Hindi ko alam kung may nakukuha ba kaming atensiyon ng ibang tao habang hawak-hawak nilang dalawa ang aking kamay, kasi naman bakit umabot pasa ganito. Kung hindi lang san ako hinila ni Christian wala sana, alam ko naman na sobrang protective sa akin ni Von sa ibang lalaki to the point na magseselos nalang siya. Sabi niya akin ayos lang kung kausapin ako pero ibang usapan nasa kanya kapag hinawakan ako ng kung sino man. “Sino kaba kita mo naman nag-uusap kami kukunin mo siya!” sagot sa kanya ni Christian kaya mas lalong tumaas ang tension sa pagitan nilang dalawa dahil sumagot pa si Christian kahit na sinabi nasa kanya ni Von. Tangina paano ko aawatin ang dalawang ito! “Kilala ko ang babae na hawak ko kaya ikaw ang bumitaw dahil mukhang nagkamali ka ng hinihila muna babae!” sobrang lakas