VV: 1

2988 Words
CHAPTER ONE: A New Life Humans are the most vulnerable creature I’ve known throughout the years. I’ve been living with my family surrounded by food, sweet smell of blood and I enjoy staying here. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan ko pang mag-aral? For what? My brothers are now working ang I guess wala na kaming problema pa sa pera for our blood. “Conal, handa ka na ba? Ano ka ba naman, first day ngayon ng klase mo tapos heto ka nakatunganga pa.” Si Mama. Hindi ko alam kung sermon niya ba iyon sa akin o talagang nagmamadali lang siya dahil late na ito sa kanyang trabaho. “Ma, ako na ang bahala rito, pumasok ka na sa trabaho mo.” Wika ko sa kanya at bahagyang inayos ang mga gamit sa loob ng bag. “Ba’t po ang aga umalis ni Papa?” I asked her. “May hinahabol na kliyente kaya ayon, maagang umalis kanina pa.” Bahagya niyang inayos ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make up sa kanyang mukha just to cover up her pale skin. “O paano, siguraduhin mong pumasok ka, ha. Imo-monitor kita sa University niyo.” Bahagyang itinaas ni Mama ang kanyang kilay. I know binabalaan niya ako. Napabuga ako ng hangin,“Ma, papasok ako kaya umalis ka na.” Umakyat na muna ako sa ikalawang palabag just to get my phone dahil kanina pa iyon fully charge. Papasok na ako sa aking kwarto when I heard something weird noice sa loob ng room ni Kuya Luna. Walang pasabing binuksan ko iyon at naabutan ko siyang may pinapakling lumang aklat. Mabilis niya itong isinara at humarap sa akin. “Bakit hindi ka kumatok?” Inilapag niya ang aklat sa kanyang tabi kaya napatingin ako. Malinaw sa cover page ang isang kastilyo. Pero hindi ako intresado. Talagang na-curious lang talaga ako sa aking narinig. “I thought pumasok ka na sa work mo Kuya?” tanong ko nalang. Iyong narinig ko kanina ay mga pahina lang pala iyon ng aklat na binubuklat ng aking kapatid. “Masama ang aking pakiramdam at isa pa alam na naman iyon ni Am...ni Mama.” Kaagad akong napaisip. He almost said that name of our mother. Pero hindi iyon ang umagaw sa aking atensyon upang tignan siya ng naniningkit kong mga mata. “Vampires don’t feel something bad on their body. Except for thirst.” He might have any reason kung bakit hindi siya pumasok sa trabaho. “Basta, wala lang talaga ako sa mood,” iritadong wika niya. “Okey, paano aalis na ako. It’s my first day of class.” Walang ganang wika ko. If I have a choice it would be staying inside the house. “Oh? Ihatid na kita?” Napaupo siya ng matuwid. “Don’t bother.” Baka isipin ng mga estudyante sa University at bini-baby ako ng aking pamilya. Kaagad akong lumabas sa kanyang kwarto at nagmamadaling kinuha ang aking cellphone sa loob ng room. Nang mailagay ko na ito sa bag ay kaagad akong bumaba gamit ang kapangyarihan kong maglaho. Wala na si Mama, mukhang kanina pa siya nakaalis. Paglabas ko ay wala na ang kanyang kotse. Nasa garage nalang ang kotse namin ni Kuya Luna. Nang lumapit ako sa aking kotse ay may kakaiba akong naramdaman. Isang napakalakas na enerhiya at may masangsang na amoy na parang aso. Kaagad na naging kulay amber ang aking mga mata at napatingin sa paligid. May mga ambon pa sa naglalakihang kahoy na nakapalibot sa aming malaking bahay. Hindi ko mawari kung saan banda ang enerhiya na iyon pati na ang amoy na ang sakit sa ilong. “Conal, alis na! Late ka na!” Sigaw ni Kuya Luna dahilan upang magising ako sa aking diwa. Nanumbalik ang kulay ng aking mga mata. Mula sa amber ay naging tsokolate ito which is normal na kulay lang. Ganito ako, nagiging amber ang aking mga mata sa tuwing may kakaiba sa paligid. Muli akong napatingin sa kakahuyan. Wala na akong naramdaman at ang amoy ay wala na rin. Baka isang nilalang lang na nakiraan sa aming lugar. “Hoy, usad na.” Hindi ko namalayang nakalapit na pala ang aking kapatid. Kusa niyang binuksan ang pinto ng kotse at itinulak ako papasok. “Isusumbong kita kay Mama na nagpa-late ka.” “Wala ka bang naramdaman kanina?” Seryosong tanong ko sa kanya. “Ha?” Kumunot ang noo niya. “Wala namang kakaiba sa paligid. Naku, dahilan mo lang yan dahil ayaw mong pumasok. Alis ka na.” Isinara nito ang pinto ng kotse. Wala na akong nagawa pa. It seems na parang ako lang yata ang nakaramdam kanina. Well, nasa loob ng bahay ang aking kapatid at kaya ganoon siguro. Hindi ko nalang masiyadong binigyan ng importansya ang malakas na enerhiya na iyon. Binilisan ko na ang pagpatakbo sa aking kotse dahil tama si Kuya Luna. Masiyado na akong late, sana wala pang maayos na klase ngayon since first day pa naman. Nakakatawa lang dahil ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa tanang buhay ko. Sino ba naman ang hindi kakabahan gayong firts time mong makihalubilo sa mga tao. Lingid sa kaalaman ng mga mga nakakarami medyo hindi ako expose sa mga tao. Minsan sinasama naman ako nina Papa at Mama sa mga event but not all the time. Mukhang ngayon lang sila nakaisip na ipasok ako sa University upang mag-aral. I am fully aware na mga bampira kami at dugo lang ang nagpapabuhay sa amin. Ang pagiging bampira at pag-inom ng dugo ay isa sa mga realization ko na iba pala kami sa aming nakakasalamuhang mga nilalang. At iyon nga ang mga tao. Ang alam ko ay may iba pang mga nilalang na nabubuhay bukod sa amin tulad ng mga diwata. Iyon ang sabi ng aking mga kapatid nong bata pa ako at mahilig makinig sa mga kwentong bampira. Iyon nga lang, hindi pa ako nakakakita. Pagdating ko sa University ay ang dami nang mga estudyante. Kaagad na bumungad sa akin ang mga nagsasarapang amoy ng mga dugo. Noong unang punta ko dito ay kasama ko ang aking mga magulang upang magpa-enroll. I parked the car katabi ng ilang kotse at kaagad akong bumaba. I took my map in the bag at tiningnan roon kung saan ang mga room ko. Sobrang naninibago for this is a new environment. Palakad na ako nang maramdaman ko ang kakaibang titig ng mga estudyante sa akin. Napayuko ako, ayoko ng ganoon, I hate when all of the attentions are on me. “Hey!” May sumigaw na lalaki sa aking likuran. “He bronze hair.” Ayoko na sanang tumingin ang kaso mukhang ako talaga ang kanyang tinawag. Marahan akong tumalikod just to see him. Nang tingnan ko siya ay ang lawak ng kanyang ngiti. “Ako ba ang tinawag mo?” I pointed myself kahit siguradong ako ang kanyang tinawag kanina. Mayroon siyang medyo light brown na buhok. Matangkad siya like me at maputi, but not pale. His eyes, parang may something, he’s not normal may kung anong kapangyarihan siya. I can sense it dahil bampira ako. Hindi ko lang matukoy kung sino at ano siya. “Yes, ikaw nga.” Nakangiting lumapit siya sa akin. “Kumusta ka na?” “Ha?” Kung magtanong ang lalaking ito ay parang close na close kami. “I’m good.” Sagot ko nalang. Nakakatawang isipin ngunit hindi ako iritado sa kanya. “Sandali pwede ko bang malaman ang pangalan mo? If you don’t mind.” Ani ako. Sa mga tingin niya sa akin ay parang kilalang-kilala na niya ako. “Mabuti kung ganoon...ako nga pala si Marfire. Just call me Fire.” Kumindat siya sa akin. Ang lakas ng kompyansa sa sarili ng nilalang na ito. Kung alam lang sana niya kung sino at ano ang kaharap niya ngayon. “Nice name, nice meeting you.” Ngumiti ako sa kanya. Akmang tatalikod na ako nang pigilan ako ni Marfire. “Sabay na tayo. Let me see your schedules and rooms.” Hindi na ako nakapalag. Hindi paman ako nakatugon ay kinuha na niya ang schedules at ang map ng University. Tahimik lang akong pinakikiramdaman si Marfire. Hindi siya tao, wala akong naaamoy na dugo sa kanya. But I can’t say din na isa siyang bampira dahil vampires have a distinct characteristics when it comes to smell. “Pareho lang pala tayo ng schedules eh.” Masayang wika ni Marfire at ibinilak niya ang mga papel sa akin. “Tara.” Nauna siyang humakbang. Ako naman ay naiwan saglit dahil hindi ako makapaniwala sa tinuran ng nilalang na iyon. Nagmamadali akong sumunod sa kanya. I wanna ask him kung bakit ganoon nalang siya ka-feeling close sa akin. Hindi ko alintana ang aking mga nadadaanan. Wala akong pakialam sa kanila. “Hey.” I grabbed the shoulder of Marfire at napahinto siya. “May alam ka ba tungkol sa akin?” Diretsang tanong ko sa kanya. “Sabihin nalang natin na meron.” Ngumiti siya ulit sa akin. Napabitiw ako sa pagkakahawak sa kanyang balikat. “So therefore you knew that I am cold?” Medyo hininaan ko ang aking boses. I can’t use the word vampire kahit mahina pa ang aking pagkasabi. Baka mayroong makarinig. Hangga’t maaari ay walang sinumang makakaalam sa aming sekreto. “Ha? Anong cold? What do you mean?” Medyo umawang ang kanyang dalawang labi sa aking tanong sa kanya. It means, hindi niya alam na isa akong bampira. Mabuti na iyon, akala ko alam niya ang aking pagkatao kaya ganoon nalang siya umakto. “Nothing, sabi ko medyo malamig pala dito.” Pag-iiba ko ng usapan. “Yeah? Malamig nga rito.” “Bakit mo pala ako tinawag kanina?” I asked him casually. Gusto kong maramdaman niya na medyo hindi ako intresado sa tanong kong iyon upang hindi siya maghinala. “Wala lang, nang makita kasi kitang bumaba kanina ay may naramdaman akong kakaiba saiyo. I just can’t explain kaya I approaches you.” “You are not a human, right?” “Ha?” Napaatras si Marfire sa aking tanong. Sinong mag-aakalang nalaman ko kaagad na kakaiba talaga siya. “Bakit mo nasabi?” Curious niyang tanong sa akin. He pouted his lips na parang hindi siya naalarma sa aking sinabi. But deep inside, alam niya na alam ko na tama ang aking sinabi. Pinipilit niyang i-convince ako pero malas lang niya dahil hindi ako ganoon. “Alam ko lang.” Kahit sabihin mang vulnerable ako sa ibang bagay but not this time. Nakita ko na ang kanyang reaksyon kanina at hindi na iyon magbabago. “Tara na.” Ani ko sa kanya. Medyo nawala ang kaninang saya ni Marfire. Napalitan ito ng pangamba at dahil iyon sa aking nadiskubre sa kanya. Nasa bukana na kami ng room nang maabutan namin ang mga estudyante sa loob na napaka-tahimik. Lahat ay naninibago! “It seems na kagaya ko ay bago rin sila dito sa University. Ngayon lang kasi sila nag-offer ng K-12 program so therefore mga bago lahat nang nasa Senior High.” Paliwanag sa akin ni Marfire. “I see.” Ani ko at pumasok na. Tumama ang hangin ng ceiling fan sa akin kaya amoy na amoy ko ang masasarap nilang dugo. Mabuti nalang at kaya kong kontrolin ang aking uhaw ngunit may pagkakataon na hindi. “Ang lamig naman dito, naka-on na nga ang aircon naka-on pa ang ceiling fan.” Reklamo ni Marfire. Napansin ko lang sa lalaking ito ay sobrang daldal niya. Pero hindi naman iyon nakaka-irita. “Sino sila?” Rinig kong tanong ng isang babaeng estudyante. Hindi ko pinahalata na narinig ko iyon, ang layo kasi nila sa amin ni Marfire, nasa kabilang side sila. Umupo ako sa dulo at doon din si Marfire sa tabi ko. “Hindi ko alam, mukhang bago rin kagaya natin.” Sagot nang isa pang babaeng estudyante. “Humans are too weak, kaya palagi silang nabibiktima.” Bulong ko sa aking sarili. “Anong nabibiktima na sinasabi mo?” Si Marfire. Narinig niya ako. “Nothing, just don’t mind me minsan nagsasalita ako na hindi alam ng aking bibig.” Ani ko sa kanya. “Ang weird mo naman pala?” “Lahat naman weird, I mean we have differences nasa iba na ‘yon kung paano nila iisipin.” Napatango si Marfire, “alam mo, tama ka. May kilala akong mga tao na nagsasalitang mag-isa.” Aniya. “Oh tapos?” “Ang kaso nasa mental sila. Hahaha!” Napatawa ng malakas si Marfire na ikinabigla ko. He is the presentation of mga baliw na nasa mental. Napatingin ang ibang estudyante sa amin dahilan upang mapahinto si Marfire. “Alam mo, naisip ko.” Wika ko sa kanya ngunit napatitig ako sa pisara. “What is it? Ano ang iniisip mo?” Medyo sumeryoso ang kanyang mukha. “Naisip ko na baka isa ka sa mga tao na nasa mental,” walang buhay na wika ko. “Sira, paano naman magiging baliw ako, eh, na sa matino pa naman akong pag-i¬¬¬¬—.” Napahinto sa pagsasalita si Marfire at napatingin siya sa labas ng room. Napasunod ako ng tingin. Sa gulat ko ay medyo muntikan na akong mahulog sa upuan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. “Bakit kakaiba siya?” Tanong ko na titig na titig sa isang babaeng estudyante. Ang sama ng tingin niya sa amin. Kaagad kong naalala ang naamoy ko kanina, ganitong baho ang naamoy ko sa garage namin. “Isa siyang werewolf.” wika ni Marfire. “Werewolf?” Kaya pala parang may aso siyang awra at anino. Nang tingnan ko siya ay napaawang ang aking labi. Nag-iba ang kulay ng mata ni Marfire at ang balat niya ay medyo naging maputla siya. Bampira si Marfire ngunit may kakaiba pa rin sa kanya.Wala sa sariling tumayo siya at kaswal na lumapit sa bintana ng classroom para kausapain ang sinasabi niyang werewolf. Ang buong akala ko ay hindi totoo ang mga yon kasi wala naman akong naririnig sa aking pamilya. But now, bago ito sa akin. “Hindi ka namin sasaktan kung hindi mo kami gagambalain.” Si Marfire. Kahit na mahina iyon ay malinaw sa aking tenga ang kanyang sinabi sa babae. “Bakit nandito kayo? Teritoryo namin to.” Ramdam na ramdam ko ang gigil na tono ng taong lobo kay Marfire. Napatingin siya sa akin, nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata, naging ginto ito. Ang ibig sabihin lang nito ay nakilala niya ako bilang isang bampira. “Wala na kaming magagawa, hindi namin alam na sainyo pala ito at isa pa wala naman kaming ginagawang masama.” Tumingin si Marfire sa akin at bumalik na sa dating kulay ang kanyang mga mata. Alam kaya niya na bampira ako? Possible iyon kasi wala akong ginamit na kapangyarihan upang itago ang aking tunay na pagkatao. “Kahit na bampira...hindi namin ito palalampasin.” Banta ng taong lobo. Bago paman siya umalis ay tinapunan niya ako ng kakaibang tingin. Tila ba’y anumang oras ay lalapa na ito. Parang walang nangyari na bumalik sa pagkakaupo si Marfire. Pagtingin ko sa kanya ay napatawa ang gago. Kumunot ang noo ko, bakit ang saya pa niya? “May mga ganoon palang nilalang?” Tanong ko sa aking sarili. Akala ko ay fiction lang siya na napapanood ko sa mga palabas. “Oo naman, ngayon ka pa nakakita ng ganoon?” Manghang tanong ni Marfire. Napatango lang ako sa kanya, “teka? Alam mo ba na isa akong bampira?” Ngayon ako naman ay medyo curious. “Oo naman, pagbaba mo palang kaagad na kitang nakilala na isa ka sa amin.” “So ang kanina ay kunwari mo lang?” Bigla kasi siyang nangamba nang sabihin ko sa kanya na hindi siya tao. “Oo naman, akala ko nga ay hindi mo ako naramdaman dahil ginamit ko ang bagong spell na tinuro sa akin ng aking Ina, mukhang kailangan ko pa yatang i-master pa ‘yon.” “Teka lang, spell?” Nag-ekis ang dalawa kong kilay. Ang alam ko lang ay mga diwata ang gumagamit ng spell at iba pang kapangyarihan. “Oo.” Tipid na sagot ni Marfire. “Diba mga diwata lang ang gumagamit ng mga ganoon? Diba nga bampira ka so may iba kang kapangyarihan.” Ani ko. “Bro, mukhang effective yata ang spell.” Ngumiti siya sa akin. “Mukhang di mo nahulaan na may dugo akong diwata at ang werewolf kanina ay nakita niya lang ako bilang bampira.” “Ang ibig sabihin ba’y isa sa mga magulang mo ay diwata at ang isa naman ay bampira?” Ang cool naman. Puwede pala ‘yon? Ang akala ko kasi ay magkaparehong lahi lang ang pwedeng magkaroon ng relasyon at mga anak. “Oo, naku kung ako saiyo ay kailangan mo nang magsanay at kilalanin mo ang iyong kapangyarihan baka may mga masasamang nilalang na magbabanta. Nakita mo ang taong lobo kanina? Ang bangis niya at duda akong may gagawin siya sa ating masama,” mahabang wika ni Marfire. “Tinuturuan naman ako ng aking mga kapatid.” Ani ko. Iyon nga lang ay nahihirapan akong i-explore ang aking kapangyarihan. “Oh tapos? Ano ang kapangyarihan mo?” Excited niyang tanong sa akin. Inayos pa nito ang upo para sa aking isasagot sa kanya. “Yong bilis ng takbo at talas ng pakiramdam,” ani ko. “Iyon lang?” Parang hindi satisfy si Marfire sa sinabi ko. “Oo, meron pa ba?” “Wala kang mga extra-ordinary powers?” “Iyon nga, kahit anong pilit namin gawin ay iyon lang talaga ang meron ako.” “Kabilang ka pala sa mga mababang uri ng bampira,” mahinag wika ni Marfire. “Mababang uri?” Alam kong sinadya niyang hinaan ang kanyang boses na iyon upang hindi ako ma-offend. “Oo, may dalawang uri ng bampira ang isa maharlika ang isa naman ay mababang uri na bampira.” Medyo may naalala akong memorya noon. Matagal na kasi iyon nang huling magkwento ang aking mga kapatid tungkol sa mga bampira. “Ahh.” Tumango ako sa kanya, “baka nga,” ani ko nalang. Baka iba ako sa kanila at isa lang talaga akong mababang uri na bampira. Natapos ang aming usapan ni Marfire nang pumasok ang isang guro na babae. Medyo may katandaan na siya at pakiramdam ko ay mabait siyang tao. Sa kabilang dako, lihim na nagmamasid ang babaeng taong lobo sa dalawang baguhang bampira. May naisip na siyang plano, paparusahan niya ang mga ito bilang pagpasok sa kanilang teritoryo. Dapat alam nila na nagbibigay babala ang mga taong lobo bago paman sila pumasok sa teritoryo. Nabigyan na niya ng babala ang isa kanina. Dinalaw niya ito san garahe ng kanilang bahay. Bilang taga-pangalaga ng teritoryo ay tungkulin niya ang walang kahit na anong nilalang na makapasok!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD