Isang linggo nalang at aalis na kami ni Von papuntang Spain upang doon isagawa ang aking operasyon dahil nandoon daw nakatira ang kanyang kaibigan at sasama sa amin si Asami at Clark. Hindi naman hahayaan ni Asami na mag-isa lang ako kaya sasamahan niya ako at sasama sana ako ngayon kay Von sa office nito dahil wala akung kasama dito pero bigla nalang nagsabi si Asami na sasamahan niya ako dito. Kaya ngayon dalawa nalang kami dito sa gilid ng pool ni Von sabi nito at kaming dalawa lang dahil ayon pa sa kanya may importante daw kaming pag-uusapan. Kanina pa naman umalis si Von at kasama nito si Clark pero hindi ko alam kung anong oras babalik ang dalawang iyon. “May hindi ako sinasabi sayo Che,” sobrang seryoso ng boses ni Asami kaya bigla naman akung na alarma. “Sana matagal kuna itong