Kabanata XXVI Part 2 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA "WALA NA AKONG BRIEF." Ito ang wika niya nang sawayin ko siya dahil basta basta na lang siyang naghuhubad sa loob ng kumot. "Hindi ba't marami ka namang dinala?" "Sa tingin mo ay ilang araw na tayo dito sa San Simon?" "Hindi ka ba naglaba?" "Hindi pa." "Kasalanan mo iyan," saka ako tumalikod sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang kwarto sa motel. Good for 6 hours lang ang aming kinuha at maaga na lang kaming pupunta sa bus station bukas. Ipinakilala niya pa akong kabit niya sa lalaking nagbabanta