Part 14

1337 Words

Natutulog pa rin si Riki nang pumasok si Ailyn sa kuwarto niya pero sa pagkakataong iyon ay nakatihaya na ang binata. Mas malaya niyang nakikita ang mukha nito. Lalo tuloy nagmukhang anghel si Riki habang natutulog. Maingat na lumapit si Ailyn sa binata. Kailangan na niya itong gisingin pero may bahagi niya na tila ayaw gisingin si Riki at gusto lang titigan ang binata. Wala sa loob na lumuhod si Ailyn sa gilid ng kama para mas makita niya nang maayos ang mukha nito. “Parang ang bait mo kapag tulog ka,” hindi nakatiis na bulong niya kay Riki. Napaigtad si Ailyn nang kumilos at tumagilid paharap sa kanya ang binata. Tumabing sa mukha ni Riki ang ilang hibla ng buhok nito. Ilang segundo pa niya itong tinitigan. Hindi nakatiis ang mga kamay ni Ailyn na hindi hawiin ang buhok ni Riki. Daha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD