Habang nakikipag-usap ang ibang kleyente sa ibaba at ang mga assistant ko lang ang humaharap sa kanila at ako naman dito ay naghihintay lang. Mukhang nagwawala kasil sila ibaba at kapag nalaman nila na nandito lang ako baka sugurin nila ako dito at ako mismo ang singhalan nila. Si Asami kasi ang nag cancel ng kanilang mga schedule sa akin at aaminin kuna madami na ang naapektuhan ko kaya napag-isip kuna gawin nalang ang aking trabaho kaysa naman masira ang pinaghirapan ko sa buong buhay ko. Naiintindihan ko naman sila at isa pa labas naman talaga sila sa kung ano ang nangyari sa akin at kapag pinairal ko ang ano man ang nangyayari sa akin ngayon malaki ang magiging epekto nito sa aking buhay kaya mas mabuti na harapin ko nalang at huwag nalang muna ako tumanggap ng appointment sa kanila up