Habang nakikinig ako sa sinasabi sa akin ng manager ng restaurant at si Asami naman ay nakikipag-sagutan dito at hindi ko naman mapigilan si Asami dahil talaga namang kasalanan ng lalaking iyon kung bakit ako nadapa at nabasag ang vase nila dito. Naramdaman ko naman talaga na pinatid niya ako kaya ako nadapa at nabasag ang vase tapos ituturo niya lang na ako ang may kasalanan.
Ilang taon nadin ang nagdaa at ngayon isa na akung sikat na violinist sa kabutihang palad natapos ko ang pag-aaral ko sa music school at nakilala ako bilang isang sikat na violinist kahit na bulag lang ako pero nakamit ko ang pangarap ko kahit na bulag ako. Pero kahit anong sikat ko ay tao paring humuhusga at minamaliit ako dahil lang sa bulag ako sanay na naman ako doon at ayos lang sa akin iyon tanggap kuna kung ano na ako.
“Sinabi kuna sa inyo na pinatid ng lalaking iyan ang kaibigan ko kaya siya nadapa at ano kaibigan ko pa ang may kasalanan?” hiyaw ni Asami sa manager nila habang ako nanatiling nakaupo sa upuan at nakikinig lang sa kanila. Alam ko naman na hindi magpapatalo si Asami kung alam niyang nasa tama siya at wala naman talaga akung kasalanan.
“Alam mo naman kasing bulag iyang kaibigan mo dinala mo pa dito kaya nakagawa pa ng gulo! Mga salot na nga sa lipunan perwesiyo pa sa mga tao na nasa paligid niya! Siya naman talaga ang may kasalanan at hindi ko siya pinatid sadyang lampa at bulag lang siya!” mahigpit akung napahawak sa baston ko ng marinig ang sinabi ng lalaki dahil kahit maka-ilang beses kuna itong narinig sa ibang tao nasasaktan parin ako ng paulit-ulit hindi ko alam kung bakit sila galit sa kagaya kung bulag pero sana naman magpakita sila ng kaunting respeto tao din naman ako at may pakiramdam.
“Hoy hayop na bakulaw kitang-kita ng dalawang mata kuna pinatid mo ang kaibigan ko hindi porket bulag siya wala ng nakakakita sayo hayop ka kahit tignan pa natin sa CCTV makikita ang kahayupan na ginawa mo!” umalingawngaw ang malakas na boses ni Asami sa loob ng restaurant habang naririnig ko naman ang buntong hininga ng manager sa amin. “Ang problema kasi sa inyo hindi niyo tinitignan kung sino ang nagsasabi ng totoo hindi porket bulag ang kasama ko siya na ang may kasalanan!” mabilis kung hinawakan ang kamay ni Asami dahil talagang hindi siya magpapatalo kahit kanino at wala naman talaga itong balak magpatalo kapag alam niyang tama siya.
“Hayaan muna Asami bayaran nalang natin ang nabasag ang umalis na tayo,” mahina kung saad kay Asami at narinig ko naman ang pagtawa ng lalaki na pumatid sa akin na akala mo naman demonyo. Mabait akung tao pero hindi na ako bata para hayaan nalang siya ganituhin ako wala ako sa posisyon ko ngayon kung hinahayaan ko lang ang ibang tao na apakan ako at tignan ako na parang basura.
“Ako na ang magbabayad nakakahiya naman sa manager dito baka kulang pa ang ibayad niyo at sa susunod kasi sa kalye nalang kayo kumain o di kaya sa palengke nalang kayo total doon naman nababagay ang mga katulad niyo!” hindi kuna napigilan ang sarili ko at kaagad na akung tumayo at humarap kung nasaan ang mga lalaki at kahit hindi ko siya nakikita alam ko kung saang banda siya sa boses palang niya kaya ko siyang puntahan. Oo bulag nga ako pero malakas naman ang pandinig at pakiramdam ko kaya kahit hindi ako nakakakita makakatawid ako sa kalsada at maglakad ng mag-isa.
“Ako na ang magbabayad baka mabawasan pa ang yaman mo at ako pa ang sisihin mo kahit ang bill mo dito ako na din ang magbabayad total ako naman talaga ang may kasalanan diba?” marahan kung saad sa kanya at ngumiti ng matamis at kahit hindi ko nakikita nag kanyang mukha ngumiti parin ako. “Bayaran muna Asami may pupuntahan pa tayo at ipa-cancel muna ang schedule ko dito sa restaurant na ito ayaw kung tumugtog dito kung ang mga nagta-trabaho dito ay hindi inaalam ang tama at mali,” dahil sa sinabi ko kaagad na napasinghap ang kanilang manager siguro ngayon palang niya ako nakilala lalo pa at kinausap ako ng may-ari ng restaurant na ito tumugtog dito pero mukhang ayaw kuna lalo pa at ganito pala ang pamamalakad nila.
“Miss Agustin pasensya napo hindi kop o kaagad kayo nakilala pasensya napo talaga,” mabilis na sabi ng manager ng makilala na nga niya ako tuluyan. “Ako napo ang bahala dito maaari napo kayong bumalik sa pagkain at hindi niyo nap o kailangan bayaran ang launch niyo pati nadin ang vase,” mabilis nitong saad habang ako naman nanatiling walang imik pero naririnig kuna ang munting tawa ni Asami sa tabi ko.
“Kilala mo pa si Fritche tapos kanina tinawag mo pa siyang pabigat at kinakampihan mo pa ang hayop na iyan kahit alam mo namang kami ang tama bakit dahil ba mayaman siya? Dahil ba bulag ang kasama ko kami na ang mali? Pakisabi nalang sa boss muna ayaw na namin dito kasi ang pangit ng mga ugali niyo,” natatawang saad ni Asami sa kanila at hindi na nga nakasagot ang lalaki. “Bakit ka naman natahimik na hayop ka? Don’t tell me ngayon mo lang nakilala si Fritche kaya parang natulos ka diyan sa kinatatayuan mo,” natatawang saad na naman ni Asami at ramdam ko ang paghawak nito sa aking kamay.
“Pasensya napo talaga Miss Agustin ako napo ang bahala dito,” mahinahong saad ng manager at hinawakan ako sa kamay pero kaagad ko namang kinuha ang kamay kung hawak niya. Umaasa pa naman ako na aalamin muna nila ang totoo pero mas pinili nilang kampihan ang lalaking iyon dahil lang sa mukhang mataas itong tao dahil sa taas ng kanyang boses na akala mo naman kung sino.
“Bakit sila na ngayon ang inaatupag mo? Hindi mo ba ako kilala? Hindi ko naman kilala ang mga hayop na iyan kaya mga wala silang silbi!” malakas na saad ng lalaki pero hindi kunai to pinansin at kinapa nalang ang bag ko sa upuan at narinig ko pa ang sinabi ni Asami na nandoon na ang bayad naming at hinila na ako nito palabas habang hinahabol kami ng manager at hindi pinapansin ang sigaw ng lalaki.