Kabanata XX Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA NAPATAYO ako kaagad at inayos ang sarili ko nang makita kami ni Nanay Crising. Si Ace naman ay nandoon pa rin at nakahiga sa kama. "Magbihis na kayo at naghanda kami ng makakain," sabi ni nanay. "Kumain na po kami kanina nay, bago kami umalis sa bayan," sagot ko. "Kahit na. Iba pa rin ang luto ko," wika ni nanay. Wala naman akong magagawa. "Isa pa, sa kabilang kwarto ka matutulog hijo. Kaya't dalhin mo na doon ang gamit mo," ani nanay na nakatingin lang kay Ace. "Ah eh, mabuti pa nga po," agad namang tumayo s