Kabanata X

2705 Words
Kabanata X Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA "MONINA!" "MONINA!" "MONINA!" Panay ang tawag ko sa alaga kong pusa Linggo ng umaga. Mabilis lumipas ang araw at hindi ko namalayan na pagkatapos ng tatlo pang araw ay pasko na. Malamig ang panahon kaya't nakasuot ako ng jacket at pajama. Nasa may kusina ako nang tawagin ko ang aking pusa dahil handa na ang kaniyang pagkain. "Nasaan na naman ba iyon?" Nagkamot ako ng ulo ko habang naglakad lakad sa loob ng kwarto ko. "Monina!" Sigaw ko ngunit kahit meow man lang ay wala akong marinig mula sa kaniya. Paggising ko ay nandito lang iyon, tapos biglang nawawala. Ang masaklap ay baka nasagasaan na ng sasakyan sa labas. Love na love ko pa man din ang alaga kong pusa na iyon. Kaya naman naghugas ako ng kamay at saka lumabas ng inuupahan kong kwarto. "Moni-," hindi ko natapos ang pagtawag ko nang makasalubong ko si Ace na hawak ang pusa kong si Monina. Gulo gulo pa ang buhok niya at halatang kagigising. Nakasuot siya ng maikling shorts at wala siyang pang-itaas. Summer ba sa kabilang kwarto? Karga niya ang pusa at lumilingkis iyon sa kaniyang katawan. Hay, Monina, ang aga aga mong maglandi. Akala niya siguro ay balahibong pusa rin ang nasa katawan ni Ace kaya't gustong gusto niya doon. "Palagi ito sa kabilang kwarto. Pakialagaan mo ng mabuti at baka mapano iyan sa akin. Sabi ko nga sa'yo, mahilig ako sa p***y cat," seryoso niyang wika. "Halika na Monina," sabi ko at akma kong hahawakan ang alaga kong pusa. Inabot niya naman iyon sa akin at saka siya nagsalitang muli. "May gagawin ka ba ngayon?" "Marami akong gagawin," sagot ko. Napatingin ako sa kaniyang mukha. Naghilom na ang sugat niya ngunit ang kaunting bahid ng pasa sa kaniyang pisngi ay nakikita pa rin. Maganda ang hugis ng kaniyang ilong at napakatangos niyon. Makapal ang kaniyang mga kilay at pilik-mata na bumagay sa bilugan niyang mga mata. Teka, bakit ba pinupuri ko siya? Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niyang pambubulabog sa amin noong araw ng Martes. Walang imik si Robin na bumaba at ayusin ang motor niya nang gabing iyon. Hindi rin siya natulog dito at nag take risk na magmotor pauwi. Panay naman ang paghingi ko ng pasensya sa kaniya dahil sa mga nangyari. "Katulad ng?" Tanong pa niya. "Basta marami," walang gana kong tanong. "Gaano nga marami, anu ano ang gagawin mo?" Kumunot ang noo niya at umarko ang labi niya na parang naiinis. Bwisit naman oh! "Bakit ba?" Nakakairita na ang pagiging makulit ng lalaking ito. "Nagtatanong nga kasi ako kung ano?" Tumaas ang boses niya. "Meow!" Huni ni Monina. "Bakit ba kasi kailangan mong tanungin kung marami akong gagawin? Natural, Linggo ngayon, tambak ang labada ko at marami akong aayusin sa loob. May pasok na naman bukas," dire-diretso kong sabi. "Buong araw mo iyon gagawin?" Tanong niya. "Oo. Dapat matapos ko na ngayong araw dahil magrereview ako mamayang gabi," sagot ko sa kaniya. "Review review, tsk. Kung talagang matalino ka, kahit di ka mag-review," namewang siya sa harapan ko. Nakita ko ang kabuuan niya. Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang maganda niyang pangangatawan. In fairness, maganda talaga. Batak ang abs. "Tapos ka na bang magpantasya?" Napukaw ako sa sinabi niya kaya't kunwari ay inayos ko ang eyeglasses ko at tumingin muli sa kaniyang mga mata. "Hindi ko naman sinabing matalino ako ah," bwelta ko. "Ayon na nga, kung hindi ka naman matalino bakit mag-aaksaya ka pa ng panahon?" "Abah, kapag hindi matalino dapat huwag nang mag-aral? Ganon? Bakit? Pang matatalino lang ba ang pag-aaral? Bakit pa nag-aaral ang mga tao kung dati na silang matalino? Sige nga?" Naiinis kong tanong sa kaniya. "Bakit ba napunta diyan ang usapan?" Iritado niyang tanong. Inilagay niya sa hamba ng pintuan ang kaniyang kanang siko at saka bahagyang yumuko sa akin. Aba, pati kili-kili niya, ang pogi. Pero back to sungit mode ako. "Kasi nga sinasabi mong huwag na akong mag-aral e kailangan ko nga na mag-review. Malapit na ang mid-term examinations," sagot ko. "Kailan?" "Wala ka na doon," umirap ako. "Huwag mo akong mairap-irapan, babae ka!" Maangas niyang sabi saka biglang hinampas ng palad niya ang pintuan na dahilan para magulat ako. "Ano ba?" Naiirita na ako. Kaunti na lang, makakatikim na sa akin ito ng magic sampal. Natahimik kaming dalawa. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa. "Gaano ba karami ang labada mo?" Tumagilid siya saka tiningnan ako ng bahagya. "Huwag mo nang tanungin kung wala ka namang maitutulong," sabi ko sa kaniya. "Tutulungan nga kita!" Naiinis niyang sabi. "Huwag na. Mahihirapan ka lang," sabad ko. "Minamaliit mo ba ito?" Nag-flex siya ng muscles at saka hinalikan ang biceps niya. Dios ko naman Ace, huwag ako uyy. "Sige na at marami pa akong gagawin. Papasok na ako," sabi ko saka akmang isasara na ang pintuan. "Babalik ako. Ihanda mo ang mga damit mong lalabhan," aniya. "Huwag na!" "Gusto mo bang makatikim sa akin?" Pagbabanta niya. "Huwag mo akong subukan boy! Kahit lalaki ka, lalaban ako," tumaas pa ang kilay ko. "Anak ka ba ni Gabriela?" "Anak ako ng nanay at tatay ko, tse!" Saka ko buong lakas na isinara ang pintuan. Nakakainis na lalaking iyon. Damuho. Akala mo naman kung sinong macho. "Kainis!" Naiinis kong sabi dahil sa totoo lang ay hindi matanggal sa isipan ko ang katawan niya. "Meow!" "Hoy, huwag mo akong ma-meow meow diyan, ikaw ang dahilan ng lahat. Kung hindi ka lang lumipat lipat doon, wala akong problema ngayon," sabi ko sa pusa ko habang ako ay naghuhugas ng aking pinagkainan. "Meow!" "Huwag mo rin akong makantyaw-kantyawan diyan at baka ibigay kita sa kaniya. Total, mahilig daw siya sa pusa," inirapan ko si Monina. "Meow!" Nababaliw na ako. Pati pusa ay kinakausap ko na talaga. Kasalanan ito ng lalaking iyon. Pagkatapos kong maghugas ay nagpalit ako ng suot. Nagtanggal ako ng jacket at ng aking pajama at suot suot ko ang medyo maikli kong shorts at ang sando kong pula. Nagpusod din ako ng buhok ko at saka ako naghilamos at nagtoothbrush. Matapos iyon ay inihanda ko na ang mga lalabhan kong damit. Nasa proseso ako ng paghihiwalay ng mga puti sa dikolor nang mayroong kumatok sa pintuan. "Sino na naman ba ito?" Tanong ko saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng aking pintuan. Pagbukas ko ay nakangiti si Ace sa akin at kitang kita ko ang ganda ng awra niya sa ngiting iyon. Para siyang batang cute at walang kamuwang muwang. "Laba na tayo," aniya. Nakasuot pa rin siya ng boxer shorts na itim ngunit ngayon ay nakasuot na siya ng tank top na puti. Hawak niya ang ilan sa mga damit niya, mga pantalon at t-shirts. "Maglaba ka na sa lugar mo, huwag dito. Sayang ang bayad ko sa tubig," sabi ko. Wala siyang ibang sinabi at pwersahan na pumasok sa loob ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang kakulitan ng lalaking ito. "Ito lang pala ang mga lalabhan mo, bakit sinabi mong marami?" Aniya saka nakialam sa mga damit ko. Patakbo kong tinungo ang kinaroroonan niya dahil nakalapag lang doon ang mga panloob ko. Isa isa kong kinuha iyon ngunit nadampot niya ang isang bra kong itim. "Ang laki pala ng bra mo!" Natatawa niyang wika saka iyon itinaas. "Akin na iyan," patuloy kong inaabot iyon. Ngunit dahil matangkad siya ay hindi ko maabot iyon. Ginawa kong suporta ang balikat niya saka ako lumundag upang maabot ang bra ko sa kamay niya. Huli na nang malaman kong dikit na dikit na pala ang mga katawan naming dalawa at ngayon ay nakayuko siya habang nakatitig lang sa aking mukha. Nahinto ako sa paglundag nang mapagtanto ko iyon. "Hindi mo pa ba ako bibitawan?" Mahina niyang tanong. Na-realize ko na hila hila ko pala ang suot niyang tank top mula sa kaniyang balikat. Unti-unti kong tinanggal ang pagkakahawak ko mula doon at saka umiwas ng tingin. "Anong size nito?" Maya maya ay nakangiti niyang tanong. Ibinaba na niya ang kamay niya at naagaw ko na rin ang bra ko sa kaniya. "Kung wala kang magandang magagawa dito at panay pang-aasar lang ay umalis ka na. Nakakaistorbo ka," padabog kong ginawa ang mga gagawin ko habang siya ay nakatayo lang sa tabi. "Tanggalin mo na ang mga maseselang damit diyan na ayaw mong ipalaba, ako na ang bahala," sabi niya pa. "Bakit ka ba kasi nandito?" Hinampas ko siya ng maruming damit at agad naman niyang sinangga ng kamay niya. "Uy relax. Relax ka lang okay," sabi niya saka nakangiti lang na lumalapit. Ngayong araw ko lang siya nakitang ngumiti ng totoo, iyong hindi pilit at talagang makikita na masaya. Mayroon pala siyang ganitong ugali. Hindi ako sanay na nakakakita ng Ace na masaya dahil sa halos araw araw na ginawa ng Dios ay wala akong nakikitang emosyon sa kaniya kundi ang galit, inis at hindi ko maipaliwanag na tingin. Hindi ko nga rin mawari kung anong meron sa kaniya ngayong araw at gusto niya akong tulungang maglaba ng damit. Malamang ay mayroong kailangan ang lalaking ito. Hindi na ako kumibo at saka ako tumingin sa mga damit ko. Okay, kung gusto niyang maglaba, go, para wala nang gulo. Basta't ako ang maglalaba ng mga panloob ko. "Okay, kung maglalaba ka, wala akong washing machine. Magkusot ka!" Sabi ko saka inilagay sa isang maliit na planggana ang mga panloob ko. "Okay, wait lang. Dadalhin ko dito ang washing machine ko," sabi niya. "Hoy, huwag na. Sayang sa kuryente!" Sigaw ko. "Ako ang magbabayad!" Aniya. Nagtataka pa rin talaga ako kung bakit bigla siyang ganito. Sa totoo lang ay nakakapanibago lang ng feeling dahil katulad nga ng sinabi ko, hindi siya ganito. Pero baka ganito lang siya sa mga taong gusto niyang makilala. Napapailing na lang ako. Nagtungo ako sa lababo upang doon na lang maglaba ng aking mga panloob nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Ace na buhat ang kaniyang washing machine. Double iyon at sa palagay ko ay dryer ang nasa kabila. Bahala siya diyan. "Nasaan ang saksakan?" Tanong niya. "Diyan oh! Ang laki laki ng mata mo hindi mo makita," sabi ko sa kaniya saka itinuro ang saksakan malapit sa banyo. "Hindi lang naman mata ang malaki sa akin," sagot niya saka sinaksak ang washing machine. "Whatever!" Sabi ko na lang. Ngayon ay inoobserbahan ko lang siya habang naglalagay ng tubig sa loob ng washing machine. Alam niya ang ginagawa niya. "Sabon," aniya saka lumapit sa akin. "Wala kang dala?" Tanong ko. "Tsk. Washing machine ko na nga, sabon ko pa," nagkamot siya saka naglakad palabas. "Kung ayaw mo, buhatin mo na iyang washing machine mo at ako na ang maglalaba!" Sigaw ko. "Huwag kang maingay, tunog misis ka!" Sigaw niya habang patuloy na naglalakad palabas. Nakakainis talaga! Pagbalik niya ay nagkukusot na ako ng mga nilalabhan ko. Wala akong kibo habang siya ay wala ring kibong naglalaba. Tunog ng washing machine lang ang maririnig kaya't masasabi kong ang awkward ng sitwasyon. "Wala ka bang stereo?" Tanong niya. "Wala," sagot ko. "Ang boring," mahina niyang wika. Wala na akong ibang sinabi pa. Habang umiikot ang damit sa loob ng washing machine ay naramdaman kong nagtungo siya sa kusina. "Hoy, anong ginagawa mo diyan?" Sigaw ko. "Wala ka man lang meryenda?" Aniya saka naghalungkat. "Wala akong pera," sabi ko sa kaniya. "Ang kuripot mo naman. Nagtatrabaho ka nga, wala ka namang pagkain. Saan mo dinadala?" Tanong niya. Pinili kong huwag sumagot sa mga sinasabi niya. Maya maya ay wala siyang paalam na lumabas na lang ng kwarto at iniwan ang mga labahin. "Saan na naman iyon pupunta? Huwag niyang sabihin na ipalalaba niya sa akin lahat ng ito pati ang damit niya," kinakausap ko na naman ang sarili ko. Makalipas ang halos limang minuto ay bumalik siya na mayroong bitbit na yelo, Nestea at tinapay. Nagulat ako nang batuhin niya ako ng isang sachet ng juice. "Aray ha?" Reklamo ko. "Magtimpla ka ng juice. Para may pakinabang ka naman," aniya saka naghanap ng pitsel at baso. Astig, ako pa ngayon ang walang pakinabang. Imbes na sumagot ako ay sumunod na lang ako sa kaniyang sinabi. Wala akong kibong nagtimpla ng Nestea at nang matapos ko iyon ay nagsalin ako sa baso ko at kumuha ng tinapay. "Hoy, bigyan mo ako dito," utos niya. "May kamay at paa ka naman diba," sabi ko. "Nakikita mong naghahango ako ng damit diba?" Aniya. At dahil hindi ko pa naman naiinuman ang hawak ko ay dinala ko iyon sa kaniya. "Oh," abot ko. "Mahahawakan ko ba iyan, puro bula ang kamay ko," aniya. Talagang sinasagad niya ang pasensya ko. Relax lang Katarina. May pasensya ka pa. "Painumin mo ako," sabi niya sa akin. Bumuntong hininga ako. Ngumiti ako ng pilit saka itinapat sa kaniyang labi ang baso. "Lapit pa," sabi niya dahil malayo ako. Lumapit naman ako. "Konti pa," aniya. "Ace baka buhusan kita nito, nakakainis ka na, kanina ka pa," sabi ko dahil hindi na ako nakapagtimpi pa. Wala na siyang imik na uminom sa baso at nakalahati niya iyon. Kitang kita ko naman ang pagtaas baba ng kaniyang adam's apple sa paglagok niya ng inumin. "Hooh, sarap!" Aniya. "Okay na?" Tanong ko. "Aahhh!" Saka niya ibinuka ang bibig niya. "Ano?" Tanong ko. Nginusuan niya ang hawak kong tinapay. Kaya't dahil naiinis na ako ay sinaksak ko sa bibig niya ang ensaymada at kitang kita kong nagkalat sa pisngi niya ang margarine niyon. Ibinaba ko ang baso ng juice sa mesa at saka ako nagtungo sa lababo. Lumingon ako sa kaniya at nakatitig siya sa akin ng masama habang hawak na ng isang kamay niya ang tinapay saka siya ngumunguya. "Buti nga sa'yo," nakangiti kong sabi. NAUNA AKONG NATAPOS na maglaba kaya't nang maisampay ko na ang mga panloob ko ay wala na akong gagawin. Tanging paglilinis na lang sa kwarto at sa sala ang gagawin ko. Pasado alas onse na at pananghalian na naman. Malamang sa malamang, dito na naman kakain ang isang ito. Kaya naman naglabas ako ng gulay at isda upang magluto na ng pananghalian. "Damihan mo ang kanin, malakas akong kumain," aniya. See, kakain siya dito. Natural na sa kaniya ang pagiging makapal ang mukha kaya't hindi na siya nahihiya. HINDI PA SIYA TAPOS sa pagbabanlaw ng damit nang yayain ko na siyang kumain. Basa na siya kaya't nang humarap siya sa akin sa lamesa ay nagtanggal siya ng damit niya. Paano na naman ako makakakain nito kung ganito ang nasa harapan ko? "Magdamit ka nga," sita ko sa kaniya. "Nakita mong basa oh," aniya. "Kahit na," "Sus, parang ayaw mo naman," aniya. "Feeling," sabi ko habang naglalagay ng ulam sa pinggan ko. TAHIMIK lang kaming kumakain nang tanungin ko siyang muli ng bagay na nasa isipan ko. "Bakit pala tinulungan mo akong maglaba?" Tanong ko. "W-wala lang," aniya. Nagkakamay siyang kumain. "Wala lang ka diyan. Siguro may kailangan ka. Kung pera, wala akong pera," sabi ko kaagad. "May gagawin ka ba mamayang gabi?" Hindi siya nakatingin sa akin. "Di ba't sabi ko ay magrereview ako," sagot ko. "Ngayong hapon ka na mag-review," sabi niya. "At bakit?" "Yayayain sana kita. Pero huwag kang mag-isip na date ito ha? Wala na talaga akong choice," depensa niya. Wow, wala na siyang choice. "Ano iyon?" "Christmas Party kasi namin sa Adam's Bar, wala akong maisasama," aniya. "So, naglaba ka para sumama ako, ganon?" "Basta," aniya. "At sa tingin mo papayag ako?" "Hindi ba?" Tanong niya. "Hindi pwede," sagot ko. "Pwede," aniya. "Hindi nga," "Bakit hindi?" "Wala akong damit," "E di maghubad kang pumunta," pamimilosopo niya. "Bahala ka nga," sabi ko naman. "Ako na ang bahala sa isusuot mo," sabad niya. "Hindi pa ako pumapayag," wika ko naman saka uminom ng tubig. "Payag ka na, sabi ng puso mo," agad niyang wika. Shocks. Traydor ang puso na ito. Traydor! Pumayag ba talaga ako? O ang damdamin ko? Pagtatapos ng Ika-sampung Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD