Kabanata XXVI Part 1 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA UMALIS NGA KAMI NI ACE. Hindi kami napigilan ng kahit na sino man sa kanila. Hindi ko alam kung mayroon pa kaming masasakyan papuntang bayan, ngunit alam ko sa sarili ko na hangga't kasama ko si Ace ay mayroon pa akong pag-asa. Inilayo niya ako sa lugar kung saan ko nadama ang sakit at nadama ko ang pinakamalaking rebelasyon sa aking buhay. Hindi raw ako totoong anak ng mga taong itinuring kong mga magulang sa loob ng 23 na tao. Nag-abang kami ng masasakyan na tricycle sa daanan at lulubog na ang araw. P