Panay mura ni Von ang aking naririnig habang ginagamot niya ang aking mga sugat habang ako naman napapangiwi at napapaigik sa hapdi at sakit. Paano ba naman ang dami kung sugat kasi ang halaman kanina na nahigaan ko doon ng magtago kami ay cactus ang bulaklak na madaming tinik kaya ilang mura ang nagawa ko at hingi naman ng pasensya ng aking mga assistant sa akin. Sino ba naman ang hindi mapapamura kung iyon ang mahihigaan mo kaya nga si Von dito halos hindi kuna mabilang kung ilang mura ang narinig ko mula sa kanya. “Tangina!” imbis na mapangiwi ako sa sakit napangiwi ako sa kanyang mura. “Damn! Ang daming tinik sa katawan mo!” kaming dalawa lang dito sa silid ko at siya ang kumukuha ng aking mga tinik sa katawan at panay naman ang mura nito. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya par