Chapter 5

2418 Words
“I CAN’T BELIEVE I’m being mistreated in my own place.” Makulimlim ang mukhang sinabi ni Caleb bago nito tinikman ang noodles sa harap nito na isinalin pa ni Gianna sa mangkok. “Bakit? Masarap naman, ah.” Defensive na sagot niya saka nagpatuloy sa maganang pagkain. Na-miss niya rin kumain nang ganoon. Mula kasi nang maging boyfriend niya si Alaric ay pinatigil na siya nito sa pag-stock ng mga iyon sa apartment niya. Palagi na lang siya nitong pinadadalhan ng pagkain mula sa iba’t ibang restaurant. Kapag may free time naman ay ito mismo ang nagluluto para sa kanya. Because he knew very well how much she loved cooking and how much cooking hated her. Nahinto sa paglalakbay ang isip ni Gianna nang malakas na ibinagsak ni Caleb ang mangkok nito. Pagtingin niya roon, wala na iyong laman. “Kailan babalik si Manang?” “After two to three days.” “What? Ibig sabihin gano’n katagal pa ‘ko magtitiis?” Akmang sasagot pa lang siya nang padarag na tumayo na si Caleb. “Nevermind, I’ll just get myself busy in the library. Heck, I can’t believe I’m being deprived of food in my own territory!” Napailing siya nang lumabas ito ng dining area. He complained a lot but he ate nevertheless. In fact, he was able to finished two cup noodles. “Kung mahal ka talaga ng isang lalaki, kakainin niya ano man ang ihain mo.” Naalala niyang minsan ay sinabi sa kanya ng mother Annita niya matapos niyang magreklamo ritong palaging sablay ang mga niluluto niya. “Oo, magrereklamo siya pero natural lang iyon sa lalaki dahil malaki ang inaasahan nila pagdating sa cooking expertise ng mga babae. But at the end of the day, he will see to it that he will finish the food because it’s you who serve that regardless of its taste.” “Kahit po cup noodles?” “Kahit cup noodles.” Nangingiting pagsang-ayon nito. Bigla, sumagi sa isip niya si Alaric. Ni minsan, hindi niya ito napakain ng ganoon. Samantalang ang kakambal nito, marami mang reklamo, kumain pa rin. Naipilig niya ang ulo. “Ano ba’ng iniisip ko? Siyempre, kakainin ‘yon ni Caleb, wala siyang choice. Hindi rin naman siya marunong magluto.” Malakas na pagdiriin niya. “And Alaric loves me. Perhaps, he just didn’t want to eat cup noodles with me. That’s normal. He’s a doctor, after all.”   “JUST LEAVE THEM there, Gianna.” Inignora ni Gianna ang mga sinabi ni Caleb nang muli itong pumasok sa kusina. Nagpatuloy siya sa pagsasabon ng mga pinagkainan nila. Magbabanlaw na sana siya nang tila naiinis nang hinawakan siya ng binata sa braso. Nakakunot na naman ang noo ni Caleb nang lingunin niya ito. “Bakit ba hindi ka nakikinig sa ’kin? Ang sabi ko, iwanan mo na lang ang mga ‘yan dyan.” Tumaas ang isang kilay ni Gianna. “At ano? Ipapahugas mo ‘to sa mga gwardya sa labas? Para ano pa at nandito ‘ko?” Hinatak niya ang braso. “Saka para ito lang? ‘Sus. I’ve been doing this for ages.” “Heck,” Nasorpresa siya nang walang sabi-sabing itinupi ni Caleb ang mga manggas ng long sleeved shirt nito hanggang siko at tumabi sa kanya. Hinugasan ng binata ang mga kamay niyang sagana pa sa bula bago ito naglabas ng malinis na towel sa drawer roon at pinunasan ang mga kamay niya. Napamaang siya. “Ano’ng ginagawa mo?” “Shut up.” Bruskong sagot ni Caleb. “You may be trapped but that doesn’t make you a maid here. Just go to your room and plan our meal tomorrow. I’ll deal with this.” Nang manatili siyang nakatulalang nakatitig rito, bahagyang itinulak na siya nito sa mga balikat. “Go.” “A-all right.” Natitigilan pa ring sagot niya at lalabas na sana nang tawagin siya ni Caleb. “And Gianna? When I asked you to plan our meal, I’m referring to a decent one.” Napayuko siya. “Pero hindi talaga ako marunong magluto.” “Hell!” Marahas na naibulong nito pero nakaabot pa rin sa pandinig niya. “Sino’ng nagsabing si Alaric lang ang nagsa-suffer ngayon? Ako rin.” Nag-init ang mga pisngi niya. Naiinis na lalabas na lang sana siya ng kusina nang muli na namang tawagin siya ni Caleb. Salubong ang mga kilay na humarap siya rito. “Ano na naman?” “I... I lived in California for a couple of years. Sanay ako sa mga ganitong gawain.” “At?” “Wala naman.” Nag-iwas ito ng tingin. “Gusto ko lang malaman mong hindi ko ‘to ginagawa para sa ’yo.” Hindi man niya nakikita ang sarili, alam niyang lalong namula ang kanyang mga pisngi. Bago pa siya pangunahan ng bibig at kung ano na naman ang masabi ay nagmamadaling umalis na siya ng kusina. Padarag na isinara niya ang pinto pagdating niya sa inookupang kwarto at pabagsak na nahiga sa kama. “Siyempre, hindi mo naman talaga ‘yon ginagawa para sa ’kin... pero hindi mo naman na kailangang sabihin pa ‘yon.” Nadidismayang bulong niya. Ilang ulit siyang napabuga ng hangin pero naroon pa rin ang hindi maintindihang bigat na nararamdaman niya.   IS IT JUST MY NOSE o wala talaga akong naaamoy na sunog ngayong umaga? Nagtaka si Caleb nang wala ang kadalasang natatarantang si Gianna sa kusina pagbungad niya roon isang umaga. Wala ring bakas na nanggaling na ito roon. Napasulyap siya sa kanyang relo. Pasado alas-sais na. Kapag ganoong oras, kadalasan ay ipinagtitimpla na siya ni Gianna ng kape tulad ng nakagawian ni Manang Rosing. “Damn. Pati kape, instant.” Napailing siya nang maalala ang pagmamalaki sa magandang mukha nito noong unang beses na ipinaghanda siya ng kape. Three-in-one daw iyon kaya ready-to-drink na kapag nalapatan ng mainit na tubig. Limang araw na siya nitong pinupurga sa mga inihahanda nito dahil na-extend pa ang pagliban ni Manang. Tinawagan niya ang asawa ng ginang noong nakaraang araw at nalaman niyang nasa ICU pa rin daw ang anak ng mga ito. Ilang beses ring sinubukan ni Gianna na magluto pero pare-parehong sunog ang mga iyon. Masakit na sa matang tingnan ay masakit pa sa sikmura. Napangisi si Caleb nang maalala ang kauna-unahang beses na sinubukan nitong magluto ng pananghalian nila. “Nagluto si Gianna. Call the guards. We will eat together.” Pormal niyang sinabi sa isang tauhan niya nang papuntahin niya ito sa library isang tanghali. Natuwa ito. “Talaga, sir? Mabuti naman ho at nang makatikim kami ng masarap-sarap na putahe. Puro kasi prito ang alam lutuin ni Bart.” tukoy nito sa kapwa nito gwardya na nakatoka sa kinakain ng mga ito. Lihim siyang napangiti nang tila may pakpak ang mga paang umalis ito para tawagin ang pito pang kasamahan. “Sama-sama tayo sa hirap at ginhawa.” Naibulong niya. Pare-parehong natigilan ang walo pagbungad sa dining area. Sumalubong sa pagpasok nila ang mukha at amoy sunog na fried rice at chicken ni Gianna. Samantalang tila naman sinigang ang iginigiit nitong chicken curry sa dami ng sabaw na nailagay nito. “P-pasensya na. Sinubukan ko naman pero ‘yan lang talaga ang nakayanan ko.” Mangiyak-ngiyak na sinabi ng dalaga nang marahil ay mapansin ang expression nila. He sighed. Kung tutuosin, wala dapat si Gianna sa ganoong posisyon kung hindi dahil sa pagiging matulungin nito. Kaya niya naman sanang kumuha ng tagaluto nila, ang problema ay wala siyang makuhang ibang mapagkakatiwalaan maliban kay Manang Rosing na minsang binigo pa siya sa pagpapahiram ng cellphone kay Gianna. But the woman was trying her best to fill in the old woman’s duty and he would be the world’s greatest fool if he would ignore all her efforts. “It’s alright, Gianna. Let’s just... eat.” Sinabi niya pagkalipas nang mahabang sandali. Nauna na siyang naupo sa twelve-seater dining table. Bakas ang matinding frustration sa magandang mukha ng dalaga nang mapatingin sa mga gwardyang kasalukuyan pa ring nakatayo nang mga sandaling iyon. Malakas na napatikhim siya. “Don’t mind them. They will eat with us. Right, men?” Isa-isa niyang tinitigan ang mga ito. “P-pero Boss, may... may ulam pa ho y-yata kami-“Ani Bart. “Kahit na.” Maawtoridad na sagot niya. “Ayoko namang isipin n’yong sinosolo ko ang luto ni Gianna.” Pinaningkitan niya ng mga mata ang mga gwardiya bago halos sabay-sabay na naupo ang mga ito sa tapat niya. When he saw Gianna smiled with relief, it was as if he did the rightest thing in the world but the worst thing for their stomachs. Because since then, he never saw the guards approach his mansion anymore...     CALEB fondly smiled upon the thought. Nang hindi pa rin bumaba si Gianna, sinadya niya na ito sa kwarto nito. Sunud-sunod na kumatok siya. Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang namumutlang anyo ng dalaga. Ayaw man niya ay tinablan pa rin siya ng pag-aalala, responsibilidad niya pa rin ito dahil sa kanya ito nakatira. Mabilis na lumapit siya kay Gianna at kinapa ang noo nito. Hindi naman ito mainit. “Ano’ng problema?” “Wala.” Matamlay na sagot nito bago nanghihinang bumalik sa pagkakahiga sa kama. Nagtatakang napasunod siya rito. “Ganito lang talaga ako ‘pag meron ako.” Kumunot ang noo niya. “Bakit, ano bang meron sa ’yo?” Namula ang mga pisngi ni Gianna. Iniba nito ang puwesto ng higa nito, patalikod sa kanya. “Basta. ‘Wag ka nang magtanong.” Nauubusan na ng pasensiyang napabuga si Caleb ng hangin. He was never a patient man. “Fine. Either you tell me what’s going on or I won’t leave this room. It’s up to you.” “Nakakainis ka na.” nanggigigil na bumangon ito at humarap sa kanya. “May menstruation ako. There, ‘happy now?” Napanganga siya.   ILANG SANDALING tila manghang nakatitig lang si Caleb kay Gianna bago niya narinig na tumawa ang binata habang siya naman ay pansamantalang nakaligtaan ang p*******t ng puson. Iyon ang kauna-unahang tawang narinig niya mula rito. Buong-buo iyon at masarap... pakinggan. Wala itong dimples tulad ni Alaric na higit na kapansin-pansin kapag tumatawa ang huli pero kaiga-igayang pagmasdan ang luntiang mga mata nito. Because his eyes shines when he laughs. Looking at him now, her heart almost melted. Natigil lang sa paglalakbay ang isip ni Gianna nang muli niyang maramdaman ang pagkirot ng sikmura. Napapangiwing bumalik siya sa pagkakahiga. Nahinto na rin si Caleb sa pagtawa nang mapansin ang discomfort na nararamdaman niya. Kahit paano, nagpapasalamat siyang naisama ang sanitary pads sa paper bags na ibinigay nito sa kanya noon. Muli niyang naramdaman ang pamumula ng mga pisngi. Malakas na tumikhim si Caleb pero hindi pa rin nawawala ang amusement sa mga mata nito. “’Looks like you’ll need an extra bedsheet. Bukod do’n, may kakailanganin ka pa ba?” “Just something hot.” Pilyong napangiti ito. Naiinis na binato niya ito ng nadampot na unan. “I’m referring about the food, Caleb.” Nasorpresiya siya nang unti-unti nitong kalasin ang mga butones ng polo nito dahilan para masilip niya ang malalapad na balikat at dibdib nito at ang mga pandesal nito sa tiyan. Napalunok siya. “A-ano’ng ginagawa mo?” Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Caleb. “Well, I’m hot. And I can’t cook so just eat me instead.” Umangat ang sulok ng mga labi nito nang hapitin niya ang kumot paitaas sa leeg niya. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang binata. Tuluyan nang nahubad nito ang damit, revealing his perfectly tanned skin. Tila walang anumang nahiga ito sa tabi niya sa kama dahilan para maamoy niya ang suwabeng pabango nito. Naipilig niya ang ulo nang nang-aakit na titigan siya nito. “Oh, ano pang hinihintay mo? Eat me now... whichever way you want. Hindi ako magrereklamo, pangako.” Marahas na napabuga si Gianna ng hangin. Kahit nanghihina pa, sinikap niyang bumangon at tumayo. “Nevermind, I guess I’ll just settle for-“ “Your favorite cup noodles? Oh, come on, Gianna. I’m better and hotter... and you damn well know that.” Naningkit ang mga mata niya. “How can you be a jerk and a flirt at the same time?” Kinindatan siya nito. “That’s just one of my many wonderful abilities.”   “GIANNA, open the door. Dinalhan kita ng extra bedsheet.” Sunod-sunod na pagkatok ang ginawa ni Caleb sa kwarto ni Giana. “Come on, palitan mo na ang ginagamit mo. You can’t scatter blood in there. I bought that from Paris.” Nakangisi nang sinabi niya. Pero nang wala pa ring sumagot mula sa loob ay napilitan na siyang ilabas ang duplicate key niya. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang tulog na tulog na anyo ng dalaga. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Wala pang isang oras ng umakyat si Gianna sa kwarto nito matapos nitong malamnan ang sikmura. Pinapunta niya na lang doon si Bart para magpahanda ng expertise nitong pinirito para makapag-almusal sila. Pagkatapos ay ang dalaga pa rin ang nagboluntaryong maghugas ng mga pinagkainan nila. Caleb sighed. Sa mahigit dalawang linggong nakasama niya si Gianna, naintindihan niya na kung bakit napamahal rito ang kapatid niya. She was not just a lovely being. She was compassionate and smart. Tinulungan nito ang matandang ni hindi nito kakilala. Sinisikap nitong magluto at maglinis ng bahay kahit hindi naman kailangan. And then there were those nights... when he would wake up and find her alone by the seashore. He could tell that she was missing the people she left behind. At sa bawat pagkakataong iyon, wala siyang magawa kung hindi ang talikuran si Gianna dahil hindi niya rin naman ito matutulungan maliban na lang kung magising siya isang araw at hindi na ito si Gianna Rodriguez, ang babaeng pinakamamahal ng kapatid niya. Naupo siya sa tabi ng dalaga at maingat na pinaglandas ang mga daliri sa buong mukha nito. ”I’m sorry I just can’t take you back. If I do that, Alaric would try to marry you again and I can’t give him his happy-ever-after, Gianna. I just can’t... when he’s the reason why I lost mine.” Napahugot siya nang malalim na hininga. Itinaas niya ang kumot ni Gianna hanggang balikat nito pagkatapos ay tumayo na. Inilapag niya na lang sa tabi nito ang dalang bedsheet. Akmang lalabas na siya ng kwarto nang marinig ang inaantok pang boses nito. “Minsan, try mo naman akong patulugin sa sala. Parang mas may privacy pa ‘ko ro’n kesa rito.” Masungit agad na pagbirada nito. So the woman has temper whenever the red flag is up. He smiled to himself. “Dinalhan lang kita ng extra bedsheet.” Natawa siya nang mag-blush si Gianna kasabay nang paniningkit ng mga mata nito. “Maraming salamat, makakaalis ka na.” Pumalatak siya. “For a collateral damage, you sure are demanding.” Nanlalaki ang mga matang bumangon ang dalaga at itinuro siya. “I-ikaw? Ikaw si... Caleb the jerk? ‘Yong tumawag sa ’kin sa radio station noon? Geez, bakit ba hindi ko nahalata kaagad ‘yon? You’re the one with that creepy voice!” Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. “How can you say that? Girls love my voice. They say it’s sexy.” “It’s creepy.” Pagdiriin nito. “Bahala ka na nga.” Nagkibit-balikat siya. “Basta ang mahalaga, gwapo ako.” Magsasalita pa sana si Gianna nang bulabugin sila pareho ng pag-ring ng cellphone niya. Paalis na sana siya para sagutin iyon nang muli niya itong lingunin. “By the way, just so you know, you still look beautiful even in menstruation.” Muling nagkulay-makopa ang mga pisngi nito. Nangingiting sinaluduhan niya ito bago siya tuluyang lumabas ng kwarto at sinagot ang tawag ni Evan. “So, how’s Gianna?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD