Habang abala ang lahat sa paghahanda sa pagdating mamaya ni Asami sabi nito sa akin at nakapag-decide ako na maghanda kahit paano kasi alam kung dito ang deritso nila ni Clark at sobrang na miss ko din naman ang aking kaibigan matapos ng ilang linggo na wala siya at madami ang nangyari sa akin na kailangan kung sabihin sa kanya ng personal dahil may alam na siya at wala na akung magagawa kundi ang sabihin nalang sa kanya at mukhang panahon nadin naman ito para sa sabihin ko din sa kanyang ang totoo. Sinabihan ko din naman si Von na pumunta siya kasi baka gusto siyang makilala at makita ni Asami lalo pa at alam din ng bruha na iyon ang tungkol sa kanya. Alam kung hahanapin niya si Von at siguro naman haharapin siya ni Von at iyon muna ang aking aalamin sa lalaking ito. Kagaya ng kanyang