Kabanata XXXII PART 1 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA "AYAW ko na! Masakit na!" Tumayo ako at akmang aalis nang hilahin niya ang kamay ko. "Paisa lang. Ang arte naman oh!" "Nasa ganyang kalagayan ka na nga lang ang libog-libog mo pa. Tigilan mo ako!" Itinuro ko pa siya. "Sige na naman. Pagbigyan mo na ako. Gagaling na ako pagkatapos nito." Niyakap niya ako mula sa aking likuran at saka ako hinalikan sa aking balikat. "Ace, sinabing ayaw ko!" Itinulak ko siya hanggang sa napasandal siya sa pader. "Aray!" Daing niya. Tiningnan ko naman siya ng parang n