "Hoy, bansot. Akala ko ba maliligo tayo diyan," sigaw niya sa akin. "Ayaw ko.