Part 17

1445 Words

“YOU ARE going to the party wearing that?” hindi napigilan ni Riki na sabihin ang pagkadisgusto pagkakita niya kay Ailyn. Tulad ng sinabi ni Jeremy ay dumating ang dalaga sa pad ni Riki dalawang oras bago ang party na pupuntahan nila sa gabing iyon. Sa isang sikat na hotel gaganapin iyon. Umangat ang isang kilay ni Ailyn at saka niyuko ang sarili. Pagkatapos ay tumingin uli kay Riki ang dalaga na para bang wala itong nakitang mali sa hitsura nito. “Bakit?” tanong ni Ailyn. Nalukot ang mukha ni Riki at pinasadahan uli ng tingin ang lady bodyguard niya. Oo nga at nakapormal si Ailyn. Pero puting polo, itim na blazer, at pormal na slacks ang suot ng dalaga. “Bow tie na lang ang kulang mukha ka nang waiter kaysa bodyguard. Sino ba ang ginagaya mo, si James Bond?” sarkastikong sabi ni Riki.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD