CHAPTER 5: TOUCH ME NOT

2616 Words
CHAPTER 5: TOUCH ME NOT   Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers.   Babala: Mainit! Nakakapaso! ARWYNN (POV) Narinig ko pa rin. Malinaw. Tinawag na ate ni Lyndel si Ara. "Ate!!!!! Ate bumalik ka rito!", tinawag pa niya si Ara habang papalayo na ang taxi. "Tulungan mo ako. Habulin natin ang ate ko", humahagulgol na humarap sa akin si Lyndel at pinipilit akong habulin ang taxi. "Lyndel malayo na sila", hinawakan ko siya sa braso upang pigilan siya. "Alam mo ba gustung-gusto kong habulin siya dahil siya ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng iyon ay si Araceli. Tatlong taon ang hinintay ko para magkita kami", totoo gusto kong sundan ang taxi pero may nagsasabi sa akin na huwag kong iwan si Lyndel. "Alam ko, alam kong siya ang tinutukoy mo dahil ate ko siya", habang patuloy siyang umiiyak ay narinig ko na ang bagay na dapat niyang sabihin. "Paano nangyari iyon?", hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa mga braso niya. "Magkapatid kami sa ama ni Ate Araceli", ang paliwanag niya. "Alam mo ba kung bakit niya ako iniwan?", hindi ko na napigilan ang sarili ko parang ako naman ang nawala sa sarili. "Hindi ko alam. Gusto mong malaman?" "Oo!", mabilis kong tugon. "Pwes sundan natin siya", mabilis na kumawala sa pagkakahawak ko sa braso niya si Lyndel at pumunta sa kotse. "Ano pang hinintay mo? Halika na!", inaya niya akong muling sundan si Ara. "Hindi ba matagal ka ng nananabik sa kanya? Sundan na natin siya ng malaman na natin ang lahat", dahil sa mga sinabi niya ay mabilis na bumalik ang pangungulila ko kay Ara sa loob ng tatlong taon. Mabilis akong lumapit sa kotse at dali-dali kaming sumakay. Paikot-ikot kami sa kakalsadahan. Liko rito..... Liko roon..... Kulang na lang ay pasukin na natin ang mga eskinita para lang mahanap si Ara. Ang mga taxi halos pareho lang ang mga itsura. Hindi man lang namin natandaan ang plate number ng sasakyan. Liko rito..... Liko roon..... Paikot-ikot..... "Wala na, tila ayaw niya talagang magpakita", hanggang sa si Lyndel na mismo ang sumuko. Bumalik ako sa restaurant. Nagutom din ako sa ginawa naming iyon. "Ang bagal mo kasi", walang ganang ginagalaw lang ni Lyndel ang pagkain niya. "I'm sorry", humingi na lang ako ng tawag sa kanya habang dahan-dahang sumusubo ng pagkain ko. "Hindi dapat ganoon ang initial reaction ng taong nananabik sa taong mahal niya at ang taong iyon matagal nawala. Dapat mabilis kang lumapit sa kanya, niyakap siya at hindi na pinakawalan", tiningnan ako sa mata ni Lyndel. Nanlulumo siya. "Iyon nga dapat ang ginawa ko matagal kong pinaghandaan ang sandaling iyon, matagal kong hinintay ang pagkakataong mayakap siyang muli pero nagtataka rin ako dahil hindi ko iyon nagawa. Pinangunahan ako ng takot", kusang lumabas ang mga salita sa aking bibig. "Takot? Hindi ka dapat matakot? Mali iyon", kumunot bigla ang kanyang noo. "May dala siyang baril, nakita ko yun. Papatayin ka niya kaso nakita niyang kasama mo ako. Bakit? Bakit ka niya pagtatangkaang patayin Arwynn? Bakit!", unti-unting tumaas ang boses ni Lyndel. Napatingin tuloy sa amin ang magkasintahang kumakain sa kabilang lamesa. Kung kanina noong una naming pagpunta rito ay konti lang ang tao ay mas kaunti na lamang ngayon. Kami na lang at ang magkasintahan. "Hindi ko rin alam Lyndel at pwede ba huminahon ka dyan", inabot ko ang kamay niya para hawakan ngunit ng maabot ko na ang mga ito ay mabilis niyang inilayo sa akin at saka inilagay sa ilalim ng mesa. "Siguro ganyan ka na noon pa man, manloloko at ako naman nagpaloko sayo na mayroong kabutihan dyan sa loob mo. Lumayo siguro si ate dahil sinaktan mo siya at ngayon ay gusto niyang maghiganti sayo!", hindi ko na mapigilan pa si Lyndel. Tumayo na siya sa kinatatayuan niya at saka sumigaw. "Lyndel, calm down...", pagpapahinahon ko sa kanya. "Lyndel please", pakiusap ko sa kanya. Nang tatangkain ko na sana siyang muling hawakan ay lumayo siya. "Don't you dare touch me! You're not worth to trust. I will never trust you again!", nakita ko ang galit sa kanyang mukha. Hahawakan ko pa rin sana siya ng..... "Sabi nang huwag mo raw siyang hawakan. Brother can't you understand that", in all places nandito talaga ang magaling kong kuya. Siya ang laging gentleman..... Siya ang laging matalino..... Siya ang laging mabait..... "What are you doing here?", ang tanong ko sa kanya. "This is the favorite restaurant of our family and I'm having a dinner here with my girlfriend", ewan ko ba pero sa paningin ko ang yabang ng kuya ko. Ang paraan ng pagsasalita niya, ang lahat ng sasabihin niya para sa akin ay puro kayabangan lang. Kasama niya nga ang girlfriend niya na si Heidie isang sikat na modelo. "Kuya mabuti pa umalis ka na lang at huwag ng makialam pa", minabuti ko na lang na paalisin na sila. "Mukhang mabait ang kuya mo Arwynn hindi mo katulad", halos tumigil na sa paghagulgol si Lyndel at pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Pipigilan at kakausapin ko pa sana si Lyndel pero pinigilan ako ni Kuya. "Arwynn pang-ilan na ba yun sa mga nabiktima mo? Sa mga niloko mo? Huwag mo na siyang pigilan pa dapat sanay ka na sa ganyang eksena di ba?", ang mayabang kong kuya pinigilan ako. Si Frangie Joseph Pineda..... "Wala ka ng ginawang maganda sa buhay ko alam mo ba yun kuya?", hinawakan ko ang suot niyang damit at tiningnan siya ng masama. "Mas marami ka ng ginawang hindi maganda sa akin pero lahat ng iyon pinalampas ko kaya hanggang ngayon ay miyembro ka pa rin ng pamilyang ito", tiningnan niya rin ako. Mata sa mata. "Stop it guys. Arwynn you better go", mabuti na lang at sumingit si Heidie dahil siguradong sapakan na ang susunod na mamamagitan sa amin ni Kuya Frangie. Umalis na lang ako at nagtimpi sa kuya ko. Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko si Ara. Nagkita kaming muli. Nakita ko na siya. Naalala ko ang mga ala-ala sa kamang ito. Ang bawat ungol..... Ang bawat ooohhhhh, aaahhhhh..... Ang pakiramdam na para kang nasa langit. Pero naaalala ko rin ang dala niyang baril..... Bakit may dala siyang baril? Dapat nga hinabol ko siya para malaman na lahat. Para maitanong ko na lahat ng dapat kong itanong. Miss na miss ko na pala siyang kasama rito sa kamang ito. Tama si Lyndel. Pero totoo pinangunahan ako ng takot? Takot..... Hindi ko alam kung bakit..... Tumayo na muna ako. Masyadong marami ng pumapasok sa isipan ko wala naman silang naitutulong. Kinuha ko ang ipod ko. Magpapatugtog na lang ako. Kapag marami akong iniisip at hindi ako makatulog ito ang ginagawa ko. Kapag may nakakaramdam din ako ng tawag ng laman dahil sa pagiging nymphomaniac ko ay ito rin ang ginagawa ko. Music gives me self-control. SHE WILL BE LOVED BY MAROON 5 Beauty queen of only eighteen  She had some trouble with herself  He was always there to help her  She always belonged to someone else I drove for miles and miles  And wound up at your door  I've had you so many times  But somehow I want more I don't mind spending everyday  Out on your corner in the pourin' rain  Look for the girl with the broken smile  Ask her if she wants to stay a while And she will be loved, and she will be loved Tap on my window, knock on my door Hindi ko na tinapos ang kanta. Ito ang paborito kong kanta para kay Ara at lalo lang siyang pumapasok sa isip ko. Bakit hindi ko siya hinabol..... Bakit natakot ako..... Bakit may dala siyang baril..... Naghanap na lang uli ako ng kantang patutugtugin. Hanap..... Hanap..... Hanap..... EVERYTHING HAS CHANGED BY TAYLOR SWIFT FT. ED SHEERAN (Taylor Swift)  All I knew this morning when I woke  Is I know something now,  know something now  I didn't before  And all I've seen  since 18 hours ago  is green eyes and freckles and your smile in the back of my mind making me feel right  I just want to know you better know  you better know  you better now  I just want to know you better know  you better know you better now (Both)  I just want to know you better know  you better know  you better now  I just want to know you  know you  know you Cause all I know is we said hello  And your eyes look like coming home  All I know is a simple name,  everything has changed  All I know is you held the door  You'll be mine and I'll be yours  All I know since yesterday  is everything has changed  ..........   Nakita ko sa recently played ang kantang ito. Ito ang kantang pinatugtog kanina ni Lyndel sa kotse ko. Nababading na yata ako. Talagang Taylor Swift song? Pero hindi na masama, hindi heavy ang kanta sobrang light lang. Ang sarap, every string of guitar from this acoustic song relaxes my mind. Dinala ako ng kanta hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. LYNDEL (POV) Naligo na ako pag-uwi. Pagtingin ko kanina sa salamin ay sobrang namumugto na ang mata ko. Nakatatlong fresh milk na rin ako pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakita ko na si Ate Ara pero saglit lang. Magkikita pa kaya kami? Binuksan ko na lang ang radyo ko then I tuned it to fm station. Naghanap ako ng magandang kanta at this very midnight. Everything has changed ni Taylor ang kanta rito sa isang station. Pinakinggan kong muli itong kanta. Kanina noong pinatugtog ko ito sa kotse ni Arwynn ay wala talaga akong idea sa kanta. Maganda pala talaga. That guy, he's a s*x addict and a liar. Pinatay ko na ang radyo pagkatapos ng kanta at pinilit matulog. ARWYNN (POV) "Puyat ka yata hijo? Kumusta ang dinner niyo ni Lyndel? Teka nasan si Lyndel?", pagpasok ni Nanay Esme ay napansin agad ang mata ko. Napansin niya ring wala pa si Lyndel sa kanyang table. "She's back Nay", tumingin ako sa mga mata ni Nanay Esme. "She's back? Sino?", kumunot ang noo ni Nanay at nagtaka. "Oh my God, Nagbalik na siya?", ngunit mabilis na napalitan ng gulat ang pagtataka ni Nanay Esme. "Dumating siya kagabi sa restaurant", nagpatuloy naman ako. "How was it? Ano'ng nangyari?", mausisang umupo sa upuan sa harap ng table ko si Nanay. "Mabilis siyang umalis nang makita niya si Lyndel", napayuko ako. "Nagselos siya?", muling nagtanong si Nanay. "Sana nga ganoon na lang. Magkapatid pala sila ni Lyndel.", muli kong itinaas ang aking ulo at saka tumingin kay Nanay. "What? Magkwento ka pa", nagulat si Nanay Esme kitang-kita ko sa reaksyon niya. "May dalang baril si Ara", inalis ko ang tingin ko kay Nanay. "Oh my God! She wants to kill you?", napahawak sa bibig niya si Nanay. "I guess so", sumagot ako pero hindi ko pa rin tiningnan si Nanay. "That b***h! Hindi niya alam kung ano ang nangyari sayo noong umalis siya ng walang pormal na paalam tapos ngayon pagtatangkaan ka pa niyang patayin? What's her problem?", napatayo sa kinauupuan niya si Nanay Esme. "Calm down Nay", napahawak ako sa noo ko. "What's your plan now? No, I shouldn't be asking that question. You should move on now Wynn. Sign na yan na kalimutan na siya at ayusin na ang buhay mo", muling umupo si Nanay Esme. "Gusto kong malinawan Nay once and for all. Nalilito na ako sa mga pangyayari at sa nararamdaman ko", muli na akong nakatingin kay Nanay esme. "Don't make any rude moves hijo", hinawakan ni Nanay Esme ang kamay ko. "I'll talk to Lyndel", at hinawakan ko rin ang kamay ni Nanay. ..... Nandito ako ngayon sa harap ng apartment unit na inuupahan ni Lyndel. Kinuha ko kay Nanay Esme ang present address na nilagay ni Lyndel sa kanyang resume. tok tok tok..... tok tok tok..... LYNDEL (POV) May kumakatok sa pintuan ko. Mabilis kong binuksan ang pintuan dahil baka si Ate Ara na ito. Hindi ko inaasahan ang nakita ko sa labas ng pintuan. "Ano pang ginagawa mo rito?", ang bati ko sa kanya. "I just want to know some things", malungkot ang boses niya. "Wala ka ng dapat malaman Arwynn", sasarado ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ako. "Please, naguguluhan na ako", hinawakan niya ang kamay ko na mabilis ko namang tinanggal sa pagkakahawak niya. "Stay five feet away from me and don't you dare touch me. Ano ba'ng gusto mong malaman?", tinulak ko siya at binalaan. "Sino ka ba talaga? Nasaan si Ara?", nagsimula na siyang magtanong habang lumayo ng mga limang talampakan sa akin. "I'm Lyndel Santelos at hindi ko alam kung nasaan si Araceli Hernandez", sinagot ko naman ng may pagtaas ng kilay ang tanong niya. "Seryosohin mo naman ito. After three years ngayon lang ako mapapalapit sa mga katanungan ko", nakita ko na naman ang seryoso niyang mukha. Ngunit iba ito, mas seryoso, malungkot..... "Magkapatid kami sa ama halos sabay kaming ipinagbuntis ng mga ina namin. Nauna siyang ipanganak ng isang buwan sa akin. Noong malaman ng ina niya na nagloko ang daddy namin pinatay niya ito pati ang mommy ko kaya ayun nakulong siya. Lumaki kami sa mga tita namin sa side ni daddy. Mayaman ang daddy kaya hindi sila nahirapan sa pag-aalaga sa amin. Pinili kong hindi na gamitin ang apelyido ni Daddy noong pumasok ako ng kolehiyo. I hate him for all the miseries he brought to us. Kahit na mapait ang pinagdaan ng mga magulang namin naging close kami ni Ate. Hindi ko siya sinisi dahil pinatay ng Mommy niya ang Mommy ko dahil sa isip ko patas lang kami dahil nakakulong naman ang Mommy niya at nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo", dahil nakita kong gusto talagang malaman ni Arwynn ang lahat ay kusang lumabas sa bibig ko ang lahat. "I'm so sorry hindi nakwento sa akin ni Ara ang mga yan. Bakit hindi kita nakilala noon ?", sumingit siya at nagtanong. "Alam kong hindi niya sinabi sayo dahil nahihiya raw siya sayo at sa pamilya mo. Sa ibang university ako nag-aral HRM ang kinuha niya samantalang Business ang sa akin", nagpatuloy ako. "Kilala mo na ako noon pa man?", muli siyang nagtanong. "Oo, madalas kang ikwento ni Ate Ara. Masaya siya sa piling mo at mahal na mahal ka niya", sinagot ko naman siya. "Kung gayon nasaan siya?", mabilis niyang tanong. "Hindi ko alam tatlong taon ko na siyang hinahanap. Tinapos ko lang ang pag-aaral ko at naisip kong baka nasa iyo siya kaya sinadya kong pumasok sayo pero wala siya at nakilala pa kita lalo. Minabuti ko na ring mangupahan para hindi mo malaman ang totoong address ko",unti-unting tumaas ang boses ko. "Hindi mo rin alam kung nasaan siya? Kahapon mo lang din siya uli nakita?", humakbang siya ng isang hakbang. "Oo kahapon na lang uli ng pagtatangkaan ka sana niyang patayin!Base sa pagkakakilala ko sayo na s*x addict ka at abusadong tao lalo na sa mga babae naisip ko na hindi totoo ang mga sinabi sa akin ni Ate noon. Baka umalis siya dahil sayo!", halos sumisigaw na ako at pinipigilan ko na lang ang pagpatak ng luha ko. "Hindi totoo yan, nagkaganito lang ako noong mawala siya", isa pang hakbang ang ginawa niya. "This is enough!" bago pa siya lumapit ay sinara ko na ang pinto. Napasandal ako sa pintuan at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Nalilito ako..... Tila mahal talaga ni Arwynn si Ate Ara pero bakit siya gustong patayin ni Ate Ara? Bakit puro magagandang bagay ang sinasabi ni Ate Ara noon kay Arwynn samantalang s*x addict pala ito. Ikaw lang ang makakasagot ng lahat ng ito Ate.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD