Kabanata V

2596 Words
Kabanata V Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA HINDI KO alam kung ano ang gagawin ko. Male-late na ako sa klase ko pero ako ang rason kung bakit nakikipagbugbugan ang kapitbahay ko sa isang estudyante ng San Lorenzo University. Tumingin ako sa kanan kung saan nandoon ang school, at sa kaliwa kung saan nakikita kong nakabulagta at tinatapakan ng kapitbahay ko ang isang lalaki. Ano ang pipiliin ko? Tiningnan ko ang suot kong palda at totoo ngang maiksi iyon. Mayroon ngang posibilidad na masilipan ako kung nasa ibaba ang lalaki. Tama nga siguro siya sapagkat siya ang nakakakita sa akin. Nabigla ako sa sarili ko nang bumaba ako at nagtungo sa kaniyang kinaroroonan. “Tama na iyan,” hinila ko siya. Pinagtitinginan kami ng mga tao. “Ikaw na hayop ka, huwag ka nang uulit pa. Swerte mo at hindi pa ako nag-almusal. Kundi, hindi lang iyan ang abot mo,” sabi niya pa saka diniinan ang pagkaka-apak sa kamay ng lalaki. Nakita ko naman ang salamin sa tabi nito. Nagkaroon tuloy ako ng ideya na baka iyon nga ang ginagamit niyang pangmamanyak sa akin kanina. Hindi ko na siya hawak sapagkat ako na ngayon ang hawak niya at hila hila na niya ako sa kamay. “Lumiban ka na at wala ka na rin namang maaabutan sa klase mo,” sabi niya habang hinihila ako pabalik sa motor niya. “Aray ko, nasasaktan ako,” sabi ko dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bigla niyang itinalukbong ang helmet sa aking ulo at saka pinaandar ang motor. “Sakay!” Utos niya. Tila ba naging sunud-sunuran ako sa kaniyang mga utos at saka ako biglang sumakay. Agad niyang pinaharurot ang motor na dahilan upang mapakapit ako sa kaniya ng husto. “Saan mo ako dadalhin?” “Sa heaven,” sagot niya. “Hoy, ano ka ba? Magdahan-dahan ka nga,” kalabit ko sa kaniya dahil napakabilis ng takbo ng motor niya. Kapit na kapit ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko para sabihan siyang magdahan-dahan. Hanggang sa huminto kami sa may San Gabriel, sa gilid ng daan kung saan tanaw ang San Simoun na nasa ibaba. Maganda ang tanawin doon at presko ang hangin. “Baba,” utos niya. Agad naman akong tumalima sa kaniyang sinabi at sumunod sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa malawak na kapatagan sa ibaba at ako naman ay dinadama ang hangin kahit pa pasado alas diyes na. Napayuko ako at naagaw ng atensyon ko ang kaniyang kanang kamao na ngayon ay nagdurugo ng bahagya. “Hala, anong nangyari?” Tanong ko saka ako biglang lumapit upang hawakan ang kaniyang kamay. “Anong ginagawa mo?” He asked. Nakakunot ang noo niya at saka nagngangalit ang kaniyang panga sa pag-igting. Anong ibig sabihin niyang anong ginagawa ko? “Titingnan ko lang sana ang kamay mo dahil May dugo,” sabi ko sa kaniya. “Hindi mo ba alam na maraming tao na hindi magawang ipaglaban ang sarili nila sa mga taong nang-aalipusta at namomolestya? Tapos ikaw, hindi ka mag-iingat at patuloy mo lang na hahayaan ang ibang tao na mag take advantage sa ka-inosentehan mo?” Tanong niya na punung puno ng galit at poot. Anong pinaghuhugutan niya? Napakaweird na isiping ganito ang mga sinasabi niya sa akin. “H-hindi kita maintindihan,” saad ko. “Hindi mo talaga maiintindihan dahil hindi mo alam kung paano ang makaranas niyon. Dahil hinahayaan mo lang sila,” sigaw niya. Bakit niya ako sinisigawan? Bakit niya ako pinag-iinitan? “Bakit mo ako sinisigawan? Alam ko bang binabastos na ako ng lalaking iyon ha?” Lumaban na ako ng sigawan sa kaniya. Nakatingala ako ngunit dumudulas ang eyeglasses sa ilong ko kaya’t panay ang tulak ng hintuturo ko doon. “Dahil ang tanga tanga mo. Hinayaan mo lang siya na gawin iyon sa’yo,” itinuro niya pa ako. Ha? Ano bang pinagsasabi niya? “Ano ba kasing problema?” Tanong ko. Napahilamos siya ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad at saka sumuntok sa hangin. Panay pa ang mura niya saka lumingon sa akin. Nakakatakot ang kaniyang hitsura sa tuwing magdidilim ang paningin niya. Kanina nang sigawan niya ako mula sa ibaba ng hagdan at ngayon habang pinagsasabihan niya ako sa mga bagay na hindi ko alam kung saan niya pinupulot ay tila ba nakakakita ako ng misteryosong lalaki. Nabigla ako nang tumayo siya sa isang bato sa gilid ng bangin at sumigaw. “Hayop ka Mathildeeee!” Sigaw niya. Sino si Mathilde? Ex niya na iniwan siya? Asawa niya? Napatingin ako sa paligid at mayroong mga dumadaan na napapatingin sa aming direksyon. “Anong ginagawa mo? Tama na iyan,” nag-aalala kong wika. Tumahimik naman siya at saka bumaba sa bato. “Halika na,” aniya. Hinila niya akong muli at nagtungo kami sa kinaroroonan ng motor niya. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko. Ang weird lang dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. At maging siya ay hindi niya alam ang pangalan ko. “Sakay,” sabi niya. Sumakay naman ako. Bahala na. Pinaharurot niyang muli ang motor pabalik sa San Lorenzo at saka kami tumigil sa isang kainan. “Anong gagawin natin dito?” Tanong ko. “Baka mag-swimming tayo,” sabi niya saka nagpatiunang pumasok sa loob. Umirap ako dahil sa pagiging pilosopo niya. Sumunod ako sa kaniya at nang maupo siya sa tabi ng bintana ay doon din ako nagtungo at naupo. “Umorder ka na. Hindi pa ako kumakain ng almusal,” sabi niya saka yumuko sa lamesa. Natahimik naman ako at saka ko pinagmasdan ang kaniyang ulo. Mayroong kakapalan ang buhok niya ngunit bumagay naman ito sa kaniya. Mabalahibo ang mga braso niya at ang matitigas niyang kamao na ngayon ay mayroong bahid ng dugo ay nakalahad lang sa mesa. “Umorder ka na,” sabi pa niya. Nahinto naman ako sa pag-usisa ng kaniyang mga katangian. “M-miss,” itinaas ko ang kamay ko saka lumapit ang waitress. “Ma’am, heto po ang menu,” sabi pa ng babae. Inabot niya iyon sa akin. “Isang Bibimbap sa akin at mainit na sabaw,” sabad niya na nakaunan pa rin sa kaniyang mga braso sa mesa. Nagulat naman ang babae dahil tila ba kabisado niya ang kaniyang oorderin. “G-ganon na rin sa akin,” sabi ko naman. “Okay ma’am. Drinks po?” “Isang litro ng apple Iced Tea,” siya na rin ang sumagot. Napalingon kami sa kaniya at napangiti ako dahil nagtataka rin ang waitress. “So, dalawang Bibimbap at isang litro ng Apple Iced Tea,” pag-uulit ng waitress. “Opo,” sagot ko. Pagkaalis ng waitress ay saka siya nag-angat ng katawan at tumingin sa akin. "Ilang taon ka na?" Tanong niya sa akin. Agad naman akong nag-ayos ng aking eyeglasess at medyo itinaas ang aking noo upang hindi ako ma-intimidate sa kaniya. "23," sagot ko. Napapangiti siyang umiwas ng tingin sa akin. Ano kayang nasa isipan niya ngayon? "Ikaw ba?" Tanong ko. "Bakit interesado kang malaman?" Tanong niyang sagot sa akin. Nabigla ako kaya naman natahimik ako. "Huwag mo na ako ulit abalahin sa mga bagay - bagay pagkatapos nito," sabi niya sa akin. Abalahin? Paano ko siya inaabala? Siya nga itong nangungulit kagabi kaya't bumabawi lang ako sa kaniy upang quits na kami. "Paanong abala?" Naglakas loob na akong nagtanong sa kaniya upang sa ganon ay maging klaro sa akin ang lahat. "Huwag mo nang tanungin. Basta't pagkatapos nito ay huwag na huwag mo na akong aabalahin," seryosong sabi niya. Nabigla naman ako at parang ako pa mismo ang dikit ng dikit sa kaniya dahil sa mga nangyayari. Natahimik na ako dahil wala na rin akong masabi. Napaka-feeling ng lalaking ito at hindi ko na siya matantya. Kung hindi lang talaga ako nagtitimpi ay kahit hindi ko gawaing magmura ay mapapamura na ako sa kaniya. Hanggang sa dumating na ang orders naming dalawa. Kalalapag pa lang ng orders ay agad na siyang kumain at wala na kaming kibuan pagkatapos niyon. Mabilis siyang kumain. Tila ba gutom na gutom. Sabagay, alas diys y media na at wala pa siyang inaalmusal. Kabaligtaran niya ay mabagal akong kumain at hindi ko magawang magmadali. Lalo pa at hindi ako sanay na ganito ang kaharap ko. Hindi pa ako nakakakalahati sa aking kinakain ay ubos na ang kinakain niya. Agad siyangg uminom ng Apple Ice Tea at saka iyon itinungga. Tumingin siya sa akin pagkababa ng baso kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin. "Malabo na ba ang mga mata mo?" Tanong niya. Anong klaseng tanong iyon? "Tinatanong kita," aniya. "Oo. Malabo," ang tangi kong sagot saka uminom ng Ice Tea. Pagkababa ko ng aking baso ay agad siyang lumapit at saka inalis ang suot kong eyeglasses. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon ngunit hindi ako nagreact. "Naaaninag mo pa ako?" Tanong niya. "Medyo," "Malabo?" "Oo," "Ganiyan. Isipin mong hindi tayo nagkakilala dahil hindi naman talaga. Isipin mong wala namang ibang naganap sa atin kaya't kasing labo ng paningin mo ay simula ngayon, huwag mo na akong aabalahin," sabi pa niya. Naramdaman kong mayroon siyang ginawa bago tumayo at umalis. Agad kong isinuot ang eyeglasses ko at saka tumingin sa kaniya na ngayon ay paalis na ng kainan. "Huh," natatawa akong naiinis dahil sa inasta niya. Naki-pagbreak ba siya sa akin? Excuse me, hindi ko siya jowa. Pero bakit parang nasaktan ako? Napapailing na lang ako nang dahil sa ginawa niyang iyon sa akin. Halos hindi ko naman malunok ang kinakain ko dahil sa tingin ko ay naapakan ang pride ko at n-strike yung ego ko dahil sa ginawa niyang iyon. Ang feeling talaga niya. Sobra! Inis na inis ako. Hanggang sa makainom na ako ng tubig at napansin ko ang isang five hundred peso bill sa iniwanan niyang pwesto, sa tabi ng kaniyang pinggan. "Pambayad?" Tanong ko sa sarili ko. Total, siya naman ang nagdala sa akin dito at siya naman ang nagpa-order ay bakit hindi ko kukunin? Nagtitipid ako at wala rin naman akong pambayad dito kaya't mabuti na lang at mayroon pa rin siyang konsensya at nag-iwan ng pambayad. Nang matapos na akong magbayad ng kinain namin ay tumingin ako sa orasan at nakita kong hindi na rin ako makakapasok sa isa ko pang subject kaya naman nagdecide akong lumiban na lang muna. Grabe ang disaster ng araw na ito sa akin kaya't isinusumpa ko ito. Maaga na lang akong nagtungo sa aking part-time job upang maaga rin akong makauwi. Mayroon akong kaunting pera na pambili ko ng aking stocks sa boarding house kaya't mamimili na rin ako mamaya. Sasahod na rin naman kami sa susunod na araw kaya't okay na rin ito. MAAGA akong lumabas sa aking part-time job at saka ako agadd nagtungo sa plaza upang mamalengke. Medyo maaga pa naman kaya't eksaktong pagdilim ay makakauwwi na ako Medyo naparami yata ang naipamili kong gulay kaya't ssuput-supot ang dala ko ngayon. Hindi na ako nakabili ng malaking eco-bag para hindi ako mahirapan. Ngayon ay medyo madilim na at naglalakad ako sa kalye. Hindi katulad ng nangyari nang nakaraang araw ay hindi na ako natatakot. Paakyat na ako sa ikatlong plapag nang biglang mabutas ang aking plastic na hawak kaya naman gumulong na sa ibaba ang mga patatas at kamatis sa ibaba. "Hala, ano ba iyan?" Reklamo ko saka ko nagmadaling pulutin ang mga nahulog. Nasa ganong pwesto ako sa pamumulot ng mga kamatis nag biglang may dumaa at maapakan ang kamatis na pupulutin ko. Agad iyong napisa at saka ako nabigla at napatingala. "Hindi mo man lang tinitingnan ang inaapakan mo," reklamo ko sa taong nakatapak ng kamatis. Nabigla pa ako nang makita kung sino iyon. Siya ang ungas kong kapit-bahay na ngayon ay nakajacket ng black at naka-hood. Nakasuot ng earphones at tila hindi narinig ang aking mga sinabi. Nilagpasan niya lang ako at ni hindi man lang ako pinansin o tiningnan. Para bang wala siyang nakita at para bang isa lang akong hangin sa kaniya. Napatingin na lamang ako sa kaniya habang paakyat na siya ng hagdan. "Bwisit na lalaki iyon," sabi ko pa. Nang mapulot ko na ang mga kamatis at patatas ay nagmadali akong umakyat at naglakas loob akong kausapin siya sa mga bagay-bagay na hindi ko maipaliwanag na inaasta niya sa akin. "Hoy! Lumabas ka riyan. Mag-usap nga tayo! Masyado ka na ha? Ang feeling feeling mo! Lumabaska riyan!" Panay ang kalabog ko ng pintuan niya dahil sa malakas kong pagkatok sa kaniyang pintuan. Ngunit kahit pa anong gawin kong pagkatok ay ayaw niyang lumabas. Biglang namatay ang ilaw niya sa loob dahil nagdilim na ang ilaw na lumalabas mula sa salamin ng bintana. Nag-give up na rin ako at saka ako pumasok sa loob ng aking kwarto. Padabog kong isinara iyon upang marinig niya. PAGLIPAS NG ARAW ay naging tahimik na ang buhay ko at maging ang pagtulog ko ay naging tahimik na rin. Wala na rin kasing kumakalabog sa kabilang kwarto kaya't hindi na ako nagigising ng madaling araw o kaya naman sa kalagitnaan ng tulog ko. Hindi ko na siya nakikita. Hindi ko pa siya namamalayan na pumasok man lang sa kwarto niya. May kaunting pag-aalala sa akin dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita at nararamdaman, hanggang sa dumating ang linggo kung saan wala akong work sa part time job ko at wala rin akong gagawin. Naisipan kong maglaba ng damit at magsampay sa tapat ng aking inuupahang kwarto. Nang dahil sa paglabas kong iyon ay nakita ko siyang nagsasampay na rin ng mga damit na nilabhan niya. Nakasuot lang siya ng boxer shorts at halatang basa iyon. Nangingintab din ang kaniyang katawan dahil sa pawis. Mas lalo tuloy akong nahihiyaang kausapin siya. Napapalingon ako at hindi ako nahuhuli dahil hindi naman siya lumilingon sa akin. Kaya't pinili kong umiwas na lang upang mas lalong wala nang maging problema at mas lalong maging tahimik na lang ang pagtira ko dito. Katulad nga ng sinabi niya sa akin ay huwag na huwag na akong mang-aabala pa sa kaniya. Pagkatapos kong maglaba ay naligo na ako. Alas onse pa lang ng umaga kaya't naisipan kong bumili ng halo-halo sa tapat. Sampung piso lang naman kaya't afford ko na rin. Ang init ng panahon. NGAYON, HABANG naghihintay ako na ibigay ang halo-halo na order ko ay biglang mayroong humawak sa aking kamay. "Miss, kukunin ko ang number mo sa ayaw at sa gusto mo," sabi niya saka niya hinila ang kamay ko. Nabigla ako ng makita ang lalaki at siya ang lalaking nakita ko sa bakery nang nakaraan. "Bitiwan mo ako," sabi ko. Napalingon ako sa mga taong nasa dan at tila ba natatatakot silang makialam sa akin. Dinala niya ako sa isang eskinita at doon ay nakorner niya ako. "Akin na ang number mo," sabi niya. Naamoy ko ang amoy ng alak sa kaniya at namumula ang mga mata niya. Naiiyak na ako. "Ibibigay mo o sasaktan kita?" Pagbabanta niya. "Baka gusto mong ako ang manakit sa'yo na hayop ka?" Pamilyar ang boses na iyon at nang lumingon ang lalaking lasing na humila sa akin ay bigla na lang siyang sinuntok sa mukha ng kung sino. Lumagapak sa lupa ang lalaki at nakita ko ang kapit-bahay kong umiigting ang panga dahil sa galit. Hinila niya ako kaagad at dali daling dinala sa tapat ng aming inuupahang kwarto. Agad niya akong dinala sa pader at kinorner ako. "Hindi ba't sinabi ko sayong huwag mo na akong aabalahin?" Galit na galit siya. Pagtatapos ng Ika-Limang Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD