Kabanata XIV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA NINAKAWAN AKO! PINAGNAKAWAN AKO! Pangatlong beses na ito na ninakawan niya ako ng halik. Una, noong gabing nabugbog siya, pangalawa, kaninang bago kami umalis ay ninakawan ako ng halik sa pisngi, pangatlo ay ngayon, habang tumatanggi ako sa gusto niyang maging kami na at totohanin na namin ang pagpapanggap. Ganon na lang ba iyon? Hindi na niya ako liligawan? Gusto kong maging romantic ang magiging first love ko, gusto kong maging makabuluhan ang first love ko at gusto kong ang first love ko ay totoo at hindi iyo