"KAMUSTA naman ang luma-love life d'yan! Papansit na!"
Matunog na napahalakhak si Tempest dahil sa sinabi ni Chona. Kinikilig siya dahil pakiramdam niya'y lumalalim na talaga ang nararamdaman niya kay Dash. Ang sweet-sweet nito sa kanya at laging tinatanong kung kumain na ba siya.
"Gaga. Para namang di ka pa umay sa mga pansit na tinitinda ni Aling Nancy sa inyo."
"Palusot-dot-com ka pa. Pero... sino ang mas matimbang? Si Dash o--" binitin ni Chona ang sasabihin saka tinaas-taas ang kilay.
"O?" Umarko ang kanang kilay niya.
"O si Dan?"
Kung may iniinom lamang siya ngayon di sana ay nabilaukan na siya.
"Gaga!" Binato niya ng unan si Chona. "Anong Dan? Kilabutan ka nga."
Sa lahat ng ayaw niyang mapag-usapan ay si Danger. Mas pinag-igihan niya pa ang pag-iwas dito mula noong isang gabi. Mabuti na nga lang at tumunog ang telepono ni Dan at bigla na lamang itong umalis ng walang salita sa kanya.
Nagpapasalamat siya at hindi natuloy ang sinasabi nitong paniningil sa kanya.
Isang araw na ang nakalipas at nakahinga na siya ng maluwag dahil kahit nagkasalubong sila nito kahapon ay dinaanan lamang siya nito na parang hangin at hindi siningil sa mga kagagawan niya.
Pakiramdam niya'y nabunutan siya ng tinik ar bumalik na sa normal ang buhay niya.
"Gwapo naman si Dan, ah? Kung tutuusin, pwede siyang maging model dahil sa itsura niya--"
"Tara na nga." Hindi na niya pinatapos si Chona at nauna nang lumabas ng bahay nila. Panigurado kasing si Dan na naman ang bukambibig nito.
Mag-a-alas dyes na at kanina pang tawag nang tawag sa kanya ang isa sa mga office mate niya na Si Shana at tinatanong kung nasan na ba sila.
Inaaya kasi siya nitong mag-bar bago ito lumipad sa Spain patungo sa kasintahan nito. Kakilala naman nito si Chona kaya inaya na din niya.
"Eto naman hindi mabiro." Sinundot siya ni Chona sa tagiliran na inirapan niya lang.
***
"SAAN ang punta niyo, Tempest at Chona? Gabi na ah."
Napatirik ng mata si Tempest dahil heto na naman ang tsismosong si Baldo. As usual, katulad ng madalas nitong ginagawa; nag-iinuman na naman ito sa may tindahan ni Aling Amy kasama ang ilan pang mga alagad ni Danger.
"Hello Baldo! Magba-bar kami nitong si Tempest. Inaya--"
"Anu ka ba! 'Wag mo nga silang pansinin," bulong niya sa kaibigan saka binalingan sina Baldo. "Padaan nga!"
Hindi siya nito pinansin. "Bar? Di'ba inuman iyon? Hindi ba kayo mababastos r'yan sa mga suot ninyo? Ang iiksi."
"Ano naman sa 'yo, Baldo? Padaan sabi eh!"
"Uy ikaw Tempest ah. Porque wala dito si Boss Dan. Gumaganyan ka na. Alam mo bang ayaw nun sa mga babaeng sumusuot ng maiksi," sabat naman ng katabi ni Baldo na jeje. Nakabaligtad ang sumbrero nito at may shades pa kahit wala naman ng araw.
"Ano bang pake niyo at ng Boss niyo? Wala akong pakialam kay Danger! Halika na nga, Chona!" Hinigit niya ito at pilit na dumaan sa may kaliitang eskinita.
"'Di ba, nililigawan ka ni Boss?"
Natigilan siya bago nilingon si Baldo. "Anong nililigawan? Pwede ba? Hindi ako nakikipag-biruan sa inyo!" irap niya.
Humagikhik naman si Chona. "Haba ng hair, friend."
"Tumahimik ka nga!" asik niya bago inikot ang mga mata.
Naiinis siya at saan naman nakuha ng mga ugok na ito ang ideyang nililigawan siya ni Danger.
"Deny pa Tempest. Si Boss na mismo ang nagsabi sa 'min na nililigawan ka n'ya. Di ba?" ani Baldo sa mga kagrupo na puro naman nagsitanguhan.
Umirap siya. "Well good news, dahil fake news iyon!"
Ano ba naman itong buhay niya. Ang gulo-gulo na. Kasalanan ito ni Makmak eh. Kung 'di lang ito nagpabugbog, di sana, hindi siya makikilala ni Dan.
Gustuhin niya mang singilin si Makmak ay hindi na niya magagawa dahik magmula nang mabugbog ito'y, umalis na lamang ito sa lugar nila ng walang pasabi. Kahit iyong sari-sari store na malakas ang bentahan ay nagsara na din. Hindi niya naman alam kung saan ito hahagilapin kaya hinayaan niya na lang.
"Nililigawan ka pala eh. Sino na ngayon mas matimbang d'yan sa puso mo?" may panunudyo sa boses ni Chona.
Inirapan niya ito. Ligaw-ligaw! Kalokohan!
***
PASADO ala una na, nang mapagdesisyunan ni Tempest na umuwi na galing sa bar na pinuntahan nila. Hindi naman siya gaanong lasing kaya nakakapaglakad pa siya.
Matapos silang maghiwa-hiwalay ng mga kaibigan niya'y pumara na siya ng taxi pauwi sa kanila. Mag-isa na lamang siya dahil kanina pang nauna si Chona at hindi maganda ang pakiramdam.
"D'yan na lang ho sa tabi, Manong." Bumaba siya sa taxi matapos iabot ang bayad sa driver.
Nasa bungad pa lamang si Tempest ay naririnig niya na ang mga maingay na halakhaan nina Baldo. Napailing siya. Nang dumaan siya kanina ay nandun na ang mga 'yun, hanggang ngayon pa rin pala ay hindi pa matapos-tapos ang pag-iinuman ng mga ugok.
"Uy nandyan na si Tempest!"
Bumuga siya ng hangin dahil may nakapansin pa rin sa kanya kahit nakayuko na siya.
"Ano na naman?" bagot niya nang saad.
Walang sumagot sa mga ito bagkus, nagakatuon lamang ang mga mata nito sa taong naka-upo sa dulong upuan na ngayon ay nakatayo na.
Umirap siya at hindi inintindi ang paglapit ni Dan. Tinalikuran niya ang mga ito saka nagpatuloy sa paglalakad, hindi iniinda ang madilim na eskinitang madadaanan niya.
Napalunok siya. Bakit niya nga ba nakalimutan na isang poste lamang ang nagana dito kapag gabi at wala man lang kailaw-ilaw sa daan?
Kaya nga nakakatakot ng lumabas kapag gabi dahil madaming halang ang sikmura dito sa kanilang lugar na nagsisilabasan.
Nasa riles na siya nang maaninag ang grupo ng mga kabataan sa may gilid na may pinagkakaabalahan.
Napasinghap siya nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ng mga ito. Bigla siyang nilukob ng takot kaya unti-unti niyang inatras ang mga paa nang biglang may matapakan siyang tuyong dahon kaya nagsimula iyon ng ingay.
"Oh my God!" usal niya nang mapalingon sa kanya ang isa sa mga rugby boys.
"May tao, tangna!" dinig niyang ani nito.
Napalingon ang dalawa pa nitong kasama banda sa kinatatayuan niya ngunit bago pa man siya nito makita ay may bigla na lamang humigit sa kanya at sinandal sa pader.
"Oh my God," muling saad niya dahil sa takot nang baunin ng lalake ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. "S-sino ka?"
Sobrang dilim dito sa kinatatayuan niya kaya hindi niya ito makilala. Hindi na niya tuloy alam kung makakauwi pa ba siyang buhay ngayon o matatagpuan na lamang ang katawan niya kinabukasan na wala ng buhay.
"Ang tapang-tapang mo sa 'kin pero sa mga putanginang 'yon na pipitsugin, natatakot ka," tumawa ito.
Nanlaki ang mga mata niya at nakilala ang boses dahil sa accent nito. "Oh my God, Danger!"
"You're stupid. Hindi mo ba napansin kanina na sinusundan kita?"
Gusto niyang umirap. Paano niyang mapapansin kung madilim?
Akma siyang magsasalita nang takpan ni Dan ang bibig niya gamit ang kamay nito. Gusto niyang magprotesta lalo na't inihapit siya nito papalapit sa kanya pero hindi niya magawa lalo na't nakita niyang papalapit na sa kinatatayuan nila sa ang rugby boys.
"I'm gonna remove my hand on your mouth but make sure you'll gonna follow me sa sasabihin ko. Dahil kung hindi...ibibigay kita sa kanila."
Gusto niyang singhalan si Dan. Wala itong karapatang utus-utusan siya! Pero dahil alam niyang hindi ito nakikipagbiruan ay agad siyang tumango-tango.
"Good. Now, wrapped your right leg around my waist."
"A-ano? Ulol! Ayoko!" Bakit niya naman gagawin iyon? Hindi pa siya nahihibang lalo na't ang iksi-iksi ng suot niya.
"Okay," walang pagdadalawang isip na ani Dan saka siya tinalikuran.
"H-heto na. Oh my God!" napipilitang aniya nang makitang malapit na ang rugby boys sa kanila. Nagpalinga-linga kasi ito sa paligid kaya natagalan bago makalapit sa kinatatayuan nila.
"Good," may pagmamayabang sa boses ni Dan saka pumihit paharap sa kanya bago siya hinapit at ito na mismo ang naglagay ng hita niya sa beywang nito at mas idiniin pa siya sa pader.
Napasinghap siya at nanlaki ang mata; hindi inaasahan ang gagawin ni Dan sa kanya. Inaatras abante kasi nito ang beywang nilang dalawa habang ang kaliwang kamay ay nasa hita niya at hinahaplos siya doon.
"Ay gag* may nag-kakan**tan dito."
Itinigil ni Dan ang paggalaw saka nilingon ang mga ito. "Leave!"
"Uy tangna, si Dan pala ito. P-pasensya na Boss," ani ng mga ito saka nagkukumahog na tumakbo papalayo sa kanila.
Nang silang dalawa na lamang ang naiwan ay nagkukumahog na ibinaba niya ang paa saka sinampal si Dan.
Napaluha siya. Paano nga ba niya nakalimutang tinitingala ng mga basagulero, adik at siga si Dan dito? Lahat takot kay Danger. Paano siyang nagpadala sa ginawa nito sa kanya.
"Tangna mo ka! Ang m-manyak mo!"
Kumulo ang dugo niya nang maaninag ang pag-angat ng sulok ng labi nito.
"You're paid now," puno ng pang-iinsultong anito bago siya tinalikuran.
Sa inis ay inuha niya ang suot na takong at binato dito. Pero mas lalong dumoble ang inis niya nang hindi man lang siya nito nagawang ingunin kahit sapul ito mismo sa ulo ni Dan.
"Manyak!" sigaw niya.
"Yeah, that's a fact."
Napapadyak siya sa inis. Hindi man lang tinanggi ng barumbado.
***
"YOU really looked pissed. Are you alright, Beautiful?"
Ngumiti siya ng pilit kay Dash bago nahiga sa katre ng patagilid. Mag-iisang oras na silang nag-uusap at isang oras na din ang nakalipas matapos ng engkwentro nila ni Danger pero naiinis pa rin siya. Pakiramdam niya'y hindi lang siya nito binastos, naisahan din siya at nakaganti.
"I'm just tired, Dash," tipid na aniya.
Bumuntong hininga naman ito bago ngumiti. "Okay, maybe you need my kiss? Para mawala iyang pagod mo. What kiss do you want, hmm?" malambing na anito.
Napahalakhak siya bago pasimpleng nagpaalam dito na iinom muna ng tubig kaya pinatay na niya ang pag-uusap nila. Pero ang totoo'y hindi niya lang alam kung ano ang isasagot.
Kiss daw. Anong kiss ba ang sasabihin niya? Baka pagtawanan siya kapag sinabi niyang smack lang!
Agad na nag-search sa google si Tempest ng iba't ibang uri ng halik pero sa youtube pa rin ang bagsak niya dahil sa na-click niyang link.
Muling uminit ang ulo niya nang mapagtanto kung anong uri ng halik ang ginawa sa kanya ni Dan noong isang linggo na may kasama pang pagdila nang mapanuod ito.
Isang malaking s**t talaga ang Danger na 'yon!
Halos patapos na si Tempest sa pinanunuod nang di sinasadyang mahagip nito ang isang video na pumukaw sa atensyon niya.
ASMR boyfriend sweet talk. Basa niya dito.
Agad niya itong ni-click ngunit nangunot ang noo niya dahil sinakop lamang ng black screen ang background ng video. Akmang papatayin niya na ito nang pumalinlang ang isang tila paos na boses ng lalake.
"Hey baby..."
Napaayos siya ng higa dahil sa nakakaakit na boses nito. Tila naghatid iyon ng kakaiba sa kanya at pakiramdam niyang siya talaga ang kinakausap nito.
Inayos niya ang earphone at nilakasan ang volume ng upang marinig ito ng mabuti.
"How was your day? You know what... I've been thinking of you all day. I miss you my baby. I love you so much."
Sa edad niyang 'to, hindi niya akalaing makakadama pa siya ng kilig dahil lamang sa narinig na boses sa likod ng black screen ng videong naka-play ngayon sa cellphone niya.
"Hmm... I really wanna kiss you and cuddle you. So--" nabitin ang sasabihin hanggang sa narinig niya ang tunog na tila may hinahalikan sa background.
Pinamulahan siya dahil sa naiisip na siya ang hinahalikan nun. Hanggang sa hindi niya namalayang kinain na ang oras niya sa pakikinig nun hanggang sa tuluyan na siyang dinuyan ng antok.
***
MADALING ARAW nang natulog si Tempest kaya naman kinabukasan ay late na din siyang nagising. As usual, sermon ang inabot niya sa kanyang Nanay.
"Late na naman, Tempest?"
Hindi niya pinansin sina Baldo saka dire-diretso lang ang paglalakad hanggang kanto para mag-abang ng tricycle papunta sa pilahan ng mga FX.
"Anong oras na!" gigil niyang saad sa sarili matapos sulyapan ang relo sa kanyang palapulsuhan.
Shit! Punuan pa ang tricycle.
Naglakad siya nang naglakad habang naghahanap ng bakanteng tricycle pero ilang minuto na ay wala pa rin. Pinagpapawisan na siya at sumasakit na ang paa dahil sa takong ng sapatos.
"Ay gaga!" sigaw niya dahil sa gulat nang may bumusinang motor sa likod niya. Nang lingunin, ganun na lamang ang panlilisik ng mata niya nang makita ang hinayupak na si Dan.
Feeling niya ba, cool na ang datingan niya dahil sa yosing nasa kanyang bibig habang nakasandong itim at kupas at punit-punit na pantalon?
"Sakay na. Ihahatid kita," tila bagot na anito.
Umirap siya. "Ayoko. Wala akong tiwala sa 'yo. Baka mamaya totoo pala 'yung sinasabi nila Baldo na nililigawan mo ako!"
Ang kapal naman nitong ihatid siya. Ayaw niya nga! Baka mapagkamalan pa itong jowa niya ng mga katrabaho niya. Saka imbyerna pa rin siya sa ginawa nitong panghahalay sa kanya nung madaling araw.
Nangibit balikat lamang si Dan bago binaling ang mata sa babaeng halos mangisay na sa sobrang kilig kakatingin dito.
"Habal Miss?"
Kumislap sa tuwa ang mata ng babae at walang anu-ano'y umangkas sa motor matapos maiabot ang helmet dito. Matapos nun ay agad nang pinasibad ni Danger ang sasakyan.
Napa-ubo pa siya nang mabugahan siya ng usok galing tambutso.
"Ang assuming mo kasi, ghorl. Hindi lang naman ikaw ang pasahero dito. May nalalaman ka pang nililigawan. Ayan tuloy, may nauna na," natatawang ani ng bakla sa gilid niya.
Pinandilatan niya lamang ito ng mata bago inirapan.