“HINDI pa raw ho siya nagugutom, Sir. Iyong baso lang po ng gatas ang kinuha.” Naiinis na napabuga ng hangin si Caleb bago ibinaba ang pinag-aaralang hotel reports na ipinadala sa kanya via mail ng kaibigang si Evan ilang oras pa lang ang nakalilipas. Sumasakit ang ulong hinilot-hilot niya iyon. Noong nagdaang gabi pa siya walang matinong tulog. Parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Gianna. He tried working out in the middle of the night, he even drank few bottles of beer but he still couldn’t rest his mind and sleep. His mind kept coming back to Gianna’s soft lips, to that divine feeling brought by her mere touch and to that... one silly kiss that made him go nuts. Hell. “Nasaan na siya ngayon?” “Nasa veranda po.” He groaned.