Habang inaayos ng aking mga assistant ang sunod kung schedule ay nandito lang ako nakikinig sa kanilang usapan dahil nangalay din naman ang kamay ko sa kakahawak ng violin at marami akung ginawa ngayon, punong-puno ang schedule ko at halos buong araw kasama ang gabi wala akung pahinga sa kakalipat ng ibang lugar kung saan ako naka schedule. Hindi naman mahirap ito sa akin dahil sanay na ako pero nakakapagod lang talaga sa byahe at sumasakit ang ulo ko. Pero dahil sa trabaho ko ito at mahal ko ang trabaho ko ayos lang sa akin. Mas mahirap ito kapag nasa ibang bansa na ang schedule ko dahil mahihiluhin pa naman ako sa byahe kahit nan aka private plane kami, nakauwi na siguro si Asami sa araw na iyon at parati naman siyang tumatawag sa akin at kagaya ng dati napupuno ang tenga ko sa kanyang