Habang kumakain kami ni Von sa kung saan man niya ako nito dinala alam kung binabantayan niya ako at sabi niya sa akin hayaan ko nalang ang mga tao sa paligid dahil wala naman silang pakialam at kumain nalang ako dito, hindi naman daw ako kilala ng mga tao dito lalo pa at hindi naman ako ganon kasikat sa music industry lang naman ako kilala. “Kier is my childhood friend and I know you heard a lot of things about him already,” bigla akung napatigil sa pagkagat ng chicken na may kaunting anghaw at kahit hindi ko nakikita si Von napatingin ako sa kanya at nakikinig sa susunod pa niyang sasabihin. “Tumigil lang siya at nagtago bilang isang doctor ng sarili niyang girlfriend hindi niya naligtas at namatay, ang kanyang minamahal ang unang pasyente niyang namatay at wala siyang nagawa. Nagawa n