Hinahaplos ni Asami ang aking kamay habang nasa labas na kami at may umaasikaso na sa mga nasira sa loob at kahit ang kaibigan ko nagulat din sa nangyari lalo naman ako na nasa bingit na kanina ng kamatay at pakiramdam ko nadaanan ako ng bala sa katawan ko at mabuti nalang hindi ako natamaan at hindi ako nasaktan pero nandoon naman si Law at hindi ako nito hinayaan na masaktan. Alam kung nakikipagbarilan siya doon habang ako nandoon sa loob ng cabinet at sa nakikita ko mukhang sanay na sanay si Law sa ganon kasi hindi manlang halata sa kanyang mukha ang takot at gulat sa barilan. “Ayos ka lang ba talaga? Hindi kaba nasaktan?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Asami na halata sa kanyang mukha ang pag-alala sino ba naman ang hindi mag-aalala kung napuno ng putok ng baril ang buong lugar na i