Chapter 1

1184 Words
Sofia's point of view "Sabihin mo saakin kung nasaan sila ngayon!"sigaw ko habang tinutok ko ang isang baril sa ulo ng lalaking ito walang akong pakielam kahit na sumabog ang ulo niya sa harapan ko mahanap ko lang kung saan nag tatago ang mga tsuke na 'yon! "Wag mo akong papatayin sasabihin ko na. Nag mamakaawa ako!"sabi nito at ngumisi naman ako at binigay ko sa tauhan ko ang baril ko na calibre pa at nag sindi ako ng sigarilyo sabay hawak sa baba niya. "Sabihin mo saakin kung nasaan?!"gigil kong sabi at napapikit naman ito at sinampal ko ito ng sobrang lakas, akala niya siguro bobo ako para hindi malaman na pumasok siya sa kuta ko? nagkakamali siya dahil ibang sofia na ang nasa harapan niya! "Nasa Japan sila lahat at sigurado akong may mga tauhan pa siya dito na natitira at nandoon sila sa manila nag hahanap ng makakalaban"sabi nito at napangisi naman ako at kinuha ko ang espada ko sa lalaking may hawak nito at pinunasan ko pa ito bago ko gamitin. Sa mabilisan na galaw ay nahati ko ang kamay niya at tumalsik ang dugo sa mukha ko at walang halong emosyon akong binigay sakanya at ngumisi at siya naman napahawak doon sa kamay na naputol. "Get him out of my sight"sabi ko sa mga tauhan ko at agad naman silang kumilos at ako naman umupo sa trono ko at humithit ng sigarilyo ulit at nakita kong pumasok dito si kuya winter at ngumisi lamang ako sa kanya at tinapon ang sigarilyo. "You grown up my little sister"sabi niya saakin at at lumapit saakin at may binigay na dokumento at tinignan ko sa loob 'yon at pag tingin ko, ito 'yong litrato ng babaeng 'yon at ngumisi naman ako. Itong babaeng ito. Pinatay niya ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Pinatay niya lahat ng taong mahal ko sa buong buhay ko. Ngayon ako naman ang gagawa niyon para malaman niya kung gaano kasakit mawalan ng taong mahal na mahal mo. "Ihanda niyo ang mga baril at mga kailangan natin gamitin"sabi ko sa mga tauhan ko at tumayo na ako sa trono ko at sinundan naman ako ni kuya winter at pumasok kami sa isang office na kami kami lang ang pwedeng pumasok dito pati si kuya kyle. "Ano nang plano mo ngayon?"tanong niya saakin at nilabas ko ang isang mapa ng Japan. "Nakuha ko ito ng nandoon pa ako sa Japan binigay saakin ng guwardya ko ito para hindi daw ako maligaw." sagot ko sa kanya. "Sisimulan natin sa Tokyo sigurado akong maraming kalaban na mahahamon nila diyan kaya makikisagap tayo sa mga kalaban nila para matalo natin sila"sabi ko at kumuha ako ng isang baril na calibre at nilinis ko 'yon habang nakikipag usap kay kuya winter. "Sigurado ka ba sa mga desisyon mo?"tanong niya saakin. "Napagaralan ko na lahat. Napagaralan ko na pati martial arts, ano pa bang pwede kong malaman kuya winter?"nakangisi kong sabi at ngumisi naman din siya at tinapik nya ang ulo ko kaya napahampas ako sa kamay niya dahil ayoko ng ginaganun na ako dahil may naaalala lang ako at si andrie 'yon. "Nagbago ka na nga talaga"sabi niya saakin at ngumiti ako sakanya at nagpaalam na siyang ihahanda na ang mga sasakyan na gagamitin namin at bibili na din nang ticket para papunta sa Japan. Habang nililigpit ko ang mapa ng Japan na 'yon, napatingin ako sa nakasulat sa likuran nito at binasa ko 'yon at hindi ko mabasa ng maigi dahil sobrang liit ng pagkakasulat kaya nilapit ko ng maiigi ang mga mata ko doon. 'Ingatan mo 'to anak. Alam kong kailangan mo ito pag may kalaban kang tatapatin - Mom' bakit ngayon ko lang nabasa 'to? dahil ba matagal ko nang tinago ito dito at ngayon ko lang ulit ginalaw? Ngumiti ako at pinigilan kong wag maluha ilang taon nang nakalipas simula ng mawala si mama at papa. Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kay mama. Hinayaan niya ang sarili niyang mamatay siya dahil sobrang mahal na mahal niya si papa na hindi niya kayang iwan ito. Pero bakit ako? Bakit ko nakayanang iwan si andrie at hindi siya sundan? Dahil ba masyadong pa akong bata para sundan siya at may kailangan pa akong gawin at gampanan? Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko ang isang lalaking maayos ang pananamit nito at may kasamang tauhan ko at kumuno't naman ang noo ko. "Sino ang lalaking ito at bakit siya nandito sa opisina ng pang meeting?" galit na pagsabi sa mga tauhan ko. "Boss, siya po ang bagong pasok sa grupo natin ang pangalan nito--"tinaas ko ang kamay ko para pahintuin ko siya dahil naalala ko nga pala ngayon dadating si Lorenz Tuckler. Galing pa siyang Russia at unang kita ko palang sa kanya magaling siya sa lahat ng tungkol sa bakbakan na ito. "Have a seat Mr. Tuckler."sabi ko sa kanya at tinitignan niya lang ako kaya nakaramdam ako ng ilang bakit ba nakatingin saakin 'to? Ano bang meron saakin? Maganda na ba talaga ako ngayon at sexy na? "I'm sorry for looking at your body and face, your father ask me to come here too"sabi niya at biglang nanlaki ang mga mata ko, si papa?! Pero paano at kailan? Bago ba siya mamatay sinabihan na niya itong lalaking ito? "Kailan mo nakausap ang papa ko?"tanong ko sa kanya at nakaayos lang siya ng upo para bang sanay na sanay siya sa usapan na ito. Usapang seryoso kaya naman naka dikwatro ako para naman may poses ako. "Matagal na niyang gustong malaman kung gusto mo akong kunin bilang tauhan mo. Pumayag ako kahit na mas mataas ang posisyon ko sa dating grupo ko"sabi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Ano bang pinagsasabi niya? Ang akala ko isa lang din siyang miyembro ng grupo sa Russia pero bakit parang mas mataas pa siya sa akin? "Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya. "Isa akong mafia boss sa grupo ko kaya pumayag akong makipagtulungan sa tatay mo pero ngayon hindi na dahil nalaman kong namatay ang tatay mo at nainis ako dahil sobrang napakabait ng tatay mo tapos mawawala lang nang ganun?"sabi niya saakin at napaiwas naman ako ng tingin ko at nagayos ako ng buhok ko at huminga ng malalim, Sofia kaya mo 'yan. Kung nakaharap na ako ng isang mafia boss na kagaya ni youske ay kaya ko siyang harapain din. "That's all? Okay i will accept you as my second hand"sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin at tumayo na ako pero bago ako makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko sobrang lamig ng kamay niya. Kinabahan ba itong lalaking ito? "Nice to meet you my dear I'm 25 years old. Don't think that i can't handle the things you can handle"sabi niya sa akin at agad ko naman tinanggal ang pagkakahawak niya saakin. "Number 1 rule don't ever touch the mafia boss' hand"sabi ko sakanya at tuluyan ko na siyang iniwan doon sa meeting room at sinarado ko ang pinto at napangisi ako. This is going to be fun, medyo matalino siya at mukhang gwapo din. Siguro ito na rin ang chance na uutusan ko siya sa kahit anong bagay sa mga hindi ko matapos na trabaho. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD