JOEVANI Nang tawagan ako ng nurse sa Mary Mount hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Halos paliparin ko na ang ang kotse ko sa sinabi nito.. Kasalukuyang nagpapahinga na ang pamangkin ko. At kumalma na rin siya. Medyo traumatic talaga ang nangyari dito. Naka usap ko na rin ang mga pulis at wala naman silang naging ibang tanong. Pagmamay-ari daw ng Dane ang sasakyan.. Uminit na naman ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. Kailan ba niya lulubayan si Czarina. Bull s**t!! Kong pwede nga lang ikulong ko na lang ang pamangkin ko gagawin ko hwag lang silang magkasama pa. Nakaka irita na ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Hindi na rin ako natutuwa sa kan'ya. Habang natutulog si Czarina pinagmasdan ako ang mga pilat sa katawan nito. Natahimik akong hinawakan ang galos niya, ang ki