"Sumama ka na, Cc. Para makasama mo rin sina Marco at Jax," suhestiyon ni Beige sa akin. I really want to go with them. Pero paano kung hanapin ako ni Ares? Kahit na magpaalam ako sa kanya ay hindi naman siya papayag dahil may pinagkasunduan kami at nangako ako na susunod ako sa usapan. Sa dating lang ni Ares ay hindi siya iyong tao na sumisira ng pinag-usapan. And I should do the same. Wow. Am I starting to get more mature now? "Thanks for inviting me sis-in-law, but I can't come. Maybe next time. Para makapag-bonding rin kayo nila mommy," I answered her with a smile. "Sayang, ngayon mo lang rin makakasama sina Marco at Jax," ani kuya. I looked at Jax whom I'm carrying in my arms. Nakangiti siya sa akin. At bigla akong nakaramdam ng baby fever. I imagined myself having my own baby.