Kabanata VII

2342 Words
Kabanata VII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA HINDI KO MATANGGAP na itinapon niya lang ang niluto kong ulam para sa kaniya. Pinagpaguran ko ang bagay na iyon at nang makita kong inilagay niya sa basurahan ay agad akong pumasok sa loob ng kwartong inuupahan ko. Nakakasama lang ng loob. Mabuti na lang at sinundo ako ni Robin at sabi niya ay kakain daw kami sa labas ngayon. Hindi naman ako tumanggi kaya't makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin siya upang sunduin ako. NGUNIT ngayon ay nandito na rin ako ulit sa aking inuupahang lugar dahil nasira ang gabi ko dahil sa lalaking iyon. Ninakaw niya ang unang halik ko? Hindi ko matanggap na isang barumbadong lalaki ang makakauna sa aking halik at dahil doon ay naiiyak akong nagtungo sa banyo at saka iyon binasa ng tubig at umiiyak na pinunasan ng tuwalya. Hindi ko iyon inaasahan kaya't hindi ko naiwasan. Bakit ba parati niyang sinasabi na inaabala ko siya? At bakit sa laki ng mundong ginagalawan ko ay siya lagi ang aking nakikita? Tinawagan ko si MAxine ngunit hindi na siya maakontak. Siguro ay tulog na iyon kaya naman hindi ko na rin siya kinulit pa. Desidido na akong lumipat ng boarding house, bukas na bukas din kaya naman ngayon ay gusto ko nang mag-ayos ng aking mga gamit. Hindi ko na kayang tiisin pa ang mga nagaganap sa akin dito ngayon. Naalala ko pa nang bago akong salta dito. Hindi ko ineexpect na ganon agad ang bubungad sa akin na mga pangyayari. Ang akala ko ay maraming nakatira sa tabing kwarto kaya maingay. Ang akala ko rin ay dalawang lalaki ang nandoon ngunit laging iisa lang naman ang lumalabas. Kaya naman napagtanto ko na ang pangalan niya ay Ace Aien, ang manyak at f**k boy kong kpit-bahay. Mayroong isang pangyayari na hindi ko rin talaga kayang isipin ngunit pabalik-balik lang talaga sa isipan ko sa tuwing nagaganap iyon. FLASHBACK “Ooohhhh God, ang lalim!” Wika ng nasa kabila. Napalingon ako sa narinig ko. “Sinasaksak ba ang nasa kabila?” Mahina kong tanong sa sarili ko. Unti unti kong tinatanggal ang eyeglasses ko nang makarinig ulit ako ng kalabog. Boog! Boog! Tumatama ang kung ano sa may pader ng aking kwarto. Tumingin ako sa orasan at alas dos pa lang ng madaling araw. “Ohhh Yesss! Too deep that’s it, yeahhh!” Patuloy ng babae. Nahiga na lang ako dahil hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari sa kabila. “Aaacceee, faster please!” Nakakairita na. Madaling araw na madaling araw may nagkakarerahan yata. Kaya naman tinakpan ko ang tenga ko ng unan para makatulog na akong muli. “Ssshhhiiiitttt Aiddeeennn!” Boog! Boog! Boog! “Aaarrggghhh Melissa, heto na!” Ngayon ko lang narinig ang boses ng lalaki sa kabila. Pero may isa pa eh, Aiden at Ace? Sino sila? Hindi ko pa masyadong nakikilala ang mga kapitbahay ko dahil wala akong time. Gabi na rin ako umuuwi dahil sa part time job ko at maagang umaalis para sa aking klase. Wala nang time makipagkilala sa neighborhood. Dahil sa lakas ng kalabog ay nadamay ang kamang kinahihigaan ko. Maging ito ay gumalaw kaya naman napatayo ako at muling isinuot ang eyeglasses ko. Gusto ko sanang kalampagin sila kung ano man ang nangyayari sa kabila pero nahihiya ako, lalo pa at bagong bago ako dito sa Tita Lola’s Boarding House. Kaya naman nagdesisyon akong hilahin ang kama ko upang hindi madikit sa dingding na yari sa Antique style na kahoy. Tumahimik ulit ang kabilang kwarto at saka ako nahigang muli sa aking kama. Sa wakas, makakatulog na ulit ako. Nasa may moment na ako ng malapit na pagtulog nang muling kumalabog ang dingding. Boog! Boog! “s**t Aiden, aaahh ang lalim,” sabi naman ng bagong boses. Ilan ba ang kapit-bahay ko? Puro salitang “malalim, oh God, and s**t,” ang naririnig ko sa kanilang lahat. This is my third night at walang palya ko silang naririnig noong isang araw pa. May narinig akong Melissa, Alexa, Gina, Madelyn, Vina at dadalawang tunog lalaking pangalan lang ang naririnig ko, Aiden at Ace. Maliit lang ang mga kwarto sa paupahan na ito pero bakit parang ang daming tao sa kabila? Na-curious tuloy ako! Uminom muna ako ng tubig bago ko muling tinungo ang higaan dahil wala nang kumakalabog. Sa wakas ay nakatulog na akong muli. Ngunit paglipas ng ilan pang sandali ay nabulabog na naman ako sa kalabog sa kabilang kwarto. Naiinis akong bumangon. Isinuot kong muli ang eyeglasses ko at saka nagmadaling lumabas ng kwarto. Alam kong baguhan lang ako dito pero nakakainis na silang pakinggan. Minadali kong makarating sa kabilang pinto at saka ko iyon kinalabog ng malalakas na pagkatok. “Excuse me!” Sigaw ko sa labas kasabay ng malalakas kong katok. Umatras pa ako at nagtiklop ng mga kamay habang hinihintay na may lumabas na tao mula doon. Lalapit pa sana ako para kalampagin iyon nang bigla itong bumukas. “Pasensya na sa istorbo pero…,” God! Napanganga ako! Bakit may nakatayong lalaki na pawis na pawis at halos hubad na sa suot niyang putting brief na pilipit pa ang garter at nakatayo sa harapan ko? Gosh, ang virgin eyes ko! “Pipila ka ba na tulad nila?” Ibinuka niya ang pintuan at nakita ko ang tatlong babae na naghihintay sa kanya. END OF FLASHBACK Pangalawang rason kung bakit gusto kong lumipat ay ang kaniyang pangingialam sa buhay ko. Katulad kanina habang kumakain pa kami ni Robin ay umasta siyang nobyo ko kaya naman nasira ang gabi ko. Ngayon naman ay ang paghalik niya sa akin na hindi ko akalaing magiging dahilan para tuluyan na akong magdecide na lumipat. WALA na akong lakas pa para mag-ayos ng mga gamit ko, kaya naman ang kaninang plano kong ayusin ng gamit ko ay hindi na muna. Sabi nga nila, do not decide when you are very angry, very sad or very happy. Things may never be the ame kapag natapos na ang masidhing emosyon natin. Magtutungo na ako sa kwarto ko nang biglang mayroong tumawag sa phone ko. Si Robin. Nakalimutan ko nga pala siyang i-text na nakauwi na ako. "Hello," bati ko sa kaniya. "Are you okay? Nakauwi ka na ba?" Tanong niya. "Oo. Sorry hindi ako nakapagtext sa'yo. Nakauwi na ako," sagot ko sa kaniya. "Who is that guy?" He askeed. "Mag-usap na lang tayo sa susunod tungkol sa bagay na iyan," sabi ko pa. He remained silent until he said something. "Is he really your boyfiend?" Tanong niya sa akin. "No, he is not my boyfriend," sagot ko sa kaniya. "Kung hindi mo siya boyfriend, bakit siya ganon sa'yo? Parang hawak ka niya sa leeg," wika pa niya. Ayaw kong makipagtalo sa kaniya ngayon dahil hindi rin talaga okay ang mood ko. "Mag-usap na lang tayo sa ibang araw, Robin," sabi ko a lang. "Bakit ayaw mong sumagot sa tanong ko? Gusto ko lang malaman, Kat," sabi pa niya sa kabilang linya. "Robi, ayaw kong makipagtalo ngayoon kaya't please lang, huwag mo akong kulitin," napagtaasan ko siya ng boses. "Okay. Simula ngayon ay huwag na tayong maging okay. Last n ito," sabi pa niua. Aba, at nagmalaki pa. "Okay," ang tangi kong sagot saka ko pinatay ang tawag. Naiinis kong inilagay sa tabi ko ang cellphone ko saka ako namaluktot. Hindi naman malamig pero nararamdaman ko ang lamig ng aking pag-iisa. Wala man lang aong makausap ngayon tungkol sa mga pinagdadaanan ko. Kaya naman pinili ko na lang talagang matulog dahil bukas ay mayroon akong pasok sa school. Isisingit ko na lang ang paghahanap ng bago kong lilipatan kapag mayroon akong oras. Pero simula ngayon ay mas mabuti na lamang na matulog ako upng kahit na papaano ay makalimutan ko ang mga nararamdaman ko. ALAS SAIS ako nagising. Nagulat pa ako sa paglundag ni Monina sa butiki sa katabing mesa kaya't tuluyan na rin akong bumangon. "Meooww!" Lumapit sa akin ang alaga kong pusa. "Good moring Monina," sabi ko pa saka siya hinimas. Nagtaka ako at mayroon siyang tali sa leeg at saka mayroong nakasukbit na nirolyong papel doon. Agad ko iong kinuha at saka ko binasa. Hoy! Sorry kagabi Hindi na mauulit. -Ace Napatayo ako mula sa hinigaan ko at hinanap kung saan nakalabas si Monina. Nagtungo ako sa maliit na kusina ko at doon ko nakita na bukas pala ang bintana doon. "Monina, saan ka galing?" Tanong ko sa pusa ko na ngayon ay susunod sunod sa akin at inililingkis ang kaniyang katawan. "Meeooow!" Ang tangi niyang sabi. Inayos ko ang sarili ko, nagmumog at naghilamos saka ako kumuha ng face towel at pagkapunas ko ng mukha ko ay isinampay ko iyon sa aking balikat. Hawak ko ang papel na sinulatan niya at isinabit kay Monina nang lumabas ako. Hahakbang na sana ako sa labas nang muntik kong maapakan ang nasa tapat ng pintuan. Nakita ko doon ang lunch box na pinaglagyan ko ng pagkain at ibnigay sa kaniya kagabi at mayroon iyong laman. Sa tabi nito ay mayroong isang litro ng Selecta Milk na low fat at halatang bagong bili iyon dahil malamig pa. Agad akong umupo sa tapat nito at pinagmasdan iyon ng mabuti. Napatingin naman ako sa kabilang pintuan at hinihintay na mayroong lalabas ngunit wala. Ang ginawa ko ay kinuha ko na lang ang mga nasa pintuan at saka ako nagtungo sa kusina. "Akala ko ay tinapon niya ang pagkaing ibinigay ko sa kaniya?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig lang sa lunch box na nakapatong ngayon sa mesa. Naupo ako at binuksan iyon Mayroon itong laman na kanin at ulam. Parang adobong baboy ang nasa isang part, nilagang Baguio Beans at pipino. Siya lahat ang nagluto nito? Na-appreciate ko naman kaagad iyon at gumuhit ang ngiti sa aking labi. Ibig sabihin ba niyon ay nakalimutan ko na ang ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa akin? Hindi. Hindi ko iyon makakalimutan kahit pa sandamakmak na pagkain ang iwanan niya sa tapat ng inuupahan ko. HINDI NA AKO nagluto pa ng aking almusal dahil mayroon na akong pagkain. Sa totoo lang ay masarap ang pagkakaluto nito at masasabing kung hindi man ekperto ang nagluto ay at least mahusay at alam ang timpla. Napakain talaga ako. Alas nwebe ang klase ko at hanggang alas dos lang kaya't pagkatapos niyon ay aga akong tutungo sa Jollibee kung saan ako nagpapart-time job. Lagi kong baon ang uniform ko dahil doon na rin ako nagpapalit sa loob ng pinagtatrabahuhan ko. NGAYON AY hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Robin. Si Maxine naman ay mayroon palang sakit kaya't hindi nakapasok. "May isa daw diyan na feeling maganda. Dalawa dalawa ang pinpatulang lalaki. Ang guess what, kagabi lang daw nalaman ni Robin na mayroon pala siyang jowa," sabi ng kaklase kong matagal na akong pinag-iinitan, si Charlotte. Pinii ko na lang na manahimik at huwag nang magreact. Ngunit palaisipan sa akin kung paano niya nasagap ang balitang to. Gusto ko na lang talaga na matapos ng araw na ito dahil sa halos kada break namin sa classroom at sa laboratory ay pinag-iinitan niya ako. Ayaw ko lang talagang ibaba ang lebel ko sa kaniya kaya't hindi ako pumapatol. NAKAHINGA NA AKO NG MALUWAG nang uwian na at katulad ng dati ay nagmamadali akong umalis upang makahabol sa aking duty. Mula sa school ay kailangan kong sumakay ng tricycle at halos isang kilometro ay mararating ko na ang Jollibee. Nasa gate pa lang ako ng aming school, pababa sa hagdan nang makita kong nandoon na si Charlotte at ang kaniyang mga alipores. Nakatambay sila sa baba at tinitingnan ako. Mas pinili ko na lang na huwag na lang silang pansinin kaya naman hindi na ako tumingin sa kanila. Nang dalawang baitang na lang ang bababaan ko ay bigla akong natisod at nakita ko ang paa ni Charlotte na gumawa niyon sa akin dahilan upang mahulog ako sa hagdan. "Opps. Hindi ko sinasadya. Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo," sabi niya saka ngumiti. Galit na galit na ako dahil hindi na ako makapagtimpi, ngunit wala akong magawa dahil hindi naman ako yung tipo ng taong nakikipag-away. Alam kong mahirap lang kami pero ang ugaling palengkera ay wala sa akin. Tiningnan ko siya ng masama at saka ako tumayo at inayos ang sarili ko. Hinarap ko siya at tiningnan siya sa kaniyang mga mata. Tumaas ang kilay niya at sinusubukan akong asarin Nakangiti ang mga kasamahan niya sa akin at tila ba gusto nila akong pagkaisahan. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag mo akong aabalahin? You keep on bothering me, woman. Hindi ka nag-iingat." Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Ace na nakatayo na sa pagitan namin. Nakashades siya ng pang 90s at nakasuot siya ng leather jacket, sa loob nito ay putig t-shirt at maong na pantalon. Anong ginagawa niya dito? "At kayo naman, huwag ninyo siyang gagalawin para hindi ako naaabala. Dahil masama akong maabala. Maliwanag ba, bata?" Saka niya hinawakan sa balikat si Charlotte. Akala ko ay simpleng hawak lang iyon ngunit napaaray ang nasa harapan ko. "Ouch!" reklamo niya. "Napalakas yata. Sorry Miss, hindi na siguro mauulit," saka niya pinagpag ang balikat ni Charlotte. Nakita ko ang takot sa mukha ng mga kasama ni Charlotte at panay ang kalabit nila sa lider nila. "At ikaw naman, huwag ka masyadong nagmamadali. Naghihintay naman ako sa'yo dito. Halika na," sabi niya saka bigla akong inakbayan. Pakiramdam ko ay ang liit liit ko nang akbayan niya ako. Nakayuko lang ako hanggang sa makalapit kami sa motor niya. "Bakit kanandito?" Tanong ko. "Ihahatid kita sa trabaho mo, tapos papasok na rin ako," aniya saka nagpaandar ng motor. Isang helmet lang ang dala niya at agad niya iyong isinuot sa akin at nagulat pa ako. "Sakay!" Ma-autoridad niyang sabi. Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Pagtatapos ng Ika-Pitong Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD