Part 20

2104 Words

“ANO’NG ginagawa ninyong dalawa diyan?” Napakurap si Ailyn at halos magkapanabay pa sila ni Riki na napalayo sa isa’t isa nang marinig nila ang tinig ni Jeremy. Nang lumingon sila sa panig ng pinto ay noon lamang niya naalalang hindi pala nila naisara iyon. Nakatayo na roon si Jeremy na kasalukuyang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Riki. “Nothing. Ano `yang hawak mo?” tanong ni Riki na iniba ang usapan. Itinaas ni Jeremy ang hawak nito. “Mga sulat mo na nakuha ko diyan sa mailbox mo. You really don’t bother looking at them yourself, do you? At may nakita akong pamilyar na sobre. Katulad ng sobre ng mga anonymous letter na natatanggap mo,” sabi ni Jeremy na tuluyan nang pumasok at isinara ang pinto. “Patingin,” mabilis na sabi ni Ailyn. Iniabot ni Jeremy sa kanya an

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD