Prologue

595 Words
Prologue NAPAIGTAD ako nang tadyakan niya ang lamesa. Nabasag ang mga plato at baso na hinanda niya. Maging ang nakapatong doon na mamahalin na wine ay nabasag na rin. Nagulantang ako. Baliw ba siya? Ang mahal kaya no’n tapos tinapon niya lang ng ganoon! Alam kong siya ang gumastos doon pero dapat bang sayangin niya lang ‘yon! Pero naglaho ang inis ko ng makita ko siya. I saw blood shot eyes. Mabilis din ang hininga dahil sa taas-baba ang malapad niyang dibdib. He’s clenching his fist. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ito ang unang beses na nakita ko siya na ganito. Napahawak ako sa tiyan ko. Halos mapaatras ako nang lumapit siya sa’kin. “Bakit ayaw mong magpakasal sa’kin?!” Sigaw niya. Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Aminado akong nakaramdam na ko ng takot sa kanya. He never raises his voice to me, not unless He’s got something too sweet. I remained cold despite his troubled face. “Hindi mo kasi naiintindihan Dale--” “E’di ipaintindi mo sa’kin! Putangina Jam naman! Anak ko ang dinadala mo kaya dapat na tayong magpakasal pero tinatanggihan mo ko! We’re going to be a parents!” He hissed. I gritted my teeth. “Exactly! ‘yan ang iniiwasan ko Dale! Hindi sagot ang kasal dahil lang sa buntis ako. Pwede naman nating palakihin ang bata ng hindi tayo nagpapakasal.” “Ayoko! Ayokong lumabas ang anak ko na walang pamilya! Kaya sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal tayo!” He said with finality. Na para bang hndi na niya tatanggapin pa ang anumang nanaisin ko, bilang isang magiging isang ina. Pulang-pula na ang kanina’y napakaamo niyang mukha. Tila may kumurot sa dibdib ko na makita ang pagbabago sa reaksyon niya. “Nag-iisip ka ba? Para sa mga nagmamahalang tao ang kasal Dale--” “E’di mahalin mo ko!” I froze. Natulala ako sa sinabi niya. Hibang ba ‘to? At kailan pa pwedeng iutos na magmahal sa isang tao? E, kung alam ko lang e’di sana matagal ko nang inutos kay Russel na mahalin niya ako! Kaso hindi e. Hindi niya ko gusto. Hanggang magkaibigan lang kami. And that truth hurts. “Mahal mo pa rin ‘yang bestfriend mo? Jam, may iba siyang gusto kaya H’wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya dahil hindi ka niya magugustuhan! Ang kaibigan, kaibigan lang! H’wag ka nang umasa--” Nawala ako sa sarili ko at sinampal ko siya. Tumabingi ang mukha niya sa sampal ko. Naiiyak ako. Naiiyak na ko sa galit at sa sakit. “Ano’ng karapatan mo para sabihin sa’kin ‘yan? Wala kang alam. Hindi mo alam kung ano’ng nararamdaman ko! Kaya wala ni katiting kang karapatan para sabihin sa’kin ‘yan!” Lumandas ang luha sa aking pisngi at para naman siyang nahimasmasan nang tingnan ako. Hindi ko akalaing masasabi niya sa akin iyon. “Jam..” Humina ang boses niya. Umiling ako habang umiiyak. Tama na ‘to. Mas ayokong matali sa lalaking alam kong sasaktan lang ako. Pinal na ang desisyon ko. Hindi ako magpapakasal sa kanya. Kaya kong palakihin ang anak ko. Anak namin. “Ayokong magpakasal. Dahil hindi naman kita Mahal. Sorry.” Humakbang na ko palayo kay Dale. “Babawiin mo rin yang sinabi mo Jam. Babalik ka din sa’kin. Makukuha rin kita, kayo ng anak natin..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD