"Ineng, nasa clinic ka nang Isla Montecillo. Napulot ka namin kanina sa pampang ng asawa ko. Nang galing kasi kami sa pangingisda. Ano ba talagang nangyari sayo?" tanong nito sa akin. Napa pikit si Czarina ng ilang sandali at pilit inalala ang nangyari sa kanila sa nakalipas na araw. Dumilat siya at nagsalita na; "Ang huling natatandaan ko po ay may humahabol sa amin at gusto kaming patayin. Pinagbabaril nila ang airplane na sinasakyan namin ng Uncle Joe ko at nasira po kasi ang sinasakyan namin ng kasama ko. At nagkahiwalay po kami sa dagat, dahil masyadong malakas na ang alon at tinangay po siya. Hindi ko na alam kong nasaan siya ngayon." paliwanag ni Czarina mag-asawa, kasi ayon naman talaga ang huling natatandaan niya bago sila magkahiwalay ng Uncle Joe niya sa karagatan. "Ganon ba