Kung nakakita lang ako siguro matagal ko ng sinampal ang lalaking ito dahil sa takot na binibigay niya sa akin at kakaibang pakiramdam na hindi ko alam. Kung sino ang lalaking ito baka mapanganib siya dahil nagawa niya akung sundan hanggang dito at kahit anong gawin ko alam kung wala akung laban sa kanya ngayon kahit pa sumigaw ako ng malakas. “Sino kaba talaga at ano ang kailangan mo sa akin!” malakas kung sigaw sa kanya na alam ko naman na hindi maririnig nina Asami kasi sound proof ang silid na ito at walang makakaligtas sa akin kundi ang sarili ko lang lamang. “Paano mo ako nagawang sundan dito sa Isla na ito!” muling sigaw ko sa kanya pero isang buntong hininga lang ang narinig kung sagot mula sa kanya. “Just call me Law,” mahina niyang saad sa akin kaya bigla akung natigilan. “It