Chapter 4

3415 Words
“DAMN IT!” Naiinis na napasandal si Caleb sa kanyang swivel chair at mariing ipinikit ang mga mata. But even with his eyes closed, he could still see the hurt in Gianna’s golden eyes and the sadness in her voice... Masyado siyang nagpadala sa galit na nararamdaman kaya hindi niya na napag-isipang maigi ang mga sinabi. “Heck!” Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha bago tuluyang dumilat. “Why is that woman so transparent?” Naiinis na muli niyang hinawi ang kurtina para muling silipin ang dalagang kasalukuyan pa ring nag-iisang nakaupo sa buhanginan. Bago pa niya tuluyang mamalayan ay tila may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang palabas ng library at pinuntahan ang dalaga. Nang makalapit na kay Gianna, malakas na tumikhim siya para agawin ang atensiyon nito. Para namang walang kagana-ganang nilingon siya ng dalaga. “What now?” Napalunok siya bago pinaglakbay ang tingin sa kabuuan nito. She still looked so heartbreakingly beautiful despite the gloom in her eyes. Ang nakapusod na alon-along buhok nito ay mabining isinasayaw-sayaw ng hangin na kapag nasisikatan ng araw ay lalong tumitingkad ang reddish-brown na kulay. Muli ay hubad sa make-up ang mala-anghel na mukha nito kahit alam niyang naisama ng secretary niya ang make-up set dahil ito pa mismo ang personal na pinabili niya ng mga gagamitin ni Gianna. Nang manatili siyang walang imik ay tumayo na ang dalaga at akmang iiwanan na siya nang maagap na pigilan niya ito sa braso. Pero sa pagkakataong iyon ay mas maingat na hinawakan niya ito. “Ano na naman ba ‘to, Caleb?” Bakas na ang kapaguran sa boses na tanong nito. Hindi niya na nagawang pigilin ang sarili. Mabilis na hinapit niya ito sa baywang at niyakap. “I’m sorry.” Mahina niyang sinabi. “Nabigla lang ako.” Sa una ay nagpumiglas si Gianna pero hindi niya ito binitiwan hanggang sa marahil ay hindi na nito kinaya. Unti-unti ay narinig niya ang paghikbi nito. Sandaling lumayo siya rito at maingat na pinahid ang mga luha nito. “You are required to forgive me, you know.” He softly said. “Because I rarely say sorry.” Bumakas ang pagkabigla sa anyo nito na bahagyang ikinangiti niya bago ito muling niyakap. Funny, he was comforting her but he felt like he was actually the one who was being comforted. Why do I have this feeling... this weird feeling that you wouldn’t be alone in this roller coaster ride of yours, Gianna?   “WE ARE TRYING our best, Mr. Montero. Pero pangungunahan ko na po kayo, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.” Hindi na nagawa pa ni Alaric na sumagot sa kabilang linya. Bigong pinutol niya na ang tawag at ibinulsa ang kanyang cell phone pagkatapos ay napasulyap sa kanyang relo. It has been five days, eleven hours and twenty-eight minutes since Caleb took away his life... his Gianna. Limang araw na siyang walang matinong tulog at kain mula nang walang kaabug-abog itong dukutin ng kakambal niya. Nag-hire na siya ng tatlong imbestigador para ipahanap ang dalawa pero wala pa rin silang lead hanggang ngayon. Dismayado pa siya dahil wala man lang siyang maiambag na clue sa pinagtataguan ni Caleb dahil halos isang buwan pa lang mula nang bumalik ito sa bansa. Wala siyang alam sa mga pinaggagawa nito.  He tried contacting some of Caleb’s friends that he knew but they, too, didn’t know that the latter was back in the country. Frustrated na napasuntok siya sa manibela na ilang ulit na ring nagsisilbing punching bag niya at piping saksi sa mga nararamdaman niya. For the past days, he tried to be as calm as possible when dealing with the people he invited in his wedding. Isa-isa niyang tinawagan at hiningan ng paumanhin ang mga ito nang sabihin niyang hindi na matutuloy ang kasal. Hindi niya na nga lang nagawang sagutin kung bakit. It was only his faith that he could take Gianna back and his dream to have a family with her once he found her were the only two things that kept him going every day. Hold on, sweetheart. Because I will. Naibulong niya bago siya bumaba na ng kotse at nilandas ang daan patungo sa orphanage na kinalakhan ng babaeng nagpakilala sa kanya ng salitang pagmamahal sa ikalawang pagkakataon sa buhay niya. Pinilit niyang ngumiti nang agad na salubungin siya ng mga bata roon na alam niyang miss na miss na rin ni Gianna. The woman couldn’t survive a day without seeing the kids... Mariin siyang napapikit. Kasabay niyon ay hinayaan niyang pumasok ang mga mapapait na ala-ala sa kanyang gunita na pinilit niyang isiksik sa pinakamalalim na bahagi ng puso niya sa nakalipas na mga taon... ang kanyang nakaraan na sinikap niyang takasan ngunit heto at minumulto siya ngayon sa pamamagitan ng sariling kapatid...   “BRO, ang sabi ng mga maids, dumating ka na raw? Nasa’n ka ba ngayon? Let’s talk, ang tagal din nating hindi nagkita.” “Bakit gano’n? Ang sakit pa rin?” Imbes ay isinagot ni Alaric sa kapatid na si Caleb na ilang segundo lang ang tanda sa kanya. Inisang-lagok niya lang ang natitirang alak sa bote bago niya ibinalik ang nahihilong paningin sa grocery kung saan kasalukuyang namimili si Erin. Muling umantak ang kalooban niya kasabay ng paghigpit nang pagkakahawak niya sa cell phone. “Sinubukan ko namang lumayo pero mahal ko talaga siya, Caleb. ‘Tapos, isang araw, malalaman ko na lang na ikakasal na kayo? Dumoble ang sakit, bro. I’ve never loved a woman this way, you know that.” “Umiinom ka ba?” Mapait siyang napangiti nang mabosesan ang pag-aalala sa boses ng kakambal. “Nasa’n ka? Pupuntahan kita.” Hindi siya nakasagot. Alam niyang wala siyang karapatang magtanim ng sama ng loob dahil sumingit lang naman siya kung tutuusin sa papaganda nang eksena ni Erin at ng kapatid niya. Dahil si Caleb talaga ang unang nakakita sa dalaga nang mataong parehong nagbakasyon ang mga ito sa Palawan kung saan nagkakilala ang dalawa. Caleb was already courting Erin when Alaric first met her in a hospital where he was working. He was instantly smitten by her morena beauty. May dinalaw itong estudyante nito roon na naaksidente kung saan siya mismo ang nag-asikaso. Napagkamalan pa nga siya ni Erin na si Caleb, noon niya lang nalamang nililigawan na pala ito ng kakambal niya. Sa kabila niyon, nanligaw pa rin si Alaric sa dalaga sa pangakong hindi sila magkakasamaan ng loob ng kakambal sino man sa kanila ang piliin nito. But between them, Caleb was the real charmer; the latter had a string of girlfriends back in their college days while Alaric had none. Nagseryoso siya sa Med school noon samantalang nilaro lang nito ang pag-aaral ng Business Management. Nagpursige pa rin siya sa panliligaw kay Erin pero sa huli, ang kakambal niya ang pinili nito. Tinanggap niya iyon kasabay ng pag-alis niya papuntang Spain para makalimot. Ginawa niyang umaga ang gabi sa pagtatrabaho. Halos isang taon rin siya doon at sa loob niyon, hindi nagkulang sa kanya ang kapatid. Palagi siya nitong tinatawagan at kung minsan ay binibisita. Hanggang sa isang araw, nakatanggap siya ng email rito na hinihiling na bumalik na muna siya sa sariling bansa dahil ikakasal na ito sa noon ay sineryoso na nitong si Erin. Sa pagbabalik ni Alaric sa Pilipinas, nilamon siya ng selos at inggit sa mga naka-frame na litrato sa bahay na ipinamana ng ama sa kanila ng kapatid. Kumuha lang siya ng ilang bote ng alak doon at kahit wala pang pahinga, umalis siya uli at nagrenta ng sasakyan para lang masilip si Erin kahit mula sa malayo. Matiyaga siyang nag-abang sa tapat ng apartment nito. Muli niyang naramdaman ang pagkabuhay ng puso niya nang lumabas ang dalaga at nagtungo sa grocery kung saan siya muling nag-aabang habang nagpapakalunod sa alak. He heard Caleb sighed. “I’m sorry, bro. I knew it was selfish of me to ask you to come home but you’re the only family I have left, Ric. Kailangan ko ng presence mo sa kasal ko. Pag-usapan natin ‘to nang maayos.” Gaya kanina, hindi niya nakuhang sumagot. Pinindot niya na ang end button nang masilip niyang lumabas na si Erin at lumapit sa kotse nito. Muli siyang nagbukas ng bote ng alak. Nang paandarin na nito ang sasakyan, sumunod siya habang ang isang kamay ay hawak ang alak at tinutungga. Hindi niya alam kung anong klase ng masamang ispiritu ang sumapi sa kanya para mag-overtake at harangin ang kotse ni Erin nang makarating na sila pareho sa madilim na bahagi ng kalsada kung saan wala halos nagdaraang sasakyan. Sa kabila ng kalasingan ay malinaw niyang narinig ang sunud-sunod na pagbusina nito hanggang sa tila mapagod na at bumaba ng sasakyan. Bumaba rin siya. Tanging headlights lang ng mga kotse nila ang nagmistulang liwanag nila. Sinalubong niya ito sa gitna. Bakas ang pagkabiglang rumehistro sa magandang mukha nito nang sa wakas ay makilala siya. “Ric, ikaw pala. Hindi ko alam na nakabalik ka na pala.” Bahagyang nanginginig ang boses na sinabi ni Erin. “Matagal na rin kitang gustong makausap. Caleb’s so worried about you. Pero kung mag-uusap tayo, ‘wag dito saka ‘wag ngayon. Bukas na lang.” Tumalikod na ito sa kanya pero napatili ito nang bigla niyang hatakin sa braso at kabigin sa baywang dahilan para humagis sa kung saan ang susi ng kotseng hawak nito. “Ric, ano bang problema mo?”     MAHIGPIT na niyakap niya si Erin. “Mahal na mahal kita. Akin ka na lang, please? At pangako, hinding-hindi ka magsisisi. ‘Yung mga ibinigay sa ‘yo ng kapatid ko, kaya kong tumbasan lahat ‘yon o higitan pa nga.” Imbes ay sagot niya bago ito kinuyumos ng halik sa mga labi. Malakas na itinulak siya nito at dahil may tama na ng alak ay muntik na siyang mabuwal. Lumapit si Erin sa kanya at ubod-lakas na sinampal siya. “My God, Alaric, ikakasal na kami ng kakambal mo! Irespeto mo naman ako! Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa ’yo na hindi ako ang babaeng para sa ’yo? Makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa ’yo pero hindi ako ‘yon kaya tantanan mo na ‘ko!”  Galit na sinabi nito bago muling tumalikod sa kanya at pinilit hagilapin ang tumilapong susi. Pero mapilit si Alaric nang gabing iyon. Muli niyang kinabig si Erin at mariing hinagkan sa mga labi. Pinilit niyang buksan ang butones ng blouse nito pero dala marahil nang kalasingan ay bahagyang nagdodoble ang paningin niya. Natigilan siya nang may tumulong luha sa mga kamay niya. Pag-angat niya ng mukha, nakita niyang lumuluha ito... lumuluha ang kanyang si Erin. “Erin, I-“ Nang marahil mapansin nitong natigilan siya, malakas na tinuhod siya nito sa maselang bahagi ng kanyang katawan pagkatapos ay mabilis na nagtatakbo ito palayo. Tuluyang naglaho ang kalasingan niya. Iika-ika pang humabol siya rito para humingi ng tawad. “Erin! I’m sorry! Please stop running! I will never do it again, I promise!” Pero sa tindi ng takot sa kanya, hindi ito nakinig. Imbes ay mas lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo. “Stop please! I’m so sorry! Bumalik ka na, ihahatid na kita sa inyo!” Sandaling huminto si Alaric dahil muli siyang nakaramdam ng pagkahilo. Tinapik-tapik niya ang noo bago muling tumakbo. Hanggang sa makatanaw sila pareho ng isang paparating na sasakyan. Nabigla siya nang humarang ang dalaga sa gitna at kumaway-kaway habang humihingi ng tulong. Hindi niya inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Dahil hindi huminto ang kotse. Sa halip ay nagdere-diretso ito habang humahagibis ang takbo. Sa isang iglap ay para siyang naparalisa nang makita niyang humagis ang katawan ni Erin samantalang bumangga naman sa kanyang sasakyan ang naturang kotse. Sinubukan ni Alaric na isugod sa pinakamalapit na ospital si Erin. Pagdating niya doon ay idineklarang dead on arrival ang dalaga. Nanginginig ang mga kalamnang naupo siya sa sementadong hagdan sa labas ng ospital habang hinihintay ang pagdating ng tinawagan niyang si Caleb habang nasa daan siya kanina. Nang makita niya ang humahangos na kapatid ay tumulo na ang mga luha niya. “Where is she?” Agad na sinabi nito, halos pasigaw na. Nag-iwas siya ng tingin. Kinuwelyuhan siya nito. “Ano, magsalita ka! Nasaan siya? Ano’ng nangyari? Bakit kayo magkasamang dalawa?” “I’m sorry... I’m so sorry.” Nang bitiwan siya ng kakambal ay napaluhod siya. “H-hindi ko sinasadya, maniwala ka. Nadala lang ako.” “Hell!” He heard Caleb muttered before he ran inside the hospital. Pero nanatili siyang nakaluhod lang sa semento at lumuluha. Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. God, what had he done? Ilang minuto lang ang lumipas nang maramdaman niyang may sumipa sa kanya. Pero hindi siya gumanti. Wala siyang lakas. At isa pa, sa laki ng kasalanan niya, wala siyang karapatang gumanti. “Damn you, Ric! What the hell did you do?!” Sinuntok siya ni Caleb nang paulit-ulit pero manhid na ang pakiramdam niya. Sa nanginginig na boses ay nangumpisal siya rito. “I’m sorry; I just love her so much I’ve lost control.” Nanghihinang napaupo rin si Caleb kasabay nang pagtulo ng mga luha nito. Nag-init lalo ang mga mata niya nang marinig ang malakas na pagtangis nito. “We don’t... hurt the ones we love, Ric.” Sinabi nito makalipas ang mahabang sandali. “I’m so sorry. S-susuko ako, pangako.” “Did you know... that she was seven weeks pregnant?” Imbes ay sagot nito. Napayuko siya. Sinabi na iyon sa kanya ng doktor. “You took everything from me, Ric. You took my family, you took my life.” Kumuyom ang mga kamay nito kasabay ng pagtayo. “Hindi... hindi kita kayang ipakulong. Masyadong magaan ang kaparusahan na ‘yon.” Tumayo na si Caleb at iniwan siya. Nilinis nito ang pangalan niya sa mga pulis. Ang siyang nadiin ay ang driver ng sasakyan na noong gabing iyon ay nagkataong high sa drugs. Tahimik lang sa buong duration ng burol ni Erin ang kapatid. Mag-isa na lang sa buhay ang dalaga dahil namatay na pareho ang mga magulang nito sa isang car accident kaya si Caleb ang solong nag-asikaso ng lahat. Nang matapos ang libing ay umalis ito ng bansa pero nag-iwan ng mga salitang hindi niya kailanman malilimutan. “Pagsisisihan mo ‘to, Ric. I swear.” Caleb said as his eyes burned with pain and anger. “I will make you pay for this.”   “TITO Ric, bakit hindi mo pa rin kasama si tita Gianna?” Saka lang nabalik sa kasalukuyan ang isip ni Alaric nang marinig ang inosenteng ptanong na iyon sa kanya ng pitong taon na si Gabriel, ang pinakapaborito ni Gianna sa lahat ng mga batang tinutulungan nito roon. Malungkot siyang napangiti bago kinarga ang bata. “Because Gianna and I are going through the greatest challenge in our relationship, Gabby. Pero babalik rin siya kapag nalagpasan niya ang pagsubok na ‘yon.” Nagsalubong ang mga maninipis na kilay nito. “Ano pong ibig n’yong sabihin, tito Ric?” “Wala naman.” Nagkibit-balikat si Alaric kasabay nang muling pagsisikip ng dibdib niya. “It’s just that I’m sure I can survive the challenge... hopefully, she does, too.”   NANIBAGO SI GIANNA nang hindi makita ang pamilyar na ngiti sa mga labi ni Manang Rosing nang madatnan niya ito sa kusina isang gabi. Sa halip ay tila matamlay pa ang matanda habang inilalabas isa-isa ang mga sangkap para sa lulutuin nito. Sa loob ng mahigit isang linggong pananatili niya sa mansiyon, hindi na siya sanay na hindi nakikita ang masayahing ngiti ng ginang na madalas ay nagpapaalala sa kanya sa namayapang nanay-nanayan niya. Kapag nakikita niya si Manang Rosing, kahit paano ay naiibsan ang kalungkutang nadarama niya kaya naman ayaw niyang nagkakaganoon ito. “Ano’ng problema, Manang? Bakit absent po yata ang ngiti n’yo ngayon?” Nagulat siya nang sa halip na sumagot ay lumapit ito sa kanya at maluha-luhang niyakap siya. Tinapik-tapik niya ang likod nito. “You can always tell me about it, Manang.” “P-pinabasa sa ’kin ni Sir Caleb ang text message ng asawa ko kani-kanina l-lang.” Napipilan siya. Alam niya kasing dahil sa kanya kaya nakumpiska ang cell phone nito pero hindi man lang siya nakatikim ng paninisi rito. “N-nasa ospital daw ngayon ang anak kong si Martha. Agaw-buhay sa panganganak. Sinubukan kong magpaalam kay Sir pero hindi niya ako pinayagan. M-magpapadala na lang daw siya ng pera sa pamilya ko.” Bumuntong-hininga si Gianna pagkatapos ay inilayo ang sarili sa ginang at pinunasan ang mga luha nito. “Go to your daughter, Manang. Ako nang bahalang magpaliwanag sa Boss n’yo. Tutulungan ko kayong makadiskarte sa mga gwardya sa labas.” Dumaan ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Manang Rosing at naiintindihan niya iyon. Dahil dadaigin pa ng amo nito ang panahon sa pagiging unpredictable. Ilang araw na ang lumipas mula nang humingi si Caleb ng tawad sa kanya. Wala naman siyang masasabing nagbago rito pero bahagyang naging mahinahon ito, dahilan para kahit paano ay makasilip siya ng konting pag-asa na posible pa itong magbago. Because she knew how hard it was for him to lower down his pride and admit he was wrong yet, he did. Caleb was on a jerk mode most of the times. Naiinis pa rin siya sa mga hindi niya mapaniwalaang pilosopiya nito sa buhay, nasasaktan pa rin siya sa tuwing iniinsulto nito ang relasyon niya sa kapatid nito at hindi niya pa rin masakyan ang pabago-bagong ugali nito pero sinisikap niya na itong intindihin ngayon lalo na kapag naaalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Manang Rosing noong ikatlong gabi niya sa teritoryo ni Caleb at nadatnan siya ng ginang na nag-iisa sa veranda. “Barumbado si Sir, ineng. Galit sa mundo, matigas ang ulo, nakakairita at madalas, wala talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.” Bahagyang napangiti si Gianna nang maalala ang magkaka-ryhme pang sinabi nito. “Pero sino ba naman tayo para manghusga kung bakit nagkakaganyan siya? Wala naman sa ’tin ang nakakaalam kung ano ang pinagdaraanan niya.” Nang gabing iyon, pakiramdam ni Gianna ay dinali siya ng konsensiya niya dahil hindi niya man lang sinubukang intindihin ang pinanggagalingan ni Caleb. She just focused on her anger when her dream wedding didn’t happen, completely disregarding the man’s feelings and his reasons for avenging. She still couldn’t understand him-and she wouldn’t-unless he confessed but who was she to judge when she was abandoned by her own parents? Pero tinanggap siya ni Alaric nang buong-buo, bakit hindi niya iyon subukang gawin sa kapatid nito kahit gaano kaimposible pa iyong maituturing? Pero sa sulok na bahagi ng puso niya, nagsisimula na siyang magduda kung bakit walang nabanggit ang kanyang fiancé noon. Ano’ng nangyari, Ric? Why does your brother hate you so much? “Paano ako makakaalis?” mayamaya ay nag-aalalang tanong ni Manang Rosing. She smiled reassuringly. “Ako na po ang bahala.” “Paano ang mga kakainin n’yo habang wala ako?” Sumemplang ang pag-ngiti niya. “Diyos na ho ang bahala.”   “WHERE IS MANANG ROSING?” Napaigtad si Gianna mula sa paghahalungkat sa cupboard ng marinig ang boses ni Caleb. Mula sa silyang kinatutungtungan niya ay sinilip niya ang lalaki. Salubong ang mga makakapal na kilay nito habang nakatingala sa kanya. Mabuti na lang at nakaalis na si Manang bago pa man ito lumabas ng kwarto nito. “Pinauwi ko muna para mabantayan ang anak niya.” “What?!” Bahagyang tumaas ang boses nito. “Hinayaan siya ng mga gwardya?” “Wala silang alam, okay? Walang dinala si Manang maliban sa wallet niya nang umalis siya. Ang paalam namin sa gwardya ay may nakalimutan lang siyang bilhin sa grocery.” Napakagat-labi siya. “Ano’ng oras ‘yon?” “Twelve to fifteen minutes ago.” Namangha si Gianna nang sa isang iglap ay naglaho na si Caleb sa kanyang paningin. Mabilis na sinundan niya ito. Naabutan niya ito sa front door habang nagsusuot ng jacket. “I don’t care whatever her reasons are, Gianna. Susundan ko pa rin siya at ibabalik rito.” Matigas na sinabi nito nang maramdaman ang presensya niya sa likod nito. “Binabayaran ko siya para-“ Nakikiusap na pinigilan niya ang lalaki sa braso. “Namatayan ng lalaking anak si Manang Rosing ilang taon na ang nakararaan kaya si Martha na lang ang meron sila ng asawa niya ngayon. And right now, the woman’s in labor pain, you know that. Kaya tinulungan ko siyang makaalis.” “Dammit! How can the guards be so foolish-“ “See? Si Manang pa lang ang nawala, ganyan ka na makapag-react. Paano pa kaya ako na bigla na lang naglaho on my supposed-to-be wedding?” Hindi nakapagpigil na sinabi niya. “Malamang, mas matindi ang reaction ng mga naiwanan ko.” Ilang segundong tila naumid ang dila ni Caleb. “All right,” Marahas na napabuga ito ng hangin nang makabawi. “Pero paano tayo ngayon? Nganga?” “Of course not.” Mabilis na sagot niya. “I’ll cook.” Umarko ang isang kilay ng binata. “You will?” “Yup. Three minutes lang ‘to.” Aniya bago nagmamadaling bumalik sa kusina. Napangiti siya nang sa wakas ay makita ang hinahanap sa cupboard. Mabuti na lang at naalala ni Manang Rosing na mag-stock ng ganoon roon. Inilabas niya ang mga iyon at inilapag sa lamesa, tiyempo namang pagkasunod sa kanya ni Caleb ay nakita nito ang mga iyon. “Cup noodles? Really?” Tila hindi makapaniwalang naibulalas nito. Sandaling napayuko siya. “Fine, I suck at cooking department. But don’t worry, marami namang flavors ang mga ito. May beef, batchoy, sotanghon at sea food. At least, makakapamili ka.” Alanganing sinabi niya bago itinaas ang mga cup noodles. “So, alin dito ang gusto mong lagyan ko ng hot water?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD