“Hoy gising! Kent! Gumising ka dyan! Put@ng ‘in@, tanghali na nakahilata ka pa rin, nagpapalaki ka ba ng b@y@g mo huh?! Put@ ka!” sigaw ni Siobeh na binuhusan na siya ng malamig na tubig na nagye yelo pa.
“Three Hundred Million Dollars!” bulalas niya ng biglang magising at nangisay sa lamig ng binuhos na tubig ni Siobeh.
“T@ng ‘in@ nananaginip ka ng pera ah, ano? Mayaman ka na sa panaginip mo? Ang laki ah, three hundred million dollars, sanaol!” saad ni Siobeh sa sarkastikong tono.
“Ugh bwisit ka Siobeh! Ang kama ko binasa mo na naman!” singhal ni Kent na umigting ang panga sa sobrang inis.
“Bwisit ka rin! Ayaw mong magising eh, ang dami daming trabaho dito tapos nakahilata ka pa dyan!” asik ni Siobeh at saka binato sa kanya ang isang supot na may lamang yeyo’s.
“Ano na naman to?!” singhal niya sa dalaga.
“Magtrabaho ka, ideliver mo yan kay Alejandro, hinihintay niya yan, at saka kamo yung utang niya sa akin ibigay niya na, pag hindi binigay barilin mo yung mga tao niya isa isa, pikang pika na ako, last week pa yan,” singhal ni Siobeh na bad mood na.
“Kakagising ko lang inuutusan mo kaagad ako! Bwisit ka talaga!” singhal ni Kent.
“Gawin mo trabaho mo, wag ka ng maraming satsat dyan!” singhal ni Siobeh at kaagad na lumabas ng kwarto niya.
Napatingin siya sa cellphone niya at nagtaka siya sa petsa na naroon.
“Jumbo, ilang araw na akong nandito?” tanong ni Kent na tila nagugulumihanan sa mga nangyayari.
“Pangalawang araw na po ngayon Mr. Consigliere, lasing na lasing ho kayong umuwi dito, ang sabi ninyo po ay galing kayo kay Ms. Jaydah,” paliwanag ni Jumbo.
“Nandito lang ako buong maghapon? Hindi ako umalis?” tanong niya poa rito.
“Opo, hinahanap nga po kayo ni Don Juancho eh ang sabi po namin ay nagpapahinga kayo,” saad ni Jumbo.
“Patay, tsk tsk,” saad ni Kent na nakagat ang labi sa sobrang inis.
Ibig sabihin ay hindi totoo na may nangyari sa kanila ni Lorna at gawa gawa lamang ng malikot niyang isip ang mga naganap na animo’y totoong totoo, sa madaling sabi ay panaginip lang ang lahat at hindi talaga assassin si Lorna, at ang tanging totoo lamang doon ay ang perang maiiwan kay Lorna na three hundred million dollars kapag namatay si Ricky dahil naalala niyang pinag usapan nga pala nila iyon.
“f**k, lagot ako nito kay Don Juancho,” saad ni Kent na namomroblema na ang mukha.
“Ibinilin nga pala ni Don Juancho na makipagkita ka daw sa kanya pag gising mo,” saad naman ni Jumbo na yumuko na lang.
“Yari ako nito tsk tsk, mukhang ihahanda ko na ang katawan ko, baka hindi ako makalabas ng buhay, hays,” saad ni Kent na napapailing na.
“Kaya mo yan Boss, malakas ka naman kay Don Juancho eh,” saad ni Jumbo.
“Teka nga, ideliver nga muna natin ‘to, samahan mo ako, bwisit na Siobeh yan, alam niya namang may trabaho ako kay Don Juancho tapos nag utos utos pa sa akin ng ganito, ang dami dami niyang tao sa akin pa pinagagawa ngayon, kainis!” reklamo ni Kent at hanggang sa nakasakay na sila ng kotse ay nakabusangot pa rin ang mukha niyang nagmamaneho.
Nang maideliver nila ang mga package kay Alejandro ay dumiretso na si Kent sa mansyon ng mga Angeles.
Papasok na siya ng gate nang may marinig siyang naduduwal sa hindi kalayuan. Maingat siyang luminga linga sa paligid at hinugot ang kanyang baril at kinasa. Madilim na roon at tanging ang ilaw na lamang na nasa guardhouse ng mansyon ang tanging ilaw na naroon.
Nakarinig ulit siya ng naduduwal at sinundan niya kung saan iyon nanggagaling, kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang flashlight non ngunit pagtingin niya ay si Jaydah pala iyon at lasing na lasing na naman ito.
Nahilot niya ang kanyang sintido.
“May naman, lasing ka na naman!” singhal niya na inalalayan ito.
“Sino ka ba? Tubig! Gusto kong tubig!” singhal sa kanya ni Jaydah.
“Halika na, pumasok na tayo sa loob, lasing lasing hindi naman kaya tsk!” singhal ni Kent na naiinis na binuhat si Jaydah at saka naglakad papasok sa mansyon.
Hindi niya maintindihan kung bakit ito palaging naglalasing. Gawain na ito ng dalaga noon pa ngunit mas lalong lumala ngayon.
“Sino ka ba huh?! Bakit ka ba nanenermon?! Buti nga nakauwi pa ko eh!” singhal ni Jaydah.
“Oo nga, ang galing mo nga eh, buti nakauwi ka pa noh, pag ikaw nadisgrasya dyan kakauwi mo ng lasing kawawa anak mo!” saad ni Kent na hindi na maipinta ang mukha dahil sa bigat ni Jaydah.
Dahan dahan niya itong dinala sa bathroom at inupo sa toilet seat at saka kumuha ng bimpo at binasa iyon at saka pinunasan si Jaydah.
“Look at you, you’re such a pretty mess right now,” saad ni Kent habang pinupunasan ito sa mukha at inaayos ang mahaba nitong buhok na tumatabon sa mukha nito.
“Wala kang pakialam! Gusto ko ng tubig!” singhal ni Jaydah kung kaya’t napakuha si Kent ng tubig at inabot sa dalaga.
Nang makainom ito ay medyo nahimasmasan na ito at tahimik na.
“Bakit ka ba naglalasing, huh? Ano bang problema mo?” tanong niya sa dalaga.
“Problema ko? Problema ko lahat! Pamilya ko, anak ko, yung kumpanya ko, si Kent! Problema ko silang lahat!” singhal ni Jaydah na hindi na alam ang sinasabi, ni hindi niya nga makilala na si Kent na ang kausap niya.
“Tang ‘ina pati ako nadamay ah,” bulong ni Kent.
“Maoy ka na naman. Ano bang problema mo kay Kent?” tanong niya rito.
“Galit ako. Galit ako sa kanya to the point na nasasaktan na ako ng sobra dahil mahal ko siya pero wala.. Wala akong magawa. Palagi na lang nasa peligro ang buhay ko kapag siya ang kasama ko! Pinipilit ko naman, pinipilit ko na iwasan siya pero bakit pati sa trabaho ko nakikita ko siya, inis na inis na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh,” singhal ni Jaydah na napahagulgol na ng iyak.
Napabuntong hininga si Kent.
“Just let me finish this job and I promise that I’ll stay away from you,” saad niya ngunit nakatulog na si Jaydah sa sobrang lasing kung kaya’t binuhat niya na ito at inihiga sa kama.
Palabas na siya ng kwarto ng maaninag niya ang katabing kwarto kung saan natutulog si Coop. nakatulog na ito sa play tent nito kung kaya’t binuhat niya rin si Coop at inihiga sa kama nito at kinumutan.
“Stay tough Kiddo, mas kailangan ka ni May ngayon kaysa sa akin, matigas ang ulo ng nanay mo, alam ko, pero grabe magmahal yan kaya wag kang aalis sa tabi niya. Sayo lang siya humuhugot ng lakas,” saad niya rito habang pinagmamasdan ito. Alam niyang para siyang tangang nakikipag usap sa tulog pero wala siyang pakialam.
Nang masiguro niyang maayos na si Jaydah at Coop ay kaagad siyang dumiretso sa opisina ni Don Juancho.
“Come in Kiddo, sit down,” saad ni Don Juancho bagama’t kinakabahan ay wala siyang nagawa kundi sundin ang utos nito.
“Matatapos na ba ang pakay ni Jaydah sa mga Vasquez?” tanong nito.
“Opo Tatang, malapit na, kaya naghahanda na ako,” saad ni Kent.
“Sige, ipaalam mo sa akin ang plano mo,” saad ni Don Juancho.
Napabuntong hininga si Kent at saka dahan dahang ipinaliwanag kay Don Juancho ang plano niyang pagpatay kay Ricky.