Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko habang nakatutok sa aking ulo ang kung bagay man ang kanyang hinahawakan. Kahit ano pa siguro ang gawin ko wala na akung magagawa dahil sa ilang segundo lang magagawa na niya akung patayin kahit sumigaw pa ako ng malakas. Kung may magagawa lang sana ako ngayon iyon ang sabihin kay Von mahal na mahal ko siya pero bakit ganito ang tadhana sa akin! “Kahit anong iyak pa ang gawin mo hindi na magbabago ang isip ko at magkita nalnag kayo siguro ni Von sa kabilang buhay kasi siya nadin naman ang isusunod ko!” nanatiling wala akung imik at panay lang naman ang tulo ng aking mga luha na kahit anong mura ko sa kanya hindi magbabago na papatayin niya talaga ako. “Kahit magawa mo pa akung patayin hindi mo magagawang patayin si Von dahil hindi mo siya kaya at ik