Ares Montenegro Padabog na lumakad si Celeste palayo sa akin. I watched her go upstairs at padabog rin niyang sinara ang pinto ng kwarto niya. She’s crying. Tumayo ako sa stool na kinauupuan ko at nagsimulang lumakad papunta sa pinto ng bahay. Lumabas ako at dumiretso sa sports car ko. As I drive, tinawagan ko si Collin. Naka-bluetooth ang phone ko sa sasakyan. “Yes, brother,” bungad nito sa akin na hinihingal pa. Nadidinig ko ang mga putok ng bala sa kabilang linya. “Doing your assignment?” walang emosyon kong tanong habang nakapokus sa kalsada. “Mintis ako ng konti. Tapos na ‘to dapat kanina pa. Nalintikan ako ng mga tauhan ng ililigpit ko,” sagot ni Collin. “Give me ten minutes. Tapusin ko lang ‘to,” dagdag pa niya. “Meet me at Prisma bar,” sambit ko tsaka ko na pinatay ang taw