Kabanata XXXIII PART 1 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA I REALLY FEEL SORRY dahil sa ginawa ko. Hindi ko rin naman talaga kasalanan kung ginabi ko. Masyado lang akong nagtipid dahil sa pagsakay at paghihintay ko ng jeep pauwi. Napadami na rin kasi ang gastusin ko kaya't hindi na ako magtataka kung mamumulubi na ako sa isang araw. Kaya naman kailangan kong magtrabaho. Saglit kong nakalimutan ang lungkot at problema ko dahil sa pag-aalaga ko kay Ace. Hindi ko na alam kung kumusta na sila at kung ano na ang nangyayari sa San Simon. Hindi pa rin ako nakakapagta