Kabanata III
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto.
ACE AIDEN
"Let's remove your clothes, Ace!"
Nanginginig ako dahil sa takot. Wala si tatay at ako lang ang naiwang kasama ni Nanay Mathilde sa bahay.
"Nay, huwag po. Maawa po kayo," pagmamakaawa ako sa kaniya.
Pangalawang pagkakataon na ito ng pangmomolestya sa akin ng aking madrasta at hindi ko talaga magawang magsumbong dahil hindi lang din ako kakampihan ni tatay dahil mahal na mahal niya ang kaniyang mahal na pangalawang asawa.
Napatakip na lang ako ng aking mukha gamit ang aking mga braso nang matagumpay niyang ibaba ang suot kong shorts.
"Naaayy! Huwwaaag!"
Kahit magsisisigaw ako ay tila ba walang nakakarinig sa akin.
"Ginusto mo nang nakaraan, bakit ngayon ay hindi na? Sige na Ace, pumayag ka na. Gusto mo ba ulit na maitali?" Tanong niya.
Wala na talaga akong magagawa kundi ang magpaubaya na lang dahil wala na akong ibang kayang gawin.
Nang hawakan niya ang aking p*********i ay naghuhumiyaw ang damdamin ko na hindi ko kayang tanggapin ang unang magiging karanasan ko, muli sa kamay ng mapangmolestya kong madrasta.
"Huwwaagggg."
"Huuuwwaaagggg!"
Napabangon ako sa aking pagkakahiga. Dinalaw na naman ako ng aking nakaraan sa panaginip. Pawis na pawis akong bumangon at nagtungo sa aking kusina upang kumuha ng tubig na maiinom.
Hingal na hingal ako sa aking bangungot na iyon. Kailan lang nang huli ko iyong mapanaginipan at kung maaari lang sana ay hindi na sana ako dalawin nito dahil hindi ko talaga gustong maalala pa ang aking masaklap na nakaraan.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong pasado alas tres pa lang ng madaling araw. Lunes na naman at mamaya ay mayroon na naman akong trabaho sa Adam's Bar bilang waiter. Panghapon naman ako at ang uwi ko ay alas otso ng gabi kaya't maaari pa akong matulog mamayang umaga.
Nang makababa ako sa building ay nagsimula na akong tumakbo sa kalye. Malamig ang madaling araw na hangin lalo pa at December na kaya't eksakto lang na magjogging ako. Ang balak ko ay hanggang sa 7/11 lang ako at doon ako magkakape o kaya naman ay kakain ng noodels. Halos dalawang kilometro ang layo ng 7/11 sa aming inuupahan kaya't medyo malapit lang talaga.
Gising na gising ang diwa ko dahil sa aking panaginip. Hindi na rin naman ako makakatulog pag nagising ako dahil doon kaya't mas mabuti na lamang ito.
ALAS SAIS na ng umaga nang nasa tapat na ako ng building ng Tita Lola's boarding house. Pawisan ako kaya naman binuksan ko ang zipper ng aking jacket. Wala akong panloob ngunit ayos lang naman iyon.
Katutungtong ko pa lamang sa aming palapag nang makasalubong ko ang aking kapit-bahay na ngayon ay nakabihis na papuntang school.
Tumigil ako sa aking kinatatayuan at saka ako namulsa ng kamay ko sa bulsa ng jacket ko at hinintay siyang makalapit. Alam kong nakita niya ako ngunit heto at nakayuko na naman siya sa akin.
Ang akala ko ay hihinto siya ngunit hinid, umiwas siya ng daan kaya naman umirap ako at saka ko hinila ang kamay niya.
"Bakit ba? Male-late na ako sa klase ko," pinilit niyang tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso ngunit sadyang malakas ako kaya naman hindi niya ako basta bastang mapabibitaw sa kaniya.
"Male-late? Mag-aalas sais pa lang. Ang lapit lapit lang ng papasukan mo," seryoso kong wika.
Buong lakas ko siyang hinila pabalik hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. Hanggang dibdib ko lang siya at yumuyuko talaga ako sa tuwing kausap siya.
Alam kong hindi maganda ang naging unang pagkikita naming dalawa ngunit hindi ko gustong maging mabait sa kaniya kaya't ayos lang iyon.
"Pupunta pa ako sa library dahil dalawang gabi na akong hindi nakakapag-aral ng maayos," sabi pa niya sa akin.
Napangiti ako at saka tumingin sa kawalan bago ako muling tumingin sa kaniya.
"Alam mo, dapat, maging mabait ka sa mga bago mong kapit-bahay. Mas okay pa nga kung ipagluto mo pa ng almusal para maging mabait din siya sa'yo," sabi ko pa saka natangkang hawakan ang kaniyang pisngi ngunit bigla niya akong sinampal ng malakas sa pisngi.
Napangiti ako at saka iyon napalitan ng galit. Agad ko siyang hinila palapit sa akin at nabigla siya nang magkadikit ang aming mga katawan.
"Huwag mong subukang magmatigas sa akin, ganda. Hindi ka uubra," sabi ko saka bumulong sa kaniyang tenga.
Nakita ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay dahil doon. Bigla ko siyang binitawan at halatang nabigla siya sa ginawa ko.
"Oh, nalukot yata ang damit mo," pinadaan ko pa ang mga kamay ko sa balikat niya ngunit umiwas siya.
"Siguro mamayang gabi ay sa kwarto mo ako matutulog. Gusto mo ba? Tumatanggap ka ba ng bisita? O kung ayaw mo naman ay maluwag din naman sa kwarto ko pwede tayong...," hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naglakad siya paalis.
Napairap ako saka tumalikod at hinila siyang muli.
"Arrayyy!" Napa-aray siya nang hablutin ko ang kamay niya.
Tila natulala ako nang bigla siyang umiyak sa harapan ko at hindi siya natitinag sa kaniyang pag-iyak.
Napatingin ako sa paligid dahil ayaw kong mayroong makakita sa aming dalawa na ganito. Hindi ko pa siya kakilala ngunit ilang beses ko na siyang nakikita kaya't gusto ko lang sanang makipagkilala, ngunit heto at ganito ang tagpo.
"Hindi kita pinaiyak. Nakikipag-usap lang ako sa'yo," sabi ko saka sana lalapit ngunit umatras siya.
"Huwag ka nang lalapit. Natatakot ako sa'yo," sabi pa niya saka nagmadaling tumakbo paalis.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tingnan na lang siya habang patakbong umalis.
Napangiti na lang ako sa sarili nang mapagtanto ko na masyado kong sineseryoso ang bagay na iyon, ang kaniyang pag-iyak.
Ayaw kong mayroon akong nakikitang babaeng umiiyak sa harapan ko, kaya't ang pag-iyak niyang iyon ay isang bagay na hindi ko inaasahan, lalo pa at ang dahilan ay ang pagkatakot niya sa akin. Sanay akong iniiyakan ngunit hindi sa ganitong paraan.
"Anong oras kaya siya umuuwi?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakd papunta sa silid ko.
"s**t!" Napamura ako dahil napagtanto ko na hindi pala dapat ako nakikipagkilala ng ganito sa mga babae.
Ang babae para sa akin ay laruan lang, kaya't hindi ako pweedeng magseryoso.
NASA ADAM'S BAR na ako at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang waiter. Sa trabaho ko ay mayroon akong nakakasalamuhang iba't ibang klase ng tao lalung lalo na ang mga babaeng nais lamang ng panandaliang ligaya. Hindi rin naman ako tatanngi dahil para sa akin ay paglalaro lang ang lahat.
Ngayon ay wala masyadong tao sa bar kaya't hayahay ang buhay. Araw kasi ng Lunes at wala masyadong customers. Siguro ay mamayang gabi pa iyon, ngunit hanggang alas otso lang ako.
"Bro, wala ka kahapon, sayang!" Wika sa akin ng kasamahan ko sa trabaho na si Edward.
"Bakit?" Simpleng tanong ko habang umiihi. Napalingon pa ako sa kaniya.
"Ang daming customers, ang daming tip," sabi pa niya.
"Off ko tuwing Linggo, kaya't wala ako. Hindi ko naman kailangan ng maraming pera," sabi ko pa bago magpagpag at magsara ng zipper.
"Ayon lang. Madami ka namang take out nang mga nakaraang gabi kaya't tiba tiba ka na niyan," sabi pa niya saka sumunod sa akin sa paghuhugas ng kamay.
Pagkahugas ko ng aking kamay ay inayos ko ang buhok ko at tumingin sa hitsura ko. Marami p akong maloloko.
"Sabi ko nga, diskarte lang iyan," simple kong wika.
"Buti at kinakaya mong gabi-gabi, halos dala-dalawa ang iniuuwi mo. Alamat ka bro," sabi pa niya saka napapangiting nag-ayos din ng buhok niya.
"Kapag kailangan ng pera, kailangan ding kumayod at mapagod. Hindi ako mayaman kaya't hindi ako pwedeng manghina," sagot ko saka maglalakad na pabalik.
"Kumikita na sayo ang mga botika.Ikaw nakakaubos ng condom nila," natatawa niyang wika.
Napangisi lang ako saka ako dumeretso ng tingin. Mula sa pintuan ng bar ay nakita ko ang kapatid kong babae na si Emerald.
"Kuya," tawag niya sa akin.
Walang kibo ko siyang pinuntahan sa kinatatayuan niya.
"Anong ginagawa mo dito? Halika, maupo ka na muna," sabi ko saka siya iginiya sa isang upuan.
"Kuya, kailangn ko kasi ng pera. Wala pa si Mommy, nasa mga amiga niya," aniya.
Estudyante pa lang si Emeng at nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo. Mayroon naman kaming kaya ngunit hindi ko na ibinibilang ang sarili kong kabilang sa kanila mula nang humiwalay na ako.
"Bakit? Hindi ka pa ba binibigyan ni tatay?"
"Hindi pa raw siya makakapagpadala ngayon dahil sa dami ng kanilang ginagawa. Pero si mommy, uuwi lang kapag madaling araw na, tapos hindi ko n maabutan paggising ko," sabi pa niya.
"Tsk," napapalatak ako.
Dinukot ko ang wallet ko saka ako nagtanong sa kaniya.
"Magkano ang kailangan mo?"
"Kahit 500 lang kuya. Kailangan ko lang ng pang project ko. Aabangan ko na lang si mommy mamayang gabi," sabi pa niya.
Ngunit hindi ko matitiis ang kapatid ko. Magkapatid lang kami sa ama ni Emeng pero ung ituring ko siya ay buong buo. Dinukot ko sa wallet ko ang isang libo at ang naiwan na lang sa akin ay 2000 pesos dahil ang kinita ko ay ihinulog ko na sa paupahan, kaya't bayad na ako ng limang buwan, in advance.
"Kuya, ang laki nito," sabi pa niya.
"Kunin mo na iyan at baka hindi ka pa bigyan ng nanay mo," sabi ko pa.
"Kuya, thank you talaga. Promise, babawi ako sa'yo pagka-graduate ko," sabi pa niya.
Medical student siya sa San Lorenzo University kaya't medyo magastos siya sa pag-aaral.
"Ang mahalaga sa akin ay nag-aaral ka," sabi ko pa.
"Kuya thank you. I love you," tumayo siya at saka pumunta sa aking likuran ko at saka ako niyakap mula doon.
Hinimas ko ang kaniyang buhok.
"Baka naman pang date mo lang iyan? Makukutusan ka sa akin Emeng," sabi ko pa.
"Hindi kuya. Wala ngang nanliligaw sa akin," sabi pa niya.
"Hindi naman masamang makipagdate, basta't hindi ikaw ang gagastos," sabi ko pa.
"Basta kuya, idol kita. Dapat kasing bait mo ang magiging boyfriend ko," sabi pa niya.
"Kasing pogi?"
"Pangit ka kaya," sabi pa niya saka niya ako hinalikan sa pisngi.
"Punasan mo iyan. Mag-aamoy laway ako," sabi ko pa sa kaniya.
"Labyu kuya ko. Bye na," sabi pa niya.
"Sige na, umalis ka na sa paningin ko at baka hindi kita matantya," pabiro kong wika.
"Bye kuya kong pogi," sabi pa niya saka patakbong umalis.
Tumayo ako at namulsa ng kamay saka siya tiningnan paalis.
"Bola bola," sigaw ko.
"Seryos iyon, kumag," sigaw niya.
Napangiti ako saka napayuko.
"Ace, maaga tayong magsasara dahil birthday ng ating manager sabay sila ni bossing," ani Edward na ngayon ay nag-aayos na ng upua.
Anong oras na ba? Tumingin ako sa aking orasan at mag-aalas syete pa lang ng gabi.
Mayroon pang mangilan-ngilan na kumakain pero naglagay na kami ng close sign sa labas.
"Sasama ka ba sa jamming?" Tanong pa ng kasama ko.
Marami kaming magkakasama dito pero hindi ako masyadong malapit sa ilan. Si Edward lang talaga ang ka-close ko mula noong una pa.
"Hindi ako makakasama. Maaga akong uuwi," sabi ko pa at tinulungan na siyang mag-ayos.
"Ikaw lang ang wala doon mamaya," aniy.
"Kahit na."
"Siguro ay mayroon ka pang dadaanang mga chicks. Magbigay ka naman," pabiro niyang sabi.
"Wala nga eh. Pahinga muna si manoy," pabiro kong sabi.
"Nalalaspag na ba?" Natatawa niyang tanong.
"Hindi naman. Lagi lang napapalaban," sabi ko pa.
MATAPOS NAMING magsara ay agad na akong nagbihis at nagpaalam sa kanila. Kapag mga ganitong panahon ay gusto ko munang mapag-isa. Hindi ako mahilig gumala dahil mas okay pa sa akin ang matulog na lang.
Pinaandar ko na ang motor ko at saka ako nagpaharurot na nagpatakbo nito pauwi.
Nasa may kanto ako palabas ng pinagtatrabahuhan ko nang makita ko sa isang waiting shed ang kapit-bahay ko. Nakajacket ako ng leather at naka-helmet ng itim kaya't hindi niya ako pansin. Nilagpasan ko siya dahil mukha namang mayroong dadaan na bu mula doon.
Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-U-Turn at binalikan siya.
Hindi siya nag-iisa doon. Sa dami ng tao ay siya lang ang nakita ko. At sa dami ng tao ay mukhang hindi rin siya masasakay kaagad.
Huminto ako sa tapat at saka nagtanggal ng helmet at nakita niya ako kaagad.
"Sakay," mahina kong wika at sapat na iyon para maunawaan niya ang sinabi ko.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kaming dalawa.
"Maghihintay ako ng sasakyan," sabi niya saka naglakad pakanan.
"Tsk," napapalatak ako.
Inilagay ko ang stand ng motor kong Big Bike Kawasaki at saka ako bumaba upang kunin siya.
Hawak ng kaliwa kong kamay ang helmet ko, naglakad ako palapit sa kaniya.
"Sumabay ka na sa akin," sabi ko pa at walang sabing hinila siya.
"Ano ba, sabing magcocommute ako," sabi niya ngunit wala akong naririnig.
Pagkalapit namin sa motor ko ay ako ang unang sumakay at siya ay hinayaan kong nakatayo sa tabi.
"Sakay. Pinagtitinginan na tayo dito," mahina kong wika.
Hindi siya kumikilos. Kaya't ang ginawa ko sa helmet na hawak ko ay agad kong itinaklob sa kaniyang ulo.
"Sakay," pag-uulit ko.
Hindi na siya nakaimik pa at walang kibong sumakay na rin. Hindi niya gaanong abot ang motor kaya naman itinaglid ko pa iyon.
Nang makasakay siya ay pinaandar ko na.
"Kumapit ka," utos ko at saka ko kinuha ang kamay niya at inilagay sa bewang ko.
Pinaharurot ko na ang motor at dama ko ang takot niya dahil napapahigpit ang kapit niya sa akin.
Pinahinto ko naman saglit ang motor sa gilid ng daan sa tabi ng bilihan ng beer at saka ako bumili ng lima. Bumalik ako at saka sumakay muli. Wala pa rin siyang kibo hanggang sa umalis na kami sa lugar na iyon.
Nakarating kami sa Tita Lola's Boarding house at wala na gaaong tao sa kalye dahil sa curfew. Nagpark ako ng motor sa ibaba at saka siyaa bumaba.
Inabot niya kaagad sa akin ang helmet at walang kibong umalis.
"Tsk," napapalatak na naman ako.
"Hoy,"sigaw ko sa kaniya.
Hindi siya lumingon sa akin. Imbes ay nagpatuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad kaya naman nainis ako.
"Hindi kaman lang ba magte-thank you? Hindi ka ba tinuruan?" Sigaw ko ngunit hindi siya lumingon.
"Bingi!" Sigaw ko pa.
"Hoy, huwag kang maingay!" Sigaw sa akin ni Fabio, ang tambay sa lugar na ito na minsan ko nang nakasuntukan. Naninigarilyo siya ngayon sa gilid ng daan.
Hindi ko na lamang siya pinansin. Umakyat na rin ako na nakasunnod lang sa kaniya.
Sa dulong bahagi ng ikatlong palapag ang kwartong inuupahan ko at magkatabi kami ng babaeng isinabay ko.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay naghubad ako kaagad ng jacket at ng sapatos. Inilagay ko sa maliit na refrigerator ang tatlong beer at saka ko kinuha ang cellphone ko maging ang dalawang beer bago lumabas ng kwarto.
Tumingin ako sa kabilang kwarto na bukas pa rin ang ilaw kaya't kumatok ako.
Tok tok tok.
Walang sumasagot.
"Buksan mo ito," sigaw ko habng patuloy pa rin sa pagkatok.
Maya-maya ay bumukas nga iyon at ang babaeng naka pajama at at naka t-shrt ng puti na nakasuot ng salamin ang nakita ko.
Maganda siya kahit simpleng babae lang siya.
"Ipagluto mo ako. Hindi pa ako kumakain," itnulak ko ang pintuan at malayang nakapasok sa loob.
Wala siyang magagawa.
End of Chapter Three