Napapatawa kami ni Von habang nakaupo ako sa kanyang tabi dahil ilang linggo nadin naman ang dumaan at naging magaan nadin ang aking loob hindi lang loob dahil naging maayos nadin kahit paano ang aking sarili at humilom na ang aking ibang sugat pero ang nasa tiyan ko ay nandito parin naman. Naririnig pa namin ang dalawa kaya kami naman ni Von ay napapatawa nalang dahil kahit anong away nilang dalawa si Clark parin ang humihingi ng tawad sa huli at ibang-iba nga talaga kapag mas mahal ka ng lalaki dahil magtatagal kayo. Magaling kasi humawak ng emosyon ang mga lalaki kasama na ang problema pero ang mga babae magaling din naman sila pero minsan nauunahan sila ng kanilang emosyon at softhearted kaya minsan marami ang naiiwan dahil sa mas lamang ang pagmamal ng babae sa lalaki, iyong tipong