Kabanata XXX PART 1 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA "ACE AIDEN BENJAMIN PO!" HINIHINGAL kong sagot sa nurse nang tanungin niya kung sinong pasyente ang hinahanap ko. "Ah, iyong nadisgrasya sa motor?" Na-shock naman ako sa sinabi niya. Ano na naman bang pinaggagawa ni Ace at nadisgrasya siya sa motor? Kinakabahan ako. "Nadisgrasya po siya?" "Opo. Pakisundan niyo na lang po ang kasama ko, kausapin niyo po mismo ang pasyente kasi gusto nang umuwi, pero kailangan niyang ma-admit," sabi pa ng head nurse. "Okay po," sabi ko naman saka sumunod sa nurse. Ka