Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon bagkus ay bigla akung hinawakan ni Asami habang nararamdaman ko ang kanyang ngiti. Paano niya ang nakilala ang may-ari ng isla na ito at iba ang nasa isipan ko ngayon mukhang hindi talaga ako nagkakamali sa nasa isip ko ngayon. “Fritche meet Clark the owner of this island,” mahinang saad ni Asami sabay taas ng aking kamay at nakipagkamay sa akin ang lalaking nagngangalan na Clark. Alam kung tama ako sa aking naiisip ngayon na may namamagitan sa dalawang ito. “Nice to meet Fritche,” matapos na sabihin ni Clark ang salitang iyon kaagad niya namang binitiwan ang aking kamay. Mabilis na hinawakan ko ng mahigpit sa kamay si Asami. “Sabihin niyo na sa akin kung ano ang namamagitan sa inyong dalawa kasi alam kung may ti