Nilapitan ko si Celeste at tumabi sa kanya. Both of us took a look at the guns set on the wall. May led lights ang gilid ng malaking lalagyan to make them look more aesthetic. I crossed my arms over my chest. “We’ll start with the guns,” wika ko. “Which one do you want to use first?” “What?! Akala ko physical training muna?!” she turned her head to me na may gulat sa kanyang ekspresyon. “Nakatingin ka na diyan sa mga baril kaya diyan na tayo magsisimula.” Ibinaling niyang muli ang kanyang atensyon sa mga baril at tila nag-iisip. “Okay. I’m going to use that one,” turo nito sa .44 magnum handgun. “Move aside,” wika ko. Tumabi naman siya. Binuksan ko ang salamin nito at saka ko dinampot iyong baril. I take a look at it first to check it. Humarap ako kay Celeste at inabot iyon sa kanya