Chapter2

983 Words
"Paano, maiwan ko muna kayo diyan at may aasikasuhin lang ako. Siya nga pala salamat Elena sa pagpapainit ng gabi ngayon." Napatango ako kay Mr. Romulo na nagimbita sa akin na magsayaw dito sa Club niya. Pagdating ko dito humanga ako dahil ang sosyal ng Club na ito at ang linis-linis sobra, ang mga gamit talagang magaganda. Kinabahan pa ako kanina dahil sa may kadamihan ng tao dito. Pero dahil sa ibabayad sa akin lumakas ang loob ko at kinapalan ko na lalo ang mukha ko. Kanina habang nasa ibabaw ako ng stage at nagsasayaw naagaw ng atensyon ko itong lalaki na nasa pinakagitna nakapuwesto kasama si Mr. Romulo, may kung anong pagkailang rin akong naramdaman dahil dama ko ang matang nakamasid sa akin. Ngayon lang ako nailang ng ganito kapag nagsasayaw. "Elena, right?" Napakurap ako ng mata at naalala na kaharap ko pala itong si Javier, napatitig ako sa kanya lalo na sa mata niya na pakiramdam ko kapag nakatingin sa akin 'ay parang hinuhubaran na ako. "Tama ka pero hindi Elisa ah?" Natatawang sabi ko dahil narinig ko 'yun sa kanya. Sino naman kaya yung Elisa na 'yun? Ngunit nawala ang ngiti sa labi ko dahil nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Mukhang ok naman kayo at--" "Maaari mo ng iligpit ang mga 'yan, aalis na ako." Nagkatinginan kami ni Mr. Romulo dahil sa biglang tayo nitong si Javier, binangga pa nito ang upuan na nakaharang sa daraanan niya. Tuloy-tuloy itong naglakad papunta sa may exit. "Anong nangyari?" Takang tanong ko dahil parang biglang na-bad trip 'yung Javier na 'yun. "Hayaan mo na siya, ito nga pala ang bayad ko sa'yo. Kung sakali maaari ba kita ulit imbitahan dito o kaya naman baka gusto mo na dito ka na sa akin magsayaw?" "Ha? Salamat po pero pag-iisipan ko po ang sinabi niyo." Nakangiting sagot ko at inabot ang sobre na binigay sa akin. "Kung ganun tawagan mo lang ako dito kung sakaling makapag-desisyon ka na." Muling wika ni Mr. Romulo. "Siya nasa sa iyo kung gusto mo ng umuwi." Masayang tumango ako at kumilos na ako upang ayusin ang sarili ko. Nagpalit lang ulit ako ng damit ko at nagpaalam na ako kay Mr. Romulo, masaya ako pagkalabas ko ng Club. Three thousand ang binigay sa akin ni Mr. Romulo kasama na daw ang bonus ko, grabe hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang ibibigay sa akin para sa isang sayaw. Samantalang isang libo doon sa Club na pinapasukan ko, tatlong sayaw pa 'yun. Madilim ang kalsada paglabas ko, balak kong mag-abang ng taxi pero wala akong nakitang dumaraan. Siguro maglalakad lang muna ako baka may makita ako, hindi pa ako nakakalayo ng mapahinto ako sa paglalakad ko at napatakip ako sa mukha ko dahil sa biglang may umilaw. Naghintay ako kung ano 'yun pero natigilan ako at dahan-dahan na inalis ko ang kamay ko na pinangtakip ko dahil nasilaw ako sa ilaw. Isang kotse at nakatutok sa akin ang ilaw na 'yun, napatingin ako sa unahan at sa loob ng kotse, hindi ko inaasahan ang tao na makikita ko doon. Javier Wika ng isipan ko at bumukas ang kabilang pinto doon na para bang sinasabi niya na pumasok ako doon. Hindi ko alam pero kusang kumilos ang paa ko palakad doon, pagdating ko sa may pinto nakatingin si Javier sa akin ng seryoso. "Anong kailangan mo?" Kalmado na tanong ko sa kanya pero may kung ano akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. "Pumasok ka na lang." Sagot niya lang. Napaangat naman ang kilay ko dahil bossy na attitude niya, ang yabang lang ng dating. "Saan ka nakatira?" Muling salita niya at napalingon ako sa kanya. "Hindi pa ako uuwi ngayon, dadaan pa ako sa trabaho ko." Sagot ko lang sa kanya. Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagmamaneho. Saan kaya niya ako dadalhin? Hindi naman siguro sa hotel? Aba, wala kaming usapan na ganun. Kahit pa gwapo siya. Pero natigilan ako ng makita kung saan kami dumaan dahil papunta ito doon sa Club na pinapasukan ko. "Sandali paano mo--" "Wala akong hindi puwedeng malaman lalo na kapag interesado ako." Napalingon ako sa kanya at nakita ko sa seryoso niyang mata ang pagkakasabi niya no'n. Nagtataka man ako kung paano niya nalaman kung saan ako nagtatrabaho hinayaan ko na lang. "Kung ganun salamat sa paghatid." Sagot ko lang at akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla niya akong hatakin sa kamay at mabilis na kumapit ang kamay niya sa leeg ko at siniil ako ng halik. Hindi ako makagalaw dahil nabigla ako sa ginawa niya, naramdaman ko ang pagpipilit pumasok ng dila niya sa bibig ko at sa paghinga ko tuluyan ng nasakop niya ang loob ko. Pangahas ang halik na 'yun pero bakit nagustuhan ko 'yun at may kung anong init akong naramdaman ng maglumikot ang kamay nito sa likod ko na humihimas sa pababa sa pang-upo ko. "S-Sige na, s-salamat." Kumalas ako sa kanya dahil parang hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko kung magtatagal pa 'yun. Binubuksan ko ng pilit ang pinto pero ayaw no'n bumukas, binalingon ko siya muli. "Ano ba buksan mo 'to!" Malakas na sabi ko sa kanya pero ang hinayupak nakatitig lang sa akin. "I want to f**k you." Napatangang nakatingin ako sa kanya dahil sa seryosong pagkakasabi niya sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo, puwede ba buksan mo na ito gusto ko ng lumabas." Pagbabalewala ko sa sinabi niya. "I know soon, i f**k you. Hindi na ako makapaghintay na maramdamang hahawakan mo ito." Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa ibaba niya at ayoko mang isipin ang nasa loob no'n hindi ko maiwasan. Napalingon ako ng makarinig ng tunog at bumukas na ang pinto ng kotse niya dahil naroon ang kamay ko. Mabilis na kumilos ako at lumabas na ako, hindi na ako nag-abala pa na lumingon sa kanya. Tuloy-tuloy na naglakad ako papasok sa entrance ng Club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD