Kabanata VI
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto.
ACE
NAKITA KO ANG BAGAY na iyon noong araw na lumipat siya. Ang akala ko ay namalik-mata lang ako pero hindi pala dahil nakumpirma ko ang lahat nang makita ko iyon muli sa kaniyang kwarto. Hindi ko makakalimutan ang bagay na iyon dahil dalawa lang ang mayroon ng bagay na iyon sa pagkakaalam ko.
Kaya naman, napagdesisyonan kong sabihin sa kaniya na huwag niya na akong aabalahin pa. Kung maaari din lang ay hindi ko na siya makita pa o kaya naman ay isipin ko na lang na hindi ko siya kilala o hindi kami magkakilala.
Mapaglaro talaga ang tadhana dahil tila ba pinaglalapit kami ng nakaraan. Hindi ito maaari. Gusto ko nang makalimutan iyon ngunit sa tuwing ako ay magkakaroon ng problema ay nagiging isang bagay na iyon na humahabol sa akin mula sa panahong hindi pa ako lumalaban.
Ngayon ay nakatayo siya sa harapan ko, nakatitig sa aking mga mata at hindi niya alam kung bakit ba ako nagkaaganito.
Alam kong iisipin niyang weirdo ako dahil sa mga inaasta ko, pero isipin niya na lahat ng gusto niyng isipin, ang sa akin lang ay hindi ko rin siya kayang masaktan ng iba o kaya naman ay pagsamantalahan ng iba. Lalong lalo na ang mortal kong kaaway na si Fabio.
Lasing na naman ang tambay na iyon at pinagdiskitahan siyang dalhin sa bakanteng lote upang kunin lang ang number niya. Syempre, hindi ako papayag na ganon na lang kaya't nang makita ko mula sa taas ay agad akong bumaba at sinampolan sa mukha ang ungas na lalaking iyon.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag mo na akong aabalahin?" Naiinis kong sabi sa kaniya na ngayon ay takot na takot pa rin.
Hindi siya makapagsalita dahil sa takot.
"Pumasok ka na at huwag ka nang lumabas pa hanggang sa mabulok ka diyan," binitawan ko ang kamay niya saka tumalikod na at babalik na sa kwarto ko.
"Hindi kita inabala," mahina ang kaniyang boses ngunit sapat na ang kahinaan nito upang marinig ko at mapahinto ako.
Hindi ako lumingon sa kaniya ngunit sumagot ako sa kaniyang sinabi.
"Kahit pa sabihin na nating ako ang lumalapit sa'yo, hindi mo pa rin talaga maaalis ang bagay na dahilan kung bakit mo ako naaabala. Kaya't kung pwede lang sana ay umalis ka na diyan sa inuupahan mo dahil hindi mo na ako mapapaalis dito," sabi ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ano bang dahilan kung bakit ka naaabala?" Tanong pa niya ngunit hawak ko na ang doorknob ng aking inuupahang kwarto.
Lumingon ako kaniya at walang emosyon ang mukha kong tumitig lang sa kaniyang mga mata bago ko pihitin ang dooknob at saka ako pumasok sa loob.
"Dahil hindi ko gustong habuulin ako ng nakaraan dahil sa'yo," sagot ko ngunit nasa loob na ako at imposibleng marinig niya na iyon dahil mahina ang boses ko.
Agad akong nahiga sa sofa at umidlip.
Linggo ngayon at gusto ko sanang lumabas mamaya upang makalimot. Wala naman akong gagawin dito ngayon kaya naman pupunta akong muli sa bar para makapag-uwi pa ulit ako ng babaeng libre lang.
NAGISING AKO ng bandang alas sais ng gabi at nakadama na ako ng gutom. Hindi pa ako nakakaluto ng aking hapunan kaya naman sa labas na lang siguro ako kakain mamaya.
Naligo na ako at nagbihis ng maong at itim na t-shirt saka nagsumbrero ng itim. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at nakita kong nagpapakain ang kapit-bahay ko ng kaniyang alagang pusa.
Nahinto ako sa pintuan at nahinto rin siya ng bahagya saka yumuko. Nakasuot siya ng maikling shorts at nakasando siya ng hapit na kulay itim.
Shit. Marupok ako sa mga ganito. Pero dahil kailangan ko siyang itrato na wala lang ay hindi ako dapat maging apektado sa mga bagay na mayroon siya. Ikinandado ko na ang pintuan at nagsimula akong maglakad paalis.
"S-sandali lang," maya maya ay wika niya at naglakad kasunod ko.
Napalingon ako sa kaniya at ngayon ay mayroon siyang hawak na supot at sa loob nito ay mayroong lunch box.
"Thank you nga pala kanina," saka niya inabot sa akin ang hawak niya.
Tiningnan ko ang supot at nagbalik ako ng tingin sa kaniya. Nahihiya siyang tumingin sa akin kaya naman hindi siya nakatingin sa aking mga mata. Nag-isip muna ako kung kukuni ko ba ang ibinigay niya. Tiningnan kong muli ang kaniyang hawak na supot at ngayon ay nakataas pa rin iyon at hinihintay na abutin ko.
Kusang gumalaw ang kamay kong abutin iyon at wala na akong imik pang naglakad paalis. Hindi ko alam kung ano ang bagay na ibinigay niya ngunit ang alam ko ay pagkain iyon.
Pagdating ko sa ibaba ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan ng motor ko at nang makakita ako ng basurahan sa gilid ay inilagay ko doon ang hawak kong plastic. Nagpaandar na ako ng motor at saka iyon pinainit.
Habang nakaupo ay nag-iisip ako ngunit napakagulo ng isipan ko. Tiningnan ko ang basurahan at tumingin ako sa plastic ng lunchbox na ipinatong ko doon.
"Wala ka na ba talagang konsensya Ace?" Tanong ko sa sarili ko saka ako naglakad at kinuhang muli ang supot mula doon.
"Tsk, nababaliw ka na nga yata Ace," napapailing pa akong naglakad at sumakay sa motor ko.
Umalis na rin ako pagkalipas ng ilang sandali na wala sa isip ko kung saan ako dapat magpunta.
Huminto ako sa isang daan kung saan naka-hilera ang mga karinderya. Dito na lang muna ako kakain ngayon dahil limitado na ang pera ko.
Umorder ako ng tatlong cups ng kanin at dalawang klaseng ulam. Naupo lang ako sa isang sulok ng kainan at saka ko binuksan ang laman ng lunch box. Gulay ang laman nito at sa tingin ko ay laing iyon.
Napatangu-tango na lang ako dahil doon. At dahil gutom na gutom na ako ay napakain na ako ng marami.
Pagkatapos kong kumain ay wala sa loob kong niligpit ko ang lunch box tat inilagay itong muli sa supot at lumabas na ako ng kainan. Binuksan ko ang tool box ng motor ko at saka ko inilagay doon ang lunch box.
Ngayon, saan na ba talaga ako pupunta? Tila ba nawala sa loob ko an pagpunta sa bar ngayon dahil parang nagbago ang ihip ng hangin.
Kaya naman nagdesisyon na lang akong tawagan kung nasaan ang kapatid ko at makikipaggkita ako sa kaniya.
Tinawagan ko siya at pagkaraan ng ilang sandali ay sumagot na siya.
"Yes, hello sa pinakagwapo kong kuya," bati niya sa akin na ikinangiti ko.
"Nasaan ka Emeng?"
"Bakit kuya?"
"Tinatanong kita, sagutin mo ako ng tama at huwag sagot na tanong," masungit kong wika.
"Ay galit, nasa labas po ako ngayon," sagot niya.
"Gabi na, sinong kasama mo?"
"Ako lang po. Mayroon lang akong binili na project sa National Book Store," sagot niya.
"Kaya nga, nasaan ka na ngayon?"
"Nasa loob pa lang ng SM, bakit kuya?"
"Huwag ka munang lalabas, pupuntahan kita diyan," sabi ko pa.
"Okay kuya. Maghihintay ako sa'yo dito sa may ground floor," aniya.
"Okay. Sige,"sagot ko.
Ibinulsa ko na ang cellphone ko at agad na akong nagdrive papunta sa kaniya. Malapit lang naman iyon sa akin kaya naman hindi na ako mahihirapang makipagsiksikan pa sa traffic.
Pagdating ko sa SM ay muli ko siyang tinawagan.
"Hello, nandito na ako. Nasaan ka?" Tanong ko mula sa kabilang lina.
"Kuya, hinihintay kita dito sa may Greenwhich, magmeryenda muna tayo, treat kita," sabi pa niya.
"Kakakain ko lang,"
"Kahit na, basta, halika na," sabi pa niya.
Ibinaba ko na ang tawag at saka ako nagtungo sa Greewhich. Pagpasok ko ay hinanap ko kung nasaan siya at nakita ko siya s pinakadulong bahagi na naghihintay.
"Sinong kasama mo kanina bago ako dumating?" Tanong ko saka naupo sa harapan niya.
"Wala kuya," agad niyang sagot.
"Baka naglilihim ka sa akin Emeng," sabi ko pa.
"Wal nga po. Bumili lang ako nito oh," ipinakita niya sa akin ang bagay na nakabalot ng National Book Store.
"Bakit mo ako niyayang magmeryenda dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa ako naghaahapunan kuya eh. Kaya kung kumain ka na kamo ay umorder na lang ako ng pizza para sa'yo," aniya.
"Saan ka kumuha ng pera mo?"
"Nagpadala na si daddy,"
"Kumusta ang nanay mo?" Tanong ko
"Ayon, ganon pa rin, kagaya ng dati," sagot niya.
Saka naman dumating ang orders niya.
Tinulungan ko na ang crew na mag-ayos ng mga pagkain sa mesa naming dalawa ni Emeng at nang maipagpatuloy na naming dalawa ang aming pag-uusap.
"Nag-aaral ka ba ngmabuti?"
"Syempre naman kuya,"
"Baka naman puro pagboboyfriend na lang ang inaatupag mo?"
"Bakit kasi hindi ka umuwi at nang malaman mo?" Aniya.
Natahimik ako at saka ako kumagat ng pizza.
Halata ring nabigla siya sa kaniyang sinabi kaya't natahimik na rin siya.
"Kuya," aniya.
Tumingin lang ako sa kaniya.
"Namimiss na kita. Kailan ka ba uuwi?"
"Saka na,"
"Kailan?"
"Malapit na,"
"Lagi ka na lang nagsasabing malapit na pero ang totoo ay ayaw mo lang talaga,"
"Basta,"
"Basta ka diyan. Ano ba kasi talagang rason?"
"W-wala. Walang rason. Gusto ko lang maging independent," sagot ko sa kaniya.
Walang kaalam-alam si Emeng sa tunay na kwento ng buhay ko kaya't hanggang ngayon ay hindi pa niya nalalaman ang tunay na rason kung bakit ako huiwaly sa kanila.
"Lagi na lang iyan ang sagot mo sa tanong ko," nagpout pa siya at tila ba nagtmpo.
"Basta Emeng, babalik din ako," sabi ko na lang.
"Huwag ka nang mangako kuya," aniya.
"Hindi naman ako nangangako," napagiti ako.
"Kainis ka," umirap siya.
Napangiti ako.
"Siguro mayroon ka nang kalive-in ano? Saan ka ba nakatira? Patti iyon ay hindi mo ipinapaalam sa akin," sabi pa niya saka tumitig sa akin.
Totoo ngang wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung saan ako nakatira ngayon. Mas pinili kong maging pribado ang lahat sa akin dahil mas makabubuti ito sa lahat. Para na rin hindi nila ako matunton at balik-balikan, itinago ko ito maging kay Emeng kahit pa sa totoo lang ay mahal ko ang kapatid ko, kahit pa hindi ko siya buong kapatid.
"Oo nga e, mayroon na akong kalive in, tatlo pa sila," natatawa kong wika.
"Playboy ka talaga kuya,"
"Dati na," sabi ko pa.
Patapos na kaming kumain at nagkukwentuhan pa rin kaming dalawa. Hindi ko namalayan na alas otso pasado na pala ng gabi. Mayroong curfew sa lugar kung saan ako nakatira pero sany na akong umuwi ng late kaya't ayos lang.
Ang iniisip ko lang talaga ay ang kapatid ko.
"Anong sasakyan mo pauwi?"
"Gamit ko yung motor sa bahay kuya," sagot niya.
"Mayroon ka bang helmet?" Tanong ko sa kaniya.
"Yes naman. Ako pa ba,"
"Anong oras ang pasok mo bukas?"
"Alas nwebe pa kami bukas,"
"Oh sige, uwi na ng deretso," sabi ko pa.
"Ikaw kuya, saan ka pa pupunta niyan?" Tanong niya habang nag-aayos ng mga gamit niyang pinamili.
"Hindi ko alam. Siguro uuwi na rin ako," sagot ko.
"Uwi ka na rin para makapagpahinga ka na. Mayroon ka pang trabaho bukas," sabi pa niya saka tumayo.
Umikot siya at saka ako hinalikan sa pisngi.
"Ano iyan? Wala akong maibibigay na pera sa'yo, bata," sabi ko sa kaniya.
"Hindi naman ako nanghihingi kuya," aniya.
Inubos ko na ang laman ng juice ko saka ako tumayo.
"Oh siya, halika na," sabi ko.
Magkasabay kaming naglakad at bago pa man kami makalabas ay nakita ko ang pamilyar na mukha na kumakain din dito kasama ang hindi ko kilalang lalaki.
Ang kapit-bahay ko.
"Emeng mauna ka nang umuwi, sige na," sabi ko sa kapatid ko.
"Bakit kuya, anong meron?" Tanong niya.
Hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa babaeng kumakain at nakangiti pa.
"Basta, umuwi ka na at magtext ka sa akin kapag nakauwi ka na, okay," bilin ko.
"Okay kuya. Ingat ka. Mauuna na ako," sabi pa niya.
Nang maisguro kong nakaalis na siya ay naglakad ako palapit sa kinaroroonan ng babae at pagkatapos niyang uminom ay saka ako umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya na ikinagulat nilang dalawa.
"Parang wala tayong curfew ah," una ay ngumiti ako nang lumingon siya ngunit ang ngiti ko ay napalitan ng inis dahil totoo namang naiinis ako.
Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa tapat niya.
"Ikaw, umuwi ka na. Isasabay ko na siyang umuwi dahil mayroon kaming curfew," utos ko sa lalaki.
"Kaano ano ka ba niya bro?" Tanong nito.
"Halika na Robi, ihatid mo na ako," sabi pa ng katabi ko.
"Hep, ako ang mag-uuwi sa'yo. Paunahin mo na siya," sabi ko sa kaniya saka ko hinawakan ang kamay niya.
"Bro, pambabastos naman yata iyan," wika ng nagngangalag Robin.
"Hindi ba mas bastos na ilabas mo ang girlfriend ko na hindi ko alam?" Sagot ko sa kaniya.
"Girlfriend?" Nagpalipat-lipat ng tingin ang lalaki sa aming dalawa.
"Kat, anong sinasabi niya?"
"Robin, huwag kang maniniwal diyan," sabi ni Kat.
Kat pala ang pangalan. Mahilig pa naman ako sa mga pusa, lalo pag mabalahibo. Patay ka sa akin mamaya. Gagawin kitang Siopao.
"Uwi na bata," utos ko sa lalaki.
"Pwede ba Kat? Umuwi na tayo," hinila ko ang kamay niya at saka siya naasunod sa akin.
"Tatawag ako ng security," sabi pa ng Robin.
"Kahit pa tumawag ka ng demonyo hindi ako natatakot," sagot ko sabay hila sa babaeng ito.
"Sige na Robin. Itetext na lang kita pag-uwi ko," paalam niya sa lalaki.
Aba, at nagpapaalam pa.
Pagdating naming dalawa sa kinaroroonan ng motor ko ay inutusan ko siyang sumakay na doon.
"Sakay,"
"Magcocommute ako," sabi pa niya.
"Huwag mong hintayin na buhatin pa kita," sabi ko.
Walang anu-ano ay sumakay na rin siya.
Pinaharurot ko na ang motor at kahit pa bilisan ko ay hindi man lang siya kumapit sa akin. Bahala nga siya kung gusto iyang mahulog.
Pagdating naming dalawa sa Lola Tita's Boarding Housse ay wala na siyang ibang sinabi pagbaba niya ng motor.
Umakyat na siya at saka ko siya sinundan.
Bago siya makarating sa kaniyang inuupahan ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Ano ba?" Sabi niya saka iwinaksi ang kamay ko.
"Anong klaseng babae ka na sumasama sa lalaki ng ganitong oras?" Pinagsabihan ko siya ng ganito na ikingulat niya.
"Wow, kung maka judge ka parang isa ako sa mga babaeng inuuwi mo diyan sa kabila," sigaw niy.
"Ah, inoobserbahan mo pala?" Napatangu-tango pa ako.
"Huwag ka ngang feeling," aniya.
"Okay. Sabihin na nating feeling ako. Pero matapos mo akong bigyan ng pagkain ay lalabas ka pala kasama ng ibang lalaki?"
"Para namang hindi ko nakitang itinapon mo ang ibinigay ko. And in the first place Mister, hindi ako sumama sa IBANG LALAKI dahil wala namang ibang lalaki sa buhay ko," sinigawan niya ako.
Napamaang ako.
"Sa tingin mo ayos lang sa akin na pagkatapos mong bigyan ako ng ganong bagay ay ayos lang ulit na makikita kitang kasama ang isang lalaki sa labas?"
"Bakit ba? Ano bang problema mo kung kasama ko ang kaibigan ko?" Naiinis na siya.
"Hindi ba't sinabi kong huwag mo akong aabalahin?" Nagkuyom ang kamao ko sa galit
Napaatras siya.
Kaya naman ang ginawa ko ay bigla kong hinawakan ang batok niya at siniil siya ng halik upang parusahan siya.
Nabigla siya at hindi siya makagalaw dahil hawak ko ang batok niya at isinusubsob iyon sa akin.
Nang kumalas na ako ng halik sa kaniya ay nakita kong umiiyak pala siya. Pangalawang beses na umiyak siya sa harapan ko.
Bago pa ako makapagsalita ay malakas na sampal ang tinamo ko sa kaniya at saka siya nagmadaling tumakbo at nagbukas ng kaniyang silid saka pumasok.
"Gago ka Ace, gago ka," sabi ko sa sarili ko.
Pagtatapos ng Ika- Anim na Kabanata.