Lorenz's point of view
Flashbacks in 4 years
Pinagaayos ko lahat ng mga papeles at dokumento na nakakalat sa sahig dahil sa inis ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nagwala ako dahil hindi ko matanggap na wala na ang taong pinag kakatiwalaan ko. Nawala ng ganoon na lamang.
At hindi ako makakapayag na ganoon na lamang sila mawala. Ipaghihiganti ko sila para na din kasing tatay ang turing ko kay Tito Ryan at turing ko naman na nanay si Tita Hannah kaya ganoon ako kagalit kanina ng ibalita sa akin ng isang kasamahan ko dito sa trabaho na 'to.
"They're getting on my nerves, that group. That mafia boss!"sigaw ko at padabog kong nilapag lahat ng librong nakakalat sa sahig sa may lamesa ko at napasapo ako sa ulo ko dahil sa madami kong iniisip, siguro kailangan ko nang pumunta sa Philippines para hanapin ang babaeng 'yon.
Ang anak nila Tito Ryan at Tita Hannah ang unica ija nila. Binilin kasi saakin ni Tito na alagaan ko ang babaeng 'yon dahil may pag ka isip bata daw at makulit daw masyado kaya samahan ko daw 'yon araw araw pero paano kung mag bago ang babaeng 'yon pag nalaman niyang wala na ang mga magulang niya?
Will she be a good girl or a bad girl now?
"Bossing all the employers wants to see you"sabi ng isang secretary ko kaya naman sinabi ko sa kanya na papasukin silang lahat. Kaunti lang naman ang mga empleyado ko dito dahil alam nilang lahat na isa akong mafia boss at isa akong mamamatay tao.
"What's all about this sir?!"
"Why are you leaving all this work to us?!"
"Sir you don't need to leave this company! Please!"sabi ng mga empleyado ko kaya naman napahawak ako sa sentido ko at sinampal ko ang table ko at tumingin sa kanila ng masama kaya naman napahinto silang lahat sa kakadaldal nila.
"Will you all stop murmuring infront of me?! Can't you f*****g see that i'm angered because my special someone died!?"sigaw ko at nanahimik silang lahat dahil hindi nila alam ang nangyayari sa buhay ko. Hindi nila alam kung gaano ako kagalit ngayon, kung gaano ko gustong pumunta sa Philippines ngayon.
"Who will be incharge on your work sir?"tanong ng babaeng empleyado ko at agad ko naman kinuha ang document na lahat sila aalis na dito sa trabahong 'to at ibibigay ko lahat sila sa iba't ibang trabaho. Babalik lang sila dito pag okay na ang lahat.
"This will be a chance to get you all to work. it's the simplest way so don't get angry with me forever"sabi ko sa kanila at agad akong lumabas na nang opisina ko at hindi na ulit ako lumingon ng makalabas na ako ng tuluyan sa kompanya ay agad na pinagbuksan ng pinto ng van isa sa mga alagad ko.
Pagpasok ko palang doon agad akong tinanong kung saan papunta sinabi ko na pumunta sa airport ipapasunod ko nalang lahat ng mga kagamitan ko na nandito sa Russia ngayon dahil importante 'yon mga 'yon hindi ako babalik dito hangga't hindi nagiging maayos ang sitwasiyon na nangyayari sa Fernandez Corporation.
Nasa private plane na ako napaghandaan ko talaga 'to dahil ang una kong pupuntahan na bahay ay kila Lolo't Lola ang nanay ni Tita Hannah dahil alam kong nabubuhay pa sila sa mundong ito at buti nalang hindi sila nadamay sa gulong meron sila Tito at Tita.
--
Maagang nakarating sa Philippines at gabi na ng makarating ako kasama ko lahat ng alagad ko at sinabi ko sakanila na bibigyan ko sila ng time para mag usap usap dahil may plano ako, kailangan kong maging normal na tao at papasok ako sa grupo ni Sofia ang anak ni Tito at Tita.
"Boss are you sure that we won't approach you until we met that girl?"tanong sa akin ng isang alagad ko at tumango ako at pinakita ko sakanila ang picture ng babaeng kikitain ko at magiging close ko at araw araw kong mamatyagan kung talagang nag bago siya.
"So this is the last meeting for all us, thank you for being with me this whole time. I will give you all your bonus today."sabi ko at agad naman silang ngumiti, lahat sila pinapakita ko ang kabaitan ko pero pag ako ang nagalit iba ako magalit, hindi talaga nila ako mapigilan.
"Thank you so much boss!"
"We will miss you boss!"
Nagdradrama na naman sila kaya mahal na mahal ko sila eh kahit ganyan 'yan mga yan. Mga palaban 'yan kaya pag kailangan ko ng tulong, tatawagan ko nalamang sila at pumayag naman silang ganoon kung mangyaring nasa trahedya kami ng babaeng 'yon.
"So i'm on my own now. See you later."sabi ko sa kanila. Ayokong sabihin sa kanila na ang goodbye dahil alam kong masakit 'yon para sa akin naging part na rin kasi silang pamilya ko. Para sa akin, naging mabuti silang miyembro sa pangkat ko.
Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ko na 'yon at agad kong pinaharurot ng sobrang bilis ng makarating na ako sa mansyon nila Lola at Lolo ay agad kong hininto ang kotse ko at nakita kong bukas pa ang ilaw ng mga bawat kwarto kaya alam kong gising pa sila.
Kumatok ako at agad bumukas ang pinto at nagulat sa akin si Lolo at hindi makapaniwalang nandito ako. Kilala nila ako at kilala ko din sila. Pinapasok nila ako at nag mano ako kay lolo't lola at agad akong pinaupo.
"Hindi ko akalain na makakapunta ka ngayon ijo"sabi sa akin ni Lolo at ngumiti lamang ako at parang may hinahanap siya sa labas niya ang alam niya kasi ay isa akong mafia boss at akala niya may kasama akong mga alagad ko.
"Kung hinahanap niyo po ang mga alagad ko hindi ko na po sila kasama simula ngayon dahil pinapatago ko muna sila sa dati kong territoryo dito"sabi ko sa kanila at agad naman itong tumango at natahimik ng kaunting oras at agad naman 'yon naputol ng magsalita si Lola.
"Siguro matutuwa ang anak namin pag nakita ka niya."sabi ni Lola at napapunas naman ng luha si Lola kaya naman niyakap ko siya ramdam ko ang lungkot sa kanila alam kong nasaktan din sila sa pag kawala ng anak nila.
"Ipaghihiganti ko po si Tita at Tito, sinsigurado ko po 'yan."sabi ko sa kanila at tinapik naman ni Lolo ang ulo ko at maya maya kinausap nila ako ng matagal at ano na daw nangyari sa kompanya ko. Kinwento ko naman nangyari doon at may sinabi saakin si lolo.
"May pinatago dito ang anak ko sa loob ng dati niyang kwarto nandoon ang mga nilagay niya at ikaw daw ang kukuha niyon walang sino man makakagalaw niyon kundi ikaw lang daw"sabi ni Lolo sa akin kaya naman kumuno't ang noo ko at ano naman 'yon?
"Ano naman 'yon Lo?"tanong ko sa kanya at sinamahan niya ako papuntang taas at binuksan niya ang kwarto ng anak niyang si Tita Hannah at may isang box na nakalagay mismo sa itaas ng kama at puro alikabok na ito.
"Si Ryan nag utos sa akin na wag namin gagalawin ito at ikaw lang daw pwedeng makakuha nito. Sige maiwan na kita."sabi niya sa akin at tumango naman ako at agad kong nilapitan ang box at binuksan ko 'yon at bumungad sa akin ang isang letter na kulay itim ang balot at may bahid ng dugo 'yon.
Binuksan ko 'yon at binasa ko 'yon hindi naman ganoon kahaba ang nakasulat sa papel ay binasa ko parin ng malakas.
This gun will be yours when were gone, this gun will protect you no matter what happens. Please Lorenz, i'm not begging you but please protect my daugther with all of you heart and love her as much as you want.
Yours, Ryan Fernandez
**