Dalawang araw ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan si Javier, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para kalimutan siya sa isipan ko.
"Anak, kumain ka na."
Napaangat ako ng mukha kay mama na nasa tabi ko na habang nakaupo ako dito kaharap ang pagkain ko.
"May problema ka ba?"
"Ha? Wala po, may iniisip lang po ako." Sagot ko kay mama at napansin ko ang dalawang kapatid ko na naka-uniform na.
Si Aston na college na at si Selene na graduating na ng high school. Sila ang pinagaaksayahan ko ng panahon at pagtatrabaho para makatapos sila ng pag-aaral. Sa edad kong bente singko ako na ang nagtatagayod sa kanila dahil sa wala na ang aking ama, habang ang mama ko naman may sakit na ubo pabalik-balik 'yun dahilan ng pagkapayat niya. May sakit rin siyang high blood at lumalaki ang puso niya. Kaya nag-iingat kami lahat dahil hindi namin hawak ang oras, dahil baka bigla na lang siyang kunin sa amin.
"Ate, papasok na kami." Paalam ni Aston.
"Sige na mag-iingat kayo." Sagot ko at lumabas na sila ng pinto.
"Ikaw ma kumain ka na rin." Aya ko sa kanya, kararating ko lang galing sa trabaho at hindi pa ako natutulog.
"Hindi pa ako nagugutom anak, siya nga pala kamusta naman ang pagsasayaw mo doon?"
Tanong ni mama dahil alam niya kung ano ang trabaho ko pero sinabi ko naman na hindi ako nagpapalabas sa mga customer.
"Ayos lang naman ma kahit paano naitatawid nito ang pangangailangan natin sa pang-araw araw." Nakangiting sagot ko ng makarinig kami ng pagtawag mula sa pinto.
"Elena, magandang umaga."
Napatayo ako at sinino yung tumatawag sa akin.
"May bisita ka anak si Andrew."
Napasimangot naman ako dahil sa pangalan na sinabi ni mama ang isa sa masugid kong mangliligaw na hanggang sa trabaho ko ay pinupuntahan ako. Tumayo ako at iniwan ko ang pagkain.
"Ang aga mo naman nandito kumain ka na ba ng almusal mo? Kasi ako kakain pa lang." Walang ganang sabi ko, gwapo naman si Andrew at kilala ito sa lugar namin dahil anak ito ng mayor. Pero talagang hindi ko siya magustuhan.
"Ayos lang Elena, kumain ka na muna. Siya nga pala ito para sa'yo."
Napatingin ako sa likod niya dahil kasama na naman niya ang dalawang bodyguard niya. Ito ang may hawak ng mga dala niya para sa akin.
"Ang dami naman nito, pero salamat." Sagot ko at inabot ang mga pagkain at ilang paper bag.
"Ito rin,"
Napatingin ako sa bulaklak na hawak niya ang ganda no'n.
"Salamat din dito, sige maupo ka na muna." Aya ko sa kanya at naupo na siya.
Nakilala ko si Andrew noong panahon na may nilalakad ako sa cityhall namin at siya yung napagtanungan ko. Tapos nagulat na lang ako ng tumawag siya sa akin nakuha raw niya number ko doon sa mga papeles na dala ko. Hindi rin ako makapaniwala na anak siya ng mayor.
"Siya nga pala Elena, maaari ba kitang bisitihan sa trabaho mo mamayang gabi?"
"Ha? Bakit naman pati sa trabaho ko pupunta ka?" Sagot ko kasi naiirita ako kapag nandoon siya dahil minsan laging nagkakagulo doon dahil nagseselos siya kapag may ibang lalaki na lumalapit sa akin. Feeling boyfriend ko naman siya.
"Gusto ko na ulit makita ang magaling mo na pagsasayaw, lalo ka kasing maganda doon at ang ganda pa ng katawan mo."
Hays! Alam ko naman na pinagnanasahan mo lang ako habang nagsasayaw dahil doon mo lang nakikita ang buong katawan ko.
"Bahala ka, pero ako alam mo naman na una pa lang sinabi ko na sa'yo na hindi kita gusto. Ibaling mo na lang sa iba 'yang nararamdaman mo dahil marami pa namang iba diyan." Seryosong wika ko sa kanya.
"Alam ko 'yun Elena, pero ikaw ang gusto ko. Maghihintay ako hangga't wala ka pang asawa."
Gusto kong mailing dahil sa sinabi niya, pero kung tutuusin swerte ko na sabi ng iba lalo na ang mga kapitbahay naming mga chismosa.
Pagkaalis ni Andrew ay agad akong humiga para matulog dahil antok na antok na ako.
-----------
Kararating ko lang dito sa trabaho at nagsisimula na akong mag-ayos, mga nakahanda na rin ang iba dahil magsisimula na naman ang gabi namin ngayon.
Sana maraming mag tip sa akin para naman may pera ako.
"Elena, tawag ka na." Kalabit sa akin ni Rhian.
Tumango ako at muli kong sinulyapan ang sarili ko. Suot ang dalawang pares na kumikinang at napakasexy ko dito. Namimilog ang dibdib ko dahil push up na bra na suot, ang pangibaba ko naman ay bakat na bakat doon ang p********e ko dahil sa nipis na 'yun. Ito lang ang ginagawa ko para matuwa naman ang mga manonood.
Nasa ibabaw na ako ng stage at nagsisimula na akong sumayaw, tahimik ngayon dito. May ilang sipol akong naririnig kapag habang gumigiling ako ako ay hinihimas ko ang mga maseselan ko na parte. Napansin ko na narito na si Andrew at titig na titig sa akin habang nagsasayaw ako. Sa pag-ikot ko natigilan ako dahil nakita ko ang taong hanggang ngayon ay hindi nawawaglit sa isipan ko.
Javier!
Nagpatuloy ako sa pagsasayaw dahil biglang umingay dito, hindi nawala sa paningin ko ang paglakad ni Javier papunta sa gitna at pinatayo niya 'yung dalawang lalaki na nakaupo. Hindi ko na masiyadong nagawa ng maayos ang pagsasayaw ko dahil sa presensya ni Javier.
Matapos kong sumayaw nagmamadali akong nagpunta sa dressing room at napaupo ako.
"Elena, may naghahanap sa'yo bilisan mo."
Narinig ko ang boses ni manager, napatingin ako sa itsura ko at inayos ko pa ulit. Kinuha ko lang blazer ko para ipangtakip kahit paano sa halos hubad ko ng katawan. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang papalapit ako doon sa puwesto ni Javier.
Pagkalapit ko doon ay napansin ko ang pagtayo ni Andrew at nilapitan ako agad.
"Elena,"
Napalingon ako kay Andrew at ganun rin si Javier habang nakaupo lang ito.
"Sino ang lalaki na 'yan? Huwag mo sabihin na nagpapa-table ka na ngayon?"
"Puwede ba, Andrew. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at isa pa huwag ka naman gumawa ng gulo ngayon--"
Natigilan ako ng hatakin ako ni Javier palapit sa kanya na nakatayo na pala ito.
"Ano bang problema mo?" Seryosong tanong ni Javier kay Andrew pero nanlaki ang mata ko ng bigla nalang niyang suntukin si Javier.
"J-Javier!"