C-2: The past

1070 Words
HALOS umusok ang ilong at tainga ni Dion nang makita ang hitsura ni Tylane sa loob ng kanyang kwarto. Marami ang basag na kagamitan at ang mga bubog ay nagkalat sa sahig. Habang si Tylane ay sugatan namang nakatulog sa may gilid ng kanyang kama. Napatingala si Dion sabay buga ng hangin na para bang pilit pinapakalma ang kanyang sarili. "Chris, Deo!" tawag nito sa kanyang mga bodyguards. Agad namang dumating ang dalawang tinawag. "Bakit boss?" tanong agad ni Chris. "Bring me the first aid kit! Pagkatapos pakisabi kay Garry ihanda ang sasakyan." Agad na tumalima ang dalawa, si Deo na ang nagpunta sa kinaroroonan ni Garry. Habang si Chris ang kumuha ng first aid kit saka ibinigay kay Dion. Nilinisan ni Dion ang mga sugat ni Tylane habang nilisan naman nina Deo at Aling Carmen ang mga bubog sa sahig. Panay naman ang ungol at daing ni Tylane dahil siguro sa hapdi ng mga sugat nito. Pinalabas muna ni Dion si Deo at magkatulong nilang pinalitan ni Aling Carmen ang damit ni Tylane. "B- Bakit mo ako ginagamot ha?" nautal pang tanong ni Tylane na namumungay pa rin ang mga mata nito dahil sa kalasingan. Subalit hindi sumagot si Dion, nagtatagis ang mga bagang nito habang karga ang kanyang asawa. "Alam mo kahit gamutin mo ang mga sugat kong natamo sa mga gamit mong binasag ko, ay wala ring silbi. Dahil may sugat akong kailanman ay hindi mo na magagamot pa." Sabi na naman ni Tylane. "Shut up!" Napalabi naman si Tylane saka ito humagikhik ngunit may luha naman sa mga mata nito. "Darating ang araw, ikaw din ang maghahabol sa akin!" muling sabi ni Tylane. Subalit hindi ito sinagot ni Dion. Ayaw nitong makipag-argumento sa isang lasing na. Mas lalo lamang hindi magpapatalo ang kanyang asawa kapag sinagot niya ang nga sinasabi nito. Kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi ni Tylane hanggang sa bigla na lamang itong tumahimik. Pagtingin ni Dion ay naghihilik na ito sakto namang malapit na sila sa isang hospital. Agad namang naasikaso si Tylane sapagkat kilala naman ng hospital na iyon si Dion. At relatives lamang ang siyang inilagay niya sa information about kay Tylane. Ilang sandali pa at umalis na rin sa hospital si Dion lalo na nang sabihin ng Doktor na okay naman ang kanyang asawa. Ibinilin na lamang niya kay Aling Carmen si Tylane at nagbalik na siya sa kanyang bahay. Maaga pa kasi siya bukas para sa kanyang meeting sa may Siargao area. Ayaw niyang maging lutang kung kaya't pinilit niyang makatulog at huwag magpapaapekto sa nangyari kanina kay Tylane. Hindi man niya literal na ipinapakita sa lahat na tanging sa papel lamang sila nag- uugnay ni Tylane kahit papaano ay may awa pa naman siya rito. Siya kasi ang nag-insist noon na pakasalan niya ang babae. Na ngayon ay pinagsisisihan na niya dahil sa pag-aakalang mauunahan niya si Spencer na makabuo ng kanyang tagapagmana. Hindi niya sukat akalaing madali lang palang mabubuntis si Strawberry. Kasi nga batang-bata pa ito at ideal woman niya nga ang babae noong nag- guest siya sa school na kanilang pagmamay-ari. Ang tagal bago niya naaalalang si Strawberry pala ang tinaguriang good role model ng mga youth for their studies. Na kahit anumang pagsubok ang siyang dumating ay kanilang kakayanin. Doon niya lihim na hinangaan si Strawberry at ipinangako niya sa kanyang sarili na magiging sa kanya ito balang araw. Then, nagulat na lamang si Dion isang araw na ito pala ang pakakasalan ng bulakbol niyang kapatid na si Spencer. Aminado siyang he hated Strawberry, bumaba ang tingin niya rito. At naisip niyang wala itong ipinagkaiba sa mga babaeng ang habol ay kayamanan lamang ni Spencer. Subalit totoo nga ang kasabihang, hindi lahat ay nabibili ng pera rito sa mundong ibabaw. Dahil pinatunayan iyon ni Strawberry hanggang sa nagdalang- tao ito at nanganak ng triplets. Kaya sa bandang huli, talo si Dion. Nabalewala lahat ng kanyang masamang balak para kina Spencer at Strawberry. Mga balak na ipapamukha niya sa kanyang kapatid na pera lamang ang habol ni Strawberry sa kanya. Na maghihiwalay din sila dahil walang forever. Pero kinalunan parang mag- back fire pa ang lahat kay Dion dahil sa sitwasyon nilang dalawa ngayon ni Tylane. Naalimpungatan si Dion dahil sa malakas na tunog ng kanyang alarm clock malapit sa kanyang kama. Pupungas- pungas itong bumangon saka nakailang kurap upang magising ang kanyang diwa at mga mata. Sinulyapan niya ang orasan, past five na pala kung kaya't mabilis itong bumaba mula sa kanyang kama. Tinungo nito ang kanyang bathroom at dumiretso na ng ligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ito saka binitbit ang attache case niya at lumabas na ng kwarto. Pagkababa niya ay inilapag naman niya sa may mesa ng living room ang kanyang bitbit at dumiretso ng kusina. "Magandang umaga, Senyorito!" bati ni Aling Carmen. "Magandang umaga po! Sino po ang nagbantay kay Tylane?" sagot ng binata saka binuksan ang fridge. Ang naalala niya kasi ay si Aling Carmen ang kanyang binilinang magbantay sa kanyang asawa. "Dumating po kasi iyong kaibigan niya kaya umuwi na ako kaninang madaling araw." Paliwanag ni Aling Carmen. "Sino? Si Phoebe ba?" tanong ni Dion habang hinahalo ang tinimpla niyang kape. "Si Ma'am Rina po! Galing pa po siya ng abroad!" tugon ng matanda. Napakunot- noo naman si Dion. Isa rin kasi si Rina sa nang- spoil kay Tylane noon. At mas magwawala siguro ngayon ang kanyang asawa dahil nakahanap na naman ng kakampi. Inisang inuman lang ni Dion ang kanyang kape at tumayo na ito ulit. "Mauuna na po ako, Aling Carmen! Kayo na po ang bahala rito," wika nito. "Hindi ka ba kakain kahit konti lamang?" tanong ng matanda. "Hindi na po! Mahuhuli na ako sa aking meeting." Tumango na lamang si Aling Carmen at sinundan na lamang niya nang tingin si Dion habang papalayo. Napailing-iling ang matanda kinalunan at ipinagpatuloy na nito ang kanyang naudlot na gawain. Saksi ang matanda sa buhay ni Diom mula pa noong maliit ito hanggang sa nakapag- asawa. Kung kaya't hindi na iba ang turing nito sa kanyang alaga. At anuman ang nadarama o pinagdadaanan ni Dion ay kanya ring nararamdaman. Sa totoo lang ay naaawa ang matanda kay Dion dahil kinulang ito sa kalinga ng isang ina. Kung kaya't pinupunan naman niya iyon kahit papaano. Subalit alam ni Aling Carmen na wala pa ring makakapantay sa pag- aaruga at kalinga ng isang tunay na ina para sa anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD