Nagkasakit na ang ako ng literal dahil sa ginawa ko at pinaki-usapan ko ang mga kasama ko dito na hayaan nalang muna nila ako at huwag sabihin kay Asami kasi ayaw kung mag-alala ang isang iyon ayaw ko naman na habang nasa bakasyon siya nandito ang kanyang isipan sa akin at tumawag naman ako sa kanya kanina maingat lang ako magsalita kasi baka mahalata niya talagang lagot ko. Pinahid ko ang sipon at nagtalukbong ako ng kumot dito sa sofa wala ako kasi sa aking silid at dito ako sa sofa habang nakikinig sa balita at kapag nandoon ako sa silid ko baka si Law lang din naman ang iisipin ko doon at kung ano na naman ang pumasok sa aking isipan na kahit ang aking sarili ay hindi kundi din naman maintindihan. Nasasaktan ako na hindi ko alam kung bakit pero ang mahalaga naman sa akin ay ang maayos